Jerk 02 : Partner Of Jerk

2465 Words
HE'S A HOT JERK 02 : Partner Of Jerk Rhobelyn P.O.V “KUMPARA sa ibang babae, mas challenging ka...” Salita niya pa. Sobra na ito. Sarap basagin 'yung betlog niya. “Lumayo ka sa akin, babasagin ko iyan!” pagbabanta ko para lang mapatigil siya. Atsaka ako nagulat nang iangat niya 'yung kamay niya sabay napapikit pa ako. “Tapusin na natin 'yung project natin. Puwede?” ngumiti pa siya. Inilapag nya sa kamay ko 'yung note ko sa project namin. Nagalit ako sa kanya. “Ayaw ko na! Maghanap ka nalang ng bagong partner mo! Tutal naman diyaan ka naman magaling ang humanap ng partner.” Napalayo siya sa pagkakaharang niya. “E sa ikaw 'yung partner ko e. Paano mangyayari iyon? Isusumbong kita sa teacher.” Aba! Ang lakas ng loob manakot? “Ehem! Then that's your problem now! Ako lang naman din ang gumagawa. Oh 'di mas mabuting magsarili nalang ako hindi ba? Kesa naman asahan pa kita kung wala naman akong maaasahan.” Sabi ko talaga sa kanya a. Kaya natahimik siya. Akmang aalis na ako nang hilain niya ang kamay ko. “I'm sorry!” naging malambing ang tono ng boses niya. Napa-isnob naman ako. Kasi iyan na naman siya sorry na naman hindi naman sinasapuso. Inalis ko 'yung kamay niya saka humakbang ako noong magsalita siyang muli. “Please help me... Rhobelyn.” “Help mo mukha mo!” “Hindi mo ba ako mapapatawad?” Nagpapa- cute siyang muli. Akala niya siguro talaga madadala niya rin ako doon. Sabagay charm niya iyan, pero wala akong pakialam! “Tutulong na talaga ako promise! Bilang paghingi ko ng paumanhin take this chocolate, expensive iyan.” Ano ito, nanunuhol siya? Akala niya madadaan niya din ako diyan. Seryoso ba talaga siya? “Wala akong pake! Ayaw ko ng chocolate mo!” “E, anong gusto mo pala? Sige na sorry na please...” Close finger pa siya sa harap ko tapos bigla ba namang lumuhod. “Uy tumayo ka nga diyan!” utos ko. “Sorry na please.... Sige ano gusto mo? Gagawin ko!” Napangiti naman ako ng bahagya kasi natatawa ako sa itsura niyang nagmamakaawa sa akin “Kung sabagay. Ako lang naman ang maaasahan niya.” “Gagawin mo na? Tutulong ka na?” “Yes! Tutulong na ako...” “Okay, then let's have a deal?” “Okay! Ano iyon?” “Mangangako ka bang tutulong ka na talaga at wala mo munang babae, gets?” “Hmm...” Napaisip sya. “E, ayaw mo yata e! Aalis na ako.” “Huwag! Okay! Okay! Deal na!” “Pangalawa..” “May pangalawa pa?” napakunot noo siya. “Yes meron! Kapag hindi ka tumulong? Sa akin lang 'yung project aalisin ko name mo!” “Okay okay! So..... Okay na?” “Anong okay na?” sabi ko. “What?! Bakit? Ano pa ba?” “Libre mo akong kumain ng inasal na manok. Ayaw ko ng chocolate mo, hindi nakakabusog.” Bigla naman siyang natawa at tumango-tango. --- AT IYON na nga lumipas 'yung mga araw, tumupad naman sya sa napag- usapan. Kasi kagaya ng deal namin umiiwas na siya sa babae mo muna, lalo na 'yung mga flirt. Dahil kung hindi? Sasapakin ko na siya. Naging mas mabuti narin siya ngayon sa akin at tumutulong sa mabibigat na bitbitin kapag pumupunta kami sa house niya. Hanggang kailan kaya siya ganiyan kabait? Siguro nagtitiis lang siya dahil sa pananakot ko? Pero maganda nga kung ganoon. Hindi narin siya sakit sa ulo. Pero minsan napapaisip ako... Ang guwapo ngarin pala talaga ni Axel 'no? Lalo na kapag good boy siya at parating nakangiti. I once fall to him at fist I met him, pero nawala iyon noong malaman ko na may pagka-jerk siya. He has a good smile. I mean the true smile. Hindi 'yung ngiting demunyu o ngiting manyak Minsan napapasaway din ako sa sarili ko na bawal ako ma-fall sa kanya, lalo na sa isang katulad niya dahil baka masaktan lang ako. Sa mga katulad niya baka maging pampalipas lang ako tulad sa ibang babaeng parang damit lang niya palitan. Kinabukasan naging araw na ng pasahan ng project namin naging sulit naman lahat ng pinaghirapan namin, kasi napili pa ito bilang halimbawa sa ibang class at student. We did a great job! Masayang masaya ako pero noong araw din na iyon ay wala si Axel, araw kung saan gusto ko siyang pasalamatan sa paghihirap niya rin. Nagawa namin ng maayos ang proyekto. Nasa council ako noon nang pinatawag ako kasi napag-usapan ang project namin pinilit kong tawagan at i-text si Axel kaso walang response. Nang nakasabay ko din 'yung crush ko na Senior namin. Waaa! Ang cute niya. Nagkataon ba ito? Kinakausap niya ako at gustong gusto daw niya 'yung ginawa ko, I mean gawa namin ni Axel. Pinagtulungan namin ni Axel iyan eh. “Pero sa iyo 'yung idea right?” Napatango- tango ako. “Oo.” “Congrats! I am happy for you.” Tinapik niya ako sa balikat. Medyo napangiti naman ako. “Salamat!” “Let's go?” tanong niya. Atsaka ako nagulat kasi 'yung crush ko mahahawakan ko 'yung Kamay? Holding hands? Nang saka na nga niya hinawakan 'yung Kamay ko. OMG! Kinakabahan ako. “Nanlalamig kamay mo ah? Relax ka lang.” Pag-ngiti niya pa. Napatango naman ako. “Okay.” Nakailang hakbang palang kami nang... “I'm here!” si Axel nasa likod namin nakakunot ang noo. Saan naman siya galing at pagod na pagod 'yung itsura niya? “Ohhh! Axel your here!” “Bitiwan mo nga siya!” salita ni Axel nang maabutan niyang hawak ng Senior 'yung kamay ko. “Relax kalang pare pinapatawag kami ng council.” “Pinapatawag din naman ako rito kaya bitiwan mo na siya.” Agad siyang lumapit at hinampas 'yung kamay ng senior pagkatapos ay tinanggal niya sa pagkakahawak sa akin. Nagalit naman ako sa ginawa ni Axel mukhang nasaktan 'yung Senior ko. “Ano ba problema mo? Bumalik ka na naman diyan sa masamang ugali mo? Eh ano kung hawak niya ako?” “Eh bakit ba?” tugon niya sa akin. “Ang labo mo talaga e 'no? Hindi ka na talaga magbabago!” inis ko. “Pinapunta-punta mo ako dito, tapos ngayong nandito ako ganiyan ka naman.” Napamewang siya. E, ang bastos ng ginawa mo eh! Mas matanda pa sa atin si Senior pero sinaktan mo.” “No I'm okay, i'll go first.” Si Senior. “Hindi. Sabay na tayo," saad ko naman, bago ay kumilos na kami. Nakita ko naman na sinundan siya ng tingin ni Axel saka na ako tumalikod sa kanya. “Jerk! Sumunod kana lang,” salita ko sa kanya. Atsaka siya dagli dagli na lumapit sa akin, pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay. Napatingin ako ng masama sa kaniya. “Bitiwan mo nga ako. Jerk!” Dahil sa ginawa ulit ni Axel ay umalis nalang si Senior at nauna na. Bwesit! Napaka-childish naman ng tao na ito? Ano bang problema niya? “Bitiwan mo ako!” sabi ko ulit. Napabitaw siya. Saka na ako napahakbang nang magsalita siya. “Gusto mo ba 'yung Senior mo?” tanong niya, hindi ko sya pinansin nagpatuloy lang ako. “Gusto mo ba siya?” pag-uulit niya. “Kasi ako, gusto na yata kita!” Bigla ako napatigil. ‘Huh? Ano? Tama ba iyong mga narinig ko? Siraulo! Gusto niya ako? Teka, lasing ba si Axel?’ Napakunot noo ako at humarap. “I like you! Hindi ko alam kung bakit o paano? Pero gusto kita, Rhobelyn! Gustong- gusto!” -- HINDI ko alam kung ano nangyayari sa akin? Para akong naging tanga bigla at nawala sa sarili sa mga oras na sinabi ni Axel na gusto niya ako. Hindi naman ako dapat naapektuhan pero apektado ako. Magpapatuloy ba ako sa pagpasok ko? Hindi ako makakilos. Biglaan pumasok sa alaala ko nitong mga nakaraan ang pagiging biglaang mabait niya sa akin, pero hindi ako aware na may nadedevelope siyang feelings for me. Sandali! Tama ba talaga ang mga narinig ko. Gusto ko lang talaga liwanagin. Gusto niya ako? Tsk! Ang isang Axel, nagustuhan ang tulad ko? Mabilis siyang lumapit papunta sa harapan ko, pagkatapos ay niyakap niya ako. Sasabihin ko bang lumayo siya? Alisin niya pagkakayakap sa akin? Pero tila yata ang sunod ng katawan ko ay iba sa sinasabi ng puso ko. Niyakap ko din siya. I just don't know. Atsaka niya tinanong kuong gusto ko din ba siya? Hindi mo muna ako nakasagot sabay Oo din ako, nang akmang hahalikan niya sana ako pero hinarangan ko ng hintuturo ko 'yung nguso niya. “Opppssssiee!” “Bakit?” tanong niya. “Sorry, Mister Axel. Hindi kailangan humalik kapag nagko-confessed.” “Then Why?” Babalakin pa niya sana ulitin 'yung ginawa niya, e umiwas ako. “Ano ba problema?” tanong niya ulit. “We're not that official. Nag- Oo nga ako that I like you too, pero hindi ka naman dumaan sa panliligaw ng tama mo muna. Huwag mo ako igaya sa mga babae mo. Prove yourself to me. Malay ko bang lokohin mo lang ako, diba?” Napakamot siya sa batok niya. “E, alam mo naman ang tagal tagal ko ng hindi namba-babae e. Saka hindi ako ganoon I realized that na ikaw ang pangmatagalan sa buhay ko. Kung ligaw ang hanap mo, gagawin ko. Not a joke.” Mga lalake talaga. Sweet talk talaga? Hindi niya ako madadala sa banat na ganiyan. Pero aaminin ko namay konting kurot. Napairap ako bigla sa kaniya. Hindi ko siya pinansin, may kasalanan din siya sa akin sa hindi niya pagsulpot. Marami ang oras na wala siya, kaya hindi ako naniniwala na sa mga oras na wala siya ay hindi siya nakipag-chukchakan sa mga girls niya. I maybe like him, pero mag-iisip mo muna ako. Nagpatuloy na ako sa loob kaya walang anong napasunod nalang siya saka na kami sinalubong ng councilor at ni Senior na nakangiti pa sa akin. Nakikita ko naman kay Axel na ang sama ng tingin niya sa Senior ko na tila ba yata ginugulpi na niya sa isip niya ito. Natapos Ang araw na iyon hindi ko mo muna pinapansin si Axel. Gusto ko lang talaga malaman kung sincere siya sa mga binitawan niyang salita. Kilala ko na ang isang Axel sa tagal ko ng naging saksi sa ugali niya. Magaling siyang magbitaw ng mga mabubulaklak na salita. Iniisip ko din kasi na baka sinabi niya lamang ang mga iyon para asarin ako o kaya naman pampalubag loob. Lumipas ang mga buwan na nagdaan, parati ni Axel ako sinasamahan, tila halos ayaw niya na ako lubayan oras-oras tapos panay bigay ng bulaklak at pagkain. He did what he told me na liligawan niya nga ako. Akala ko talaga biro ang mga iyon. Ano ba itong si Axel? Gusto niya ba talaga ako? Sa mga inasta niya this month talagang mapagkakamalan na kami na ni Axel. Parati din akong nasa house niya para i- tutor siya at makasama narin. Hindi pa talaga kami pramissh. Hindi na siya lumalapit sa mga babae except siya ang nilalapitan ng mga babaeng puro silicon ang dibdib. Naiinis lang ako, kasi bakit ako nagseselos?Minsan napapaisip pa nga na magpalaki narin ng hinaharap pero bumabalik naman ako sa katinuan. Mayroon pa minsang nahuli ko sya... Muntikan na siyang mahalikan ng babae na kausap niya. Sinigawan ko nga bago pa tuluyan mangyari. “Whoyyyyyyy!!!... Bawal 'yan!” Woman magnet talaga si Axel. Guwapo at mayaman e. Kaya natatakot din ako para sa sarili ko, at sa magiging relasyon namin. Dapat ko na nga ba siyang sagutin, sa mga pagkakataon na ganito naman? Siyempre ako din itong nahihirapan. Hindi pa man kami pero nagiging paranoid na ako sa bawat oras, minsan pa ngang nag- absent ako masubaybayan ag mamonitor ko lang si Axel. if hes cheating on me. Takot at pangamba. Iyan talaga ang magpapahirap sa akin o samin. Ayaw ko lang na makita na habang nanliligaw siya ay nagpapakasaya na pala siya sa iba. Ako kapag nagmahal ako todong-todo, kaya I'm just scared what if walang matira para sa sarili ko? Isang araw hindi niya ako tinawagan na pumunta sa house nila, kaya naisipan ko naman na pumunta parin kahit walang permission niya. Nagdala pa naman ako ng Baked Chocolate na cake. Tila nakabukas 'yung gate nila sinalubong pa ako ng guard nila na huwag pumasok. “Bakit sino may sabi?” tanong ko kasi parati na akong pumupunta sa house niya tapos haharangan ako? Hindi siya nakasagot bagkus napakamot lang ng ulo. Hindi ko siya pinansin pero parang may kaba na ako sa mga oras na iyon, nagpatuloy ako pumasok. “Axel, nandito na ako!” pagbati ko pa man din habang pumapasok ako sa pinto niya. Nang hindi ko inaasahan iyong mga nakita ko. Napabitaw ako sa dala kong cake. Nanlaki 'yung mga mata ko saka walang anong tila bumuhos ang mga luha sa aking mata. Nakita ko si Axel na naka- upo niya sa harap ang isang babae habang nakikipaghalikan siya dito at nasa sofa sila. Rinig ko ang ungol ng babae sa pakikipaghalikan, at nakita ko pa na mukhang nagkakasiyahan sila dahil sa mga alak na nasa lamesa. Ito ba 'yung sinasabi niya na pangmatagalan sa buhay niya? O panandalian lang din tulad ng mga ibang babae. “Sinungaling!!!” sigaw ko nang mapatingin sila sa akin at makita si Axel na gulat na gulat. At tila nagising sa kasinungalingan niyang mga sinabi sa akin. “Rhobelyn?” ---- HOW can this be happen? Niloko niya lang ba ako, at nag- tiwala naman ako o umasa lang ako sa mga pangako niya at mga salita niyang alam ko naman sa umpisa na isang pambobola? Matagal ko ng sinasabi sa sarili ko na hindi ako puwede mahulog sa isang katulad niya. Pero ito na nga ang nangyari. Tumalikod ako sa kanila at hindi na napigilan ang pagluha sa aking mga mata. Mabilis ako umalis. He's trying to called me, but I can't do this anymore. Hindi na nga magbabago ang isang playboy at jerk na tulad niya. Once he do it, mangyayari at mangyayari talaga ito. Magpakasaya ka nalang Axel. Hinabol niya ako at hinawakan sa dalawang kamay. “I'm sorry! Hindi ko sinasadya ang mga nangyari.” Napatawa ako sa sinabi niya na paanong hindi niya sinadya kung parang nagugustuhan naman niya? “Inakit lang niya ako. Saka mali ang—” “So... inakit?” There's a way naman para umiwas diba? Maraming dahilan para sabihing hindi siya interesado dito at layuan ang babae, pero hindi ginusto niya eh. Ginusto niya kaya hindi na siya makakapag-dahilan pa. Sinampal ko sya. Natulala siya sa ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD