MULTIPLE HEART HUMANIST
03 : Multiple Heart Girlfriend
Kian P.O.V
ILANG beses pa na umulit iyon dahil nitong mga nakaraang araw ay lagi na kami magkasama ni Shannah na sobrang hinhin at lovable na babae, naging mas malapit kasi kami sa isat-isa at palagi kami magkasama na lumalabas para maglibot pero suddenly bigla siyang magba-block out at magbabago na naman iyong behavior niya sa pagiging sassy at seductive na babae.
Kung si Shannah na parati kong nakakasama ay Kian lang ang tawag sa akin. Si Sharrah naman na sassy ay boyfriend.
Possible ba na pabago-bago ang behavior ng mga babae? I heard na ganoon daw talaga sila lalo na kapag tinupak pero ang magbago completely? I don't think so.
Pero sobrang ganda lang na makita ko siyang nakangiti sa akin at nakikita ko rin siyang masaya at iyong mata niyang nagniningning.
Later on she confessed to me.
“Kian, gusto kasi kita, since I met you parati kang nandiyan sa tabi ko pero kung ayaw mo huwag ka nalang magsasalita.”
I feel strange again.
Pero napangiti na naman niya ako sa sobrang cute niya ay mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.
“Unexpected kang dumating sa life ko, kaya oo ang sagot ko. Sino ba naman ako para hindi magkagusto sa makulit at cute na katulad mo?”
Ngumiti na naman siya nang halikan ko siya mula sa noo.
“Pero hindi ba nga boyfriend mo na ako? You silly girl.”
Niyakap ko pa siya nang bigla siyang mahimatay.
At dito ko nalaman na hindi lang iisa ang personality ni Shannah dahil mula sa pagkakahimatay niya ay bumangon siya as Sharrah.
Kaya pala nalilito at naguguluhan ako sa mga kilos niya, iyon pala ay may multiple personality pala si Shannah Kang, noong una akala ko trip trip niya lang ang mga ganito iyon pala ay talagang nagpapalit siya ng personalidad.
Nakita ko sa mga background history niya na laking ampunan lang siya at mina-maltrato ng umampon kaya siya bumalik sa ampunan at dito siya lumaki para narin manilbihan.
Hindi kaya may kinalaman ang past ni Shannah?
Kinausap ako ng doctor tungkol kay Shannah, mukhang alam narin nito ang kaso niya kaya sinabi nito kung ano ang mga nagpapa-trigger kay Shannah para lumabas ang isa niyang katauhan.
Nervous, panic, fear, loneliness, and anxiety.
Alagaan ko daw sana si Shannah ngunit mas kailangan kong pagtuonan ng pansin si Sharrah na sobrang aggressive, hindi siya nakikinig kay Shannah dahil ang gusto nito ay siya ang maging master o may- ari ng katawan ni Shannah.
Psychological problem ito.
Nagulat ako sa mga nalaman ko, naisipan kong umatras, at iwanan nalang siya dahil natakot ako sa mga narinig ko pero sa tuwing nakikita ko ang maamong mukha ni Shannah ay bumabalik sa akin na siya ang minahal ko at ginusto ko, kaya bakit ako matatakot o mangangamba sa sakit na meron siya.
Kung siya nga kinakaya niya?
Ano nalang ako na boyfriend na dapat ay nasa tabi lang niya upang maintindihan at malaman ni Shannah na parati lang akong nasa tabi niya, ano man ang mangyari hindi ko siya iiwan.
Hinalikan ko pa siya sa noo nang makatanggap ako ng text mula kay Carlo na pinapabalik na ako sa company. Upang maibigay ko ang statement ko mula sa media dahil may malakas ng evidence laban sa company na patuloy na sumisira sa akin.
Mababawi ko ang karangalan ko na sinira ng mga halang na kaluluwang iyan.
Nagwoworry narin ang mga ka-grupo ko sa hashlike kaya tinawagan nila ako isa-isa para sabihin na sasama sila sa laban ko.
Natuwa naman ako kung gaano sila ka- supportive sa akin at gusto na daw nila akong makasama mag-compose ng kanta at practice ng sayaw.
Sinabi ko sa kanila na huwag silang mag aalala.
Dumating naman 'yung araw ng press conference ko para sa mga media atsaka ko na nga siniwalat ang lahat ng nalalaman ko kontra sa company na iyon at itinanggi ko kung ano man ang mga binabatikos nila sa akin, defending that I'm innocent kung ano man ang panira nila.
At tuluyan na ngang nalinis ang aking pangalan ngunit kasabay nito ay kailangan ko ng bumalik sa dati kong buhay bilang rookie artist and visual of of my group hashlike.
Kapalit nito ay aalis na ako sa SCU at hindi ko na makikita si Shannah. Kaya naman ako na mismo ang personal na lumapit sa kaniya at sinabing kailangan ko ng bumalik sa showbiz, noong una hindi parin talaga siya naniniwala na ako nga ang Kian na lider ng hashlike ngunit noong pinaliwanag ni Carlo ay saka naman tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya.
“Iiwanan mo din ako?” ang tanong niya sa akin subalit sinabi ko na parati ko siyang dadalawin at pupuntahan kaya huwag siya mag-aalala.
Kaya naman nong una nagiging madali naman ang distansya sa amin, pagkatapos ko mag- training sa sayaw namin ay gabi na ako lumalabas para makipag kita sa kaniya. Nagde-date kami at nag-uusap tungkol sa nangyayari sa araw ko at araw niya, minsan inuumaga na lalo na kapag may taping.
Ngunit hindi nagtagal ay mas nahihirapan na kami magtagpo muli ni Shannah.
Nakakalimutan ko narin na kailangan ko pala siya kitain, kaya naman tinatawagan ko nalang siya.
Kaya naman nararamdaman ko din kung gaano siya nadi-dissapoint sa hindi ko pagtupad ng date namin.
She feel loneliness again na nakakapag- triggered sa kaniya.
Kaya naman hindi talaga mapipigilan si Sharrah, siya na mismo ang pumunta sa company namin para lang makita ako at makausap.
“Bakit nandito ka?” tanong ko.
“Mapapahamak si Shannah!”
”Puro ka naman Shannah e, ako naman talaga ang girlfriend mo!” galit niyang pananalita noong pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit at ni-kiss sa pisngi.
Ikakapahamak talaga ni Shannah iyong ginagawa niya e.
“Kung si Shannah nagagawang hintayin ka nalang sa isang tabi, ako hindi ko kaya ang ganoon! Kaya mag isip-isip ka, hindi ako papayag na mapunta ka sa kahit kanino kahit pa na sa kaniya!" bulong niya pa sa akin nang magulat ako.
“Anong sinasabi mo?” pag-uulit ko ngunit ngumiti lamang siya na parang walang sinabi at hinawakan ako sa kamay na nasaktuhan naman nang pagdating ng mga miyembro ko.
“Wow sino itong sobrang ganda?”
”Wow ang sexy naman!”
“Oh, thank you!”
“Sino siya Kian?” tanong nila sa akin.
Hindi ko sila pinansin at tumingin ako kay Sharrah na parang sinasabi ko na huwag niyang sasabihin.
“Kian tinatanong nila ako, kabastusan naman kung hindi ko sasagutin.”
Ngunit hindi ko talaga siya napigilan sa sobrang kulit at tigas ng ulo niya.
“Girlfriend niya ako! Ako si Sharrah. ” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumapit siya sa akin para hawakan ako sa balikat at ipagmalaki iyon sabay halik din sa pisngi ko.
Ilang beses na paulit-ulit siyang dumadalaw sa company kahit si Carlo na assistant manager ko ay hindi siya mapigilan. Ang masama pa parang pinapakita niya kay Shannah kung ano ang kaya niyang gawin sa hindi nito nagagawa.
Kaya naman kinausap ko siya tungkol dito what if kausapin niya si Sharrah at makipagkasundo siya dito para tuluyan na siyang maging panatag? Ngunit si Sharrah na daw mismo ang kumausap sa kaniya na hinding- hindi niya lulubayan si Shannah dahil mahina ito at mas gugustuhin niya nalang mag take over sa katawan ni Shannah.
Naramdaman ko kung gaano nagseselos si Shannah dahil alam niyang may gusto talaga ang personality niya sa akin.
What if siya nalang ang magpaubaya? Ang salita niya sa akin pero hindi ko siya pinayagan doon, sinabihan ko siya, na siya lang ang gusto ko kaya huwag siya papayag na palaging si Sharrah ang nasusunod.
Magpakatatag siya at lakasan ang loob.
Pero paano ko siya matutulungan kung may nagbabanta na naman sa career ko? Ayaw nila akong payagan na magka- girlfriend lalo sa isang ordinary fan. Dahil marami daw magagalit na fandom at maaari muli akong masira at ang pangalan ko.
Pinaglaban ko iyon ngunit hindi talaga nila ako pinaburan at pinakinggan kahit man lang makipagkita kay Shannah ng patago, lalo na daw muling nagbo-boom ang career ko sa mga kababaihan na fans. Dudumugin daw kami ng haters at bashers kapag pinayagan daw nila ako.
Kaya naman dahil dito wala na akong narinig na balita mula kay Shannah kahit man lang ang personality niyang si Sharrah ay wala narin, makita ko man lang ang mukha niya at ang mga ngiti sa labi niya.
Hanggang sa may minsang sinusubukan kong tumakas ngunit pinadagdagan nila ako ng seguridad na hindi makaalis, marami akong laging nagbabantay sa akin bente-kwatro oras.
Nang lumipas ang mga araw at buwan noong may nilabas ang management ko na may event kami malapit sa SCU.
Sobrang saya ko naman kasi sa wakas ay makikita ko na si Shannah, kaya naman pagdating nang araw na iyon ay puspusan ang paghahanap ko sa kaniya ngunit hindi ko na siya nakita pa hanggang sa nagsimula na nga ang aming performance.
Siguro nga nagagalit na siya sa akin dahil sa hindi ko pagpaparamdam sa kaniya.
Pero sobrang nami-miss ko na talaga siya.
Sumayaw kami at kinanta iyong mga nasa album namin at iyong kanta na ginawa ko para kay Shannah.
“Excuse me lang po pero may isa pa akong kanta na ni-compose ko myself. Gusto ko lang sana ito kantahin at baka nakikinig siya ngayon, sana malaman niya kung gaano ko siya kagusto at kamahal. Ang girlfriend ko.”
Maraming nagtilian ngunit marami din ang naguluhan. Kung talaga bang may girlfriend ako? Sabay agad akong sinenyasan ni Carlo para tumigil ngunit hindi ko siya pinansin.
Nagsimula na akong kumanta nang mapaiyak pa ako, hanggang sa mula sa gitna ng mga tao ay nakita ko siyang nakatayo at nanonood sa akin.
Iyan si Shannah, ang ayos niya ngayon ang gusto ko kaya kung papipiliin ako between her and her personality? Ay gugustuhin ko na ang weirdo at cute na katulad niya.
“Shannah!” tawag ko mula sa stage nang magsitinginan sila sa likod at hahakbang na sana siya palayo nang tawagin ko muli siya at sabihin na huwag siyang aalis.
“Ako ba iyon?”
“Teka, ako yata iyon.”
“Ikaw? Hindi ba.”
“Oo, ako nga iyon!”
Bulong-bulungan nila.
Napatigil si Shannah at naglakad na ako papalapit sa kaniya.
“Shannah, I'm sorry.”
Nang makalapit ako ay hinawakan ko siya sa pisngi nang tuluyan naring tumulo ang luha niya at yakapin ko siya ng mahigpit, saka naman nagsitilian ang mga fans.
“This is my girlfriend!”
Sambit ko pa.
Atska ko hinawakan ang kamay niya nang bitawan ko iyong microphone at tumakbo kami ng mabilis, tinawag at hinarang kami ng mga security ko noong habulin pa nga kami, pero mabilis akong nakatago kasama siya.
“Ano ka ba, bakit ka umalis?” aniya pa noong kurutin ko siya sa pisngi.
“Silly girl, namimiss lang kita ng sobra!”
Ngumiti siya tapos niyakap muli ako nang tanggalin ko iyong mga suot ko at make up sa katawan para muling mag- disguised, noong paglabas namin ay sa sobrang dami nang naghahanap sa akin pero hindi na nila ako makilala. HAHAHA! Tinatawanan ko nalang iyong mga mukha nilang seryoso na naghahanap.
Nag date kami ni Shannah.
Pagkataposa inamin sa akin ni Shannah na hindi niya alam kung bakit at paano siya napunta sa event na iyon.
Nagising nalang siya na kumakanta ako mula sa harap niya kaya she had no idea what really happens are.
Mukhang may kinalaman si Sharrah doon dahil noong mga araw din daw nang hindi na ako magparamdam kay Shannah ay hindi narin lumalabas si Sharrah.
Siguro nga una palang ay kagagawan na ni Sharrah ang lahat at wala talaga siyang balak na masama para maka- harmful kay Shannah.
Siguro nga kung hindi dahil sa paglapit niya noon para guluhin ako at sabihin na magiging boyfriend niya ako ay hindi kami maglalapit ni Shannah.
Naging maayos naman daw ang buhay ni Shannah at ginugol niya ang sarili sa pag-aaral niya at kapag nami-miss niya ako ay nanonood lang daw siya sa phone niya ng mga interview and daily update ko.
Kung may lakas nga lang daw siya ng loob na isigaw sa mga babaeng classmate na fans ko din, ay isisigaw niyang boyfriend niya ako pero hindi nalang niya ginawa.
Kinurot ko muli siya sa pisngi at niyakap.
“Pero kakaiba din ang disguise mo, Kian. Kahit ako hindi ako maniniwala na ikaw ang Kian Kierchief na hinahangaan nang lahat kung hindi lang ako titingin sa mga kinang ng mata mo at malalambot na labing iyan ay hindi ko makikita ang Kian na idol.”
She kissed me.
“Bumalik ka na sa event mo!” sambit niya pa.
“Ayuko muna bumalik doon.” Pagtugon ko naman.
“Ayaw ko naman nang dahil sa akin magalit ang mga fans mo!”
“How about kumain mo muna tayo tapos babalik na ako doon, siyempre nagugutom na ako kanina pa ako nasa event center.”
Ngumiti muli siya at sobrang cute niya talaga with that eye and nose, para siyang kuting na lovable. Hindi ko tuloy maiwasan na pisilin iyon at i-smuck siya.
Hinawakan ko iyong kamay niya para holding hands pagkatapos pumunta kami samay kainan para bumili nang hindi ko na siya tinanong kung anong gusto niyang snacks kasi memorized ko na iyon.
Ngunit nagulat ako noong sabihin niyang gusto niya rin ng fried chicken may pagtataka akong tumingin sa kaniya at kung hindi lang siya ganyan ka- cute ay mapagkakamalan ko siyang si Sharrah.
Simula din daw kasi nang hindi na lumabas si Sharrah ay parang nagugustuhan niya narin ang mga gusto nito, parang naging isa daw sila na hindi niya malaman.
Pati ang mannerism ni Sharrah at Shannah ay parang lagi kong naaalala ngunit iisa nalang ngayon.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa event center, pinagbilhan ko narin ng mga pagkain ang mga kasama ko nang harangin pa nga ako, kasi hindi nila ako nakilala pero mabuti nalang ay nandiyan si Carlo tapos pumunta na ako sa signing area para sa mga fans namin.
Nanonood sa akin iyong girlfriend ko kaya sobrang laki ng mga ngiti ko.
Nang lumapit iyong babae noong pagkatapos ko siyang ma-sign ay bigla ba naman niya akong hinalikan sa pisngi nang magsigawan pa nga iyong mga kasama ko, pero sinabi ko na may girlfriend ako kaya dapat hindi niya ginawa iyon.
Nakita ko na nainis si Shannah kaya napatawa lang ako sa reaction niya.
“Eh, wala naman siya e.”
”Ayun siya!” duro ko tapos napaiwas naman itong si Shannah, kaya ang ginawa ko ay bumaba ako para dalhin siya papunta sa area at doon lang siya sa tabi ko, para malaman ng fans namay girlfriend na nakabantay sa akin.
”Wow! Miss Sharrah!?”
”Nope! Her name is Shannah Kang. Ang napaka-cute at extraordinary kong girlfriend.”
Nagngitian pa kami nang nahihiya naman si Shannah.
Ang sama din ng tingin ng iba kong fans sa kaniya pero hindi ako pumapayag na ganoon ang iaasal nila kay Shannah, kaya naman pinagsasabihan ko sila.
Nakikita ko kung gaano kasaya si Shannah at ganoon din ang nararamdaman ko.
At kung nasaan man si Sharrah ngayon siguro ay ganoon din ang kaniyang nararamdaman, masaya siya para kay Shannah na matagal niyang binantayan.
Hanggang sa matagpuan niya ako para kay Shannah.
Siguro nga si Sharrah ang sugatang personality ni Shannah na naghihintay lang nang muling magmamahal sa kanila ng totoo.
Kaya kung ano man, simula ngayon.
Kahit anong problema na dadating lalo na sa mga may ayaw sa kaniya ay nandito lang ako para sabihin na ako ang may girlfriend sa kaniya at hindi sa kanila, kaya wala silang pake kung sino ang karapat-dapat para sa akin.
Handa kong talikuran ang pagiging artista ko para sa kaniya, na alam kong hindi naman mangyayari dahil ako at ako lang ang nagtataguyod sa kompanya lalo na sa mga naambag ko.
Hindi naman nila ako puwede paalisin nalang kasi alam nila kung gaano ako kaayos na talent nila.
Ayaw nila ako pakawalan.
Mas gugustuhin nalang daw nila bumagsak kesa sa kumuha ng talent na maayos nga masama naman ang ugali at maraming demand sa buhay.
Kaya naman hindi rin magtatagal ay matatanggap din ng mga tao ang relasyon namin ni Shannah.
Mahal na mahal ko si Shannah.
Kaya naman kung nagkikita kami kunting bura sa make up at pagsusuot lang ng damit na hindi ko usual na sinusuot ay hindi na nila ako makilala.
Papunta ako ngayon sa bahay nila nang pagkatok at pagpasok ko palang sa pintuan ay sinunggaban ko na agad ng halik si Shannah.
Nagulat siya sa ginawa ko pero pinayagan narin niya ako na gawin iyon.
Sinarado ko iyong pinto at muli hinalikan ko siya papasok sa loob.
Kahit minsan lang kami nagkikita ay napupuno naman ng pagmamahal ang mga araw namin kapag nagtagpo na kami.
Hindi naman sa inaabot ng araw pero para sa akin araw na ang oras.
I kissed her again.
Kung nasaan man si Sharrah?
Maraming salamat!
At dito na nga nagtatapos...