MULTIPLE HEART HUMANIST
02 : Her As My Girlfriend?
Kian P.O.V
"HUHHHH?!" gulat ko.
"DUH! Boyfriend? Lalabas tayo palagi, ide-date mo ako dahil girlfriend mo na ako."
"Are you serious? I don't even know you at kakikilala palang natin." Medyo natatawa ko na sambit, dahil hindi ko ma-take itong kabaliwan niya.
Pero noong tignan niya ako ng seryoso napatigil nalang ako.
"Mahalaga ba na magkakilala na tayo kaagad? E, pangpatagal lang naman sa oras iyon. By the way salamat sa chicken."
Nakakatakot siya pero ang sexy niya magsalita.
"A, e. A-ano pangalan mo?" tanong ko. Iyon naman ang tama hindi ba? At lease naman ay malaman ko kung sino ang babaeng
ito.
Pero umalis siya. Ganoon ganoon nalang iyon? At tinatawag ko pa siya na 'miss!' Nang kinawayan niya lang ako at hindi na pinansin pagkatapos nawala na siya na parang bula.
Kinuha ko pa 'yung sawsawan na ipinaghalo niya saka ko sinawsaw 'yung huling parte ng manok na naiwan sa akin.
Natawa pa ako at napangiti.
Masarap nga, pero ang weirdo mo talaga.
Ako maniniwala sa mga kabaliwan niya?
Atsaka ko na ipinagpatuloy 'yung lunch ko.
---
NOONG muling pagtagpuin kami ilang araw din ay iba na naman 'yung ayos niya mula sa sexy at sassy na babae na ngayon ay mahinhin at weird na naman. Sabagay weirdo talaga siya.
Sinubukan ko siyang kausapin kaso panay pag- iwas niya.
"Hey?" lumapit ako sa kaniya nang mapatingin lang siya sa akin sabay hindi na ako pinansin na parang hindi kami nagkita at nagkakilala kailanman.
"Miss, ako 'yung kahapon?"
"Kuya, huwag mo na lang ako sundan." Sambit niya pa na takot na takot.
Huh! Anong kuya pinagsasabi niya?
Sinundan ko pa siya nang sinundan noong patakbo na siyang maglakad kaya hinarangan ko na siya.
"Ano bang ginawa ko sa inyo, kung meron man sorry po."
Napakunot-noo ako. "Dederetsahin na kita, anong ginawa mo kasi sabi mo girlfriend na kita?"
"Huh! Girlfriend?" nalilito pa siya nang sabihin niyang hindi siya iyon.
"Paanong hindi ikaw may kakambal ka ba? Sinabi mo kasi na ide-date kita."
"D-dede-date?" salita niya.
"Yeah!" turan ko saka siya napahawak sa ulo niya nang magsisisigaw siya.
"Wala po, basta hindi ako iyon! Huwag mo nalang ako sundan! Hindi ako iyon! Hindi ako iyon! tama na! tama na!"
May papikit- pikit na siya ng mata, nang biglaan siyang matumba mabuti nalang talaga ay nasa likod niya lang ako nakatayo.
Nasalo ko siya nang mula sa pagiging mahinhin na nakausap ko ngayon lamang ay gumising siya na parang may pagka- aggressive sa mga mata.
Pinagtitripan ba ako nito?
Mabilis niyang inalis 'yung tali ng buhok niya at kumuha ng lipstick sa bag para maglagay niyon. "Who are you?" tumingin pa siya sa akin nang hawakan niya ang magkabilaang pisngi ko. "Oh sorry! I forgot about you, handsome.
Ano magde-date na tayo?"
Hindi ako makasagot nang bigla niyang hilain ang kamay ko matapos niyang tumayo mula sa mga bisig ko para tumakbo.
"Tara na! Baka mawalan na tayo ng oras."
Kung ano mang trip ng babae na ito sa akin ay sumama nalang ako. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng kalokohan na ito pero nage-enjoy ako. I'm happy to be with her.
Naging masaya ang araw na iyon, dinadala ako kung saan saan ng babae na ito. Naglilibot, kumakain, at en-enjoy ang bawat oras namin na magkasama. Ang saya pala sa feeling 'yung nakakapaggala ka na walang nakakakilala sa iyo at siyempre nai-enjoy 'yung mga bagay na nasa labas.
Ngunit nabigla lang ako noong may lumapit sa amin na mga kalalakihan.
"Nami, Yonna, Margi, Kemi, Maya, Scarlet!"
Hindi ko alam kung bakit nila tinawag sa magkakaibang pangalan ang babaeng kasama ko, sabay kumapit siya sa akin nang mahigpit noong mapatingin ako sa kaniya.
"Sorry, do I know all of you?" salita ng babae.
Gulo ba ito? Sabi ko na hindi dapat ako nagtitiwala basta basta sa mga weirdo.
"BOYFRIEND MO AKO!" sabay-sabay din nilang salita nang magkatinginan pa sila sa isat-isa.
"PINAGLALARUAN MO BA KAMI?!!!" salita na nila sa galit na boses nang ngitian lang sila ng babae pagkatapos ay ni-kiss pa niya ako sa cheek. She is definitely using me as a shield. D*mn.
"Sorry, this is only my boyfriend!"
Kinakabahan na ako noong tignan nila ako ng masama mabuti nalang may napadaang police kaya hinatak na naman ng babae na ito 'yung kamay ko para makatakas papunta sa malayo.
"Sandali nga!" mabilis kong inagaw 'yung kamay ko noong makalayo na kami. "Sino ka ba talaga? Ano iyon?" tanong ko.
"Dont mind them, hindi ko sila kilala."
"Ako pa ginawa mong g*go? Hindi mo kilala e, sinasabi nilang boyfriend mo sila?!" inis ko na sambit.
"Kapag sinabi kong hindi ko sila kilala, hindi ko sila kilala. Tandaan mo iyan!" dinuro-duro niya pa ang pisngi ko na parang nang- aakit. Pinapalabas niya lang talaga na manggagamit siya, kaya nagdesisyon nalang akong iwanan siya.
Noong biglaang mapaupo siya at umiyak nang malakas. Hindi ko aasahan na mangyayari iyon. I thought meron siyang strong personality pero she did. Umiiyak siya. Kaya naawa naman ako tapos bumalik ako, ang kaso iyak parin siya nang iyak.
Bakit ba naman kasi ako naaawa dito? After all hindi ko naman siya kilala at siya lang ang nagsasabi na boyfriend niya ako.
Hindi ako magkakagusto sa ganitong babae.
"Ano bang gusto mo a, para tumigil ka na?" tanong ko nang bigla siyang tumigil at sinabi na bilihan ko siya ng chicken.
Chicken again? Wala na bang iba na gusto ang babae na ito? I have no choice. Pinagtitripan niya talaga ako, kaya dinala ko siya sa malapit na kainan.
Enjoy na naman siya.
"Alam mo at first hindi talaga ako nagkamali sa iyo, e!" salita niya.
"Hindi ka nagkamali na pagtripan ako?"
Tumingin na naman siya nang matalim kaya napatigil ako.
Siguro takot talaga ako sa mata niyang kaliit- liit pero nakakamatay kapag tumingin.
Pagkatapos niyon ay gabi na noon pabalik na ako sa dorm nang itanong ko kung saan ba siya umuuwi para man lang maihatid ko mo muna siya kaso ayaw niya e.
"Hindi talaga ako nagkamali sa iyo." Sambit niya pa muli nang nakangiti lang siya noong halikan niya ako sa labi.
She did this again.
Akala ba niya mafo-fall ako?
Come on! Celebrity kaya ako, kaya normal lang ang mga ganitong kiss. Niyakap niya pa ako nang maramdaman ko kung gaano iyon kahigpit at ibinulong niya na ang pangalan niya ay Sharrah.
Sharrah? Maniniwala ba ako na iyon talaga ang pangalan na sinabi niya at hindi ginawa- gawa lang?
Pero kung iyon ang gusto niyang itawag ko sa kaniya? Okay, sige.
Yakap niya ako noon matapos niyang ibulong sa akin iyong pangalan niya ngunit maya-maya nagulat nalang ako nang parang hindi na siya humihinga at hiniga niya 'yung ulo niya sa balikat ko.
"Sharrah?"
"Sharrah?"
"Sharrah!"
"Hey, Sharrah?!"
Pilit ko siyang ginising. At nagtagal iyon nang magising na nga siya at muli nagtataka na naman ako sa pagbabago ng mga mata niya kapag tumingin, naging maamo na naman siya at parang hindi ako kilala.
"Anong nangyari?"
Mabilis siyang bumitaw sa akin at tumalikod nang may gulat at pagtataka niya akong tinignan.
"Sharrah, what happened to you?" tanong ko.
Humarap siya sa akin nang itali niya 'yung buhok niya at sabihin na lumayo na daw ako sa kaniya ano mang mangyari. Agad-agad siyang kumilos para umalis.
HUH?! Change personality again?
Tinawag ko pa siya nang muntikan na siyang madapa, mabuti na lamang ay agad ko siyang nasalo nang subukan ko siyang habulin. Napakalampa niya talaga pero 'yung mga titig niya ngayon sa akin ay parang may sinasabi kaya hindi ko rin mawari ang sarili ko na mapatingin sa kaniya para subukang basahin iyon.
"Ang mga mata mo." Ang sambit ko pa nang humiwalay siya sa pagkakasalo ko sa kaniya at tuluyan na siyang umalis na parang walang nangyari.
"Salamat." Salita nalang niya na nakatalikod bago umalis.
Ang nice! Sobrang lakas ng tama sa utak ng babae na iyon, kung makadikit siya sa akin parang close kami pero ngayon para namang may gagawin akong masama sa kaniya? Nakakabaliw!
Sharrah, Sharrah ba talaga ang name niya? I'll find out.
Kaya pagkabalik ko sa dorm.
"Carlo!!!"
"Boss!?"
"Find the girl name Sharrah in this school!"
"Sharrah, ano boss?"
"Basta lahat ng Sharrah na nasa university na ito gusto ko makuha 'yung mga background history nila."
"Okay boss!" napakamot pa siya sa ulo.
Humanda ka sa akin Sharrah o kung sino kaman.
You try to fool Kian Kierchief the visual of Hashlike? Hinding hindi ako magpapa- harm sa mga taong manloloko.
Kaya naman may pangkakataon ay nakita ko siya sa library.
Mula sa likod niya ay nakita ko siyang naka- earphone at tahimik na nagbabasa.
Ngunit napatigil ako nang marinig ko 'yung music na pinapakinggan niya kaya bakit ko naman guguluhin ang isang fan na nakikinig ng Hashlike?
Umupo ako sa harapan ng lamesa niya atsaka niya ako nakita.
Babalakin na naman niya sana umalis pero hinila ko 'yung kamay niya atsaka ko sinabi na hindi niya kailangan umalis.
Umupo siya ulit at nagpatuloy sa pagbabasa ng panoorin ko pa siya.
"Fan ka ba ng Hashlike?"
Binaba niya yung libro niya, pakatapos parang ngumiti 'yung mga mata niya nang sabihin niyang noong nagsisimula palang ang hashlike ay fan na siya lalo na ni Kian.
Napangiti naman ako doon mukhang kahit papaano may taste ang babaeng ito.
"Bakit mo naman gusto si Kian?"
"Kasi sa mga boses palang niya nararamdaman ko nang parang hindi ako nag-iisa. Ang hashlike at boses niya ang kasama ko at nagpapasaya sa akin."
Napataas noo naman ako doon at hindi ko mapigilan tumalon sa tuwa.
Napabuntong hininga ako at gusto ko lang ipaalam sa kaniya na 'yung idol niya kinakausap siya ngayon.
"Ako nga pala ito si Kian member ng hashlike."
Tumingin siya sa akin sabay malakas na tumawa at parang iniisip yata niya na nababaliw na ako.
Ganoon ba ka-effective ang disguise ko?
Ngumiti pa siya nang mapatingin ako kung gaano nagniningning ang mga mata niya kapag masaya, sobrang ganda pala niya kapag ngumingiti siya ng ganyan.
"Ang ganda mo kapag nakangiti."
Namamangha kong sabi sa kanya ng mapangiti pa siya.
"Maganda ba iyon?"
"Magandang-maganda ka pero seriously ako nga siya!"
"Kuya naman, huwag ka na magpatawa maaring magkapangalan kayo?"
Tumingin siya sa I.D. ko.
"Pero hindi mo siya kamukha, fan karin ba niya kaya mo nasasabi iyan?"
Kesyo naman sa makipag-away ako sinakyan ko nalang ang mga pinaniwalaan niya, bahala siya kung ayaw niya maniwala.
Inalisan niya ako nang sundan ko lang siya at parang hinayaan nalang niya ako na sumunod sa kaniya.
Pagkatapos pumunta siya sa canteen para um-order ng pagkain.
"Gusto mo ba ilibre kita?" tanong niya sa akin nang mapalingon pa ako kung saan, kung ako ba ang kinakausap niya? Kasi nagulat talaga ako, kinakausap na niya ako.
"No, bibili nalang ako." Tumanggi ako.
"Sige na!"
Hindi ko alam kung bakit niya pinagpipilitan na ililibre niya ako pero hindi na ako tumanggi saka na kami naupo sa lamesa sa gilid.
Nagsimula na kami kumain nang tignan ko pa siya.
It's either chicken with mixed sauce, ay fries with Ice cream naman? Weird talaga.
Ano bang nangyayari dito?
"Ako nga pala si Shannah!" pagpapakilala niya nang nakangiti sa akin.
Ano pinagtitripan na naman ba niya ako? Ano nanamang Shannah ang pangalan niya ngayon? tumango- tango lang ako saka ako ngumiti na parang okay? Okay sige iyon ang pangalan mo.
Sabay pa kami lumabas noon nang sundan ko lang siya saka naman may humarang na lalake sa harap niya.
"Hoy Yoona!" sigaw nito.
Nagulat ako nang duruin niya si Shannah o Sharrah pagkatapos balak niya pang saktan ito nang iharang ko ang sarili ko para proteksyonan siya, saka ako nakipagsuntukan sa lalake noong wal pang sampung segundo tumakbo naman.
Wala takot ih, akala niya ba nakapag practice kaya ako ng judo noong may last filming kami para sa band namin na web drama.
Lumapit ako kay Shannah na umiiyak na ngayon at nakahawak pa ang dalawang kamay sa magkabilaang tainga na parang takot na takot sa nangyari.
Hinatak ba naman 'yung kamay niya bigla at sinigawan ng siraulo na iyon. Kapag nakita ko pa ulit iyon babasagin ko 'yung bungo niyon.
"Hindi ako iyon! Hindi ako iyon!" sabi niya.
"I'm sorry! I'm sorry! Huwag niyo na ako guluhin. Hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari. Hindi ako iyon!"
Paulit-ulit niyang sabi nang hindi ko maintindihan sobrang naaawa ako sa kaniya ngayon at parang nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang umiiyak kaya lumapit ako para itayo siya nang yakapin ko siya at i- comfort.
"Shhh! Don't worry kapag kasama mo ako hindi ka na nila guguluhin, nandito na ako sa tabi mo simula ngayon."
Sa pagkaawa ko hindi ko alam kung bakit ko rin nasabi iyon pero totoo na gusto ko siyang protektahan simula ngayon.
Siguro papanindigan ko na tuluyan na akong nahulog sa kaniya at hanggang sa nasa tabi niya ako ay hindi ko siya papabayaan.
Tumigil siya sa pag- iyak nang magulat ako noong magbago na naman iyong mga tingin niya at mabilis niya inalis 'yung tali niya sa buhok at nag- lipstick.
"Bakit ba sa tuwing nagigising ako lagi kitang unang nakikita, sobrang sweet mo naman yakap mo ulit ako bebe boy handsome ko!" sabay kiss niya sa pisngi ko.
"Nagigising? Ano bang sinasabi mo?"
Ngumiti lang siya nang nakakaakit at hinawakan ako sa pisngi.
Pati ang timbre ng boses at pananalita niya nagbago mula sa mahinhin at matatakutin na boses ay naging sweet at sexy ito.
"Shannah?" tawag ko.
"I am Sharrah, nakalimutan mo ako agad ? Ikaw talaga napaka- playboy mo!"
Pinisil- pisil niya muli ang pisngi ko.
"Tara na, let's date!"