MULTIPLE HEART HUMANIST
01 : Me As A Normal Kian
Kian P.O.V
HEY GUYS! I am Kian Kierchief. A male celebrity, dancer, visual, singer, and member of boy-band called... 'Hashlike.'
Sa pang-araw araw na boring na nangyayari sa buhay ko ay biglaan nalang nagbago noong may makilala ako...
Anyway nangyari iyon nang masangkot ako sa isang scandalo na maaaring ikasira ng career ko. Dahil kasi sa akin ay nabunyag ang isang talent management. Iyong mga madudumi nilang sistema.
That's why pilit akong ibinabagsak ng kabilang company, binabaligtad nila ngayon ang istorya para makipag- contract sa kanila ngunit ayaw ko sapagkat may kung anong anomalya na nangyayari sa company nila.
Isusugal ko ba naman ang dignidad ko para lang sa kasikatan. Kung anong natamasa ko, I am already okay with it. Hindi ko kailangan ng kasikatan kung galing naman iyon sa kalokohan.
Kaya naman ilang beses ko silang tinanggihan kahit pa na sabihin na isa lang akong rookie star.
Pero alam niyo naman ang tao, kung ano ang napanood nila at lumalabas sa social media ay pinaniniwalaan agad nila.
At iyon ang naghatak sa akin sa stardom ko.
Nang isang araw ay hina-hunting ako nang nabanggit ko na management. Sa sobrang takot ko ay nagpatulong ako.
"Isa lang ang maaari mong gawin, lumayo ka." Taimtim na sambit sa akin ni Carlo, ang assistant ko.
"Paano e makikilala pa din naman ako kahit saan ako magtago?"
Napatingin siya sa poster noong last web series o drama na ginampanan ko kung saan ibang-iba ang ayos ko at hindi ako makilala.
"Mag desguise ka! Pumasok ka sa SCU bilang studyante, at ako na ang bahala umayos ng ka-kailanganin mo para pansamantalang makapagtago ka."
Hinawakan ko siya sa balikat at ngumiti namay pagpapasalamat sa aking mukha.
"Thank you, Carlo."
"Sige na, susunod nalang ako sa iyo."
Pinagbibihis niya ako atsaka siya dali-daling lumabas sa studio at nagpahabol si Carlo na suot ang mga damit ko. At nakipagpalit siya sa akin para siya ang dumugin ng mga fans at paparazzi.
Great! This is hilarious! Sa hindi kapani-paniwalang ayos ay nagulat ako.
Napatingin pa ako sa repleksyon ko sa salamin na nadadaanan ko paulit-ulit habang tumatakbo papuntang exit sa company namin.
D*mn. Nawala 'yung ex factor no'ng itsura ko.
I'm just normal.
No make up at wala ding aura bilang artista o performer.
Anyway, guwapo naman ako kahit wala ang mga iyan.
Pero ngayon parang isang simpleng binata lang ako na naglayas sa bahay nila.
Normal looks, I'm just a nobody Kian.
Pagkakalayo ko sa company ay sinubukan kong dumaan sa maraming tao at guess what?
Hindi nila ako makilala.
Lumapit ako sa isang girl na teenager.
"Nakikilala mo ba ako?"
"Hindi po kuya, pero kung magpapakilala ka kilala na kita."
"Nevermind!"
Umalis na siya.
"Pakipot!" sigaw niya pa.
Sobrang saya lang sa pakiramdam na walang humahabol sa iyo at nakatutok na camera 24 oras.
Napahawi pa ako sa hangin at nagtatatalon sa tuwa.
Kasabay ng mga studyante na magiging katulad ko narin ay pumasok ako sa SCU nang may confident sa sarili dahil ni isa sa kanila ay hindi na ako makikilala.
Tumitingin, Oo.
Pero dahil sa pananamit at ayos ko iyon.
Nakasapatos ng puti, medyas na puti, longsleeve, at short.
Para akong probinsyano sa itsura ko na nakapunta sa city nang first time.
Ang saya lang at much better na ang ganito.
Dumiretso ako sa office at naitawag na daw ni Carlo ang lahat.
Ayos ka talaga Carlo, mabilis ka pa sa alas- kuwatro.
Umalis ako atsaka napadaan sa library kung saan mas tahimik at makakaidlip mo muna ako sa pagod, nang maya-maya ay kumalabog 'yung lamesa kaya mabilis akong napabangon.
Ang sama naman niyon natutulog ako dito e.
Itinaas ko ang ulo ko nang makita ko siya.
Isang babae na may maamong mukha at sobrang ganda ng mga mata. Magagalit ba naman ako sa mga ganiyan kagandang babae?
Nope. Hindi.
Dahil ang makaaway ang ganiyang kaamong babae ay para narin akong nakulong ng habang buhay. Tama! Hindi ako mapanakit. May respeto naman ako siyempre kahit paano.
Tumingin siya sa akin at nahuli yata akong nakatitig sa kaniya. She had a strong aura to me na parang ang lungkot niya.
"A-ay nagising po ba kita? P-pasensiya na po, pasensiya na." Bigla siyang umalis samay parang natatakot at mahinang boses. Ang weird naman niya at sobrang mahiyain.
Sinabi ko namang okay lang pero umalis parin siya. Bahala siya, it's up to her.
Kinabukasan I saw her again in the canteen she's kind of a weirdo girl but cute at the same time.
Ano kayang lasa noong kinakain niya?
Iyong fries? kasi sinasawsaw niya sa ice cream. ? Kitang- kita ko pa kung gaano niya en-enjoy iyon, tapos parang sa ganoong bagay lang sobrang saya na niya. Hindi ko tuloy maiwasan na matawa o mapangiti habang kinakain 'yung food ko nang nakatingin at nanonood sa kaniya.
She look's so innocent.
Mahinhin, masyadong tahimik, at hindi socialize.
Gusto ko siyang lapitan pero baka umalis na naman siya dahil napapansin ko na kapag may tumabi lang sa kaniya ay agad siyang lumalayo. Maybe mas prefer niya 'yung mag-isa siya. A complete total of being an anti-social person.
Napatitig pa ako, nang "Hi handsome."
Nagulat nalang ako noong may umupo sa harap ko na babaeng naka- shade tapos tagong- tago ang mukha niya sa malaki niyang hat.
"Ako ito handsome." Sabi pa nito.
"Excuse me, who are you?" tanong ko.
Muntik na akong mapabuga sa sinisipsip kong coke float nang malaman ko kung sino iyon, may pakindat kindat pa siya sa mata niya.
Buwesit! Carlo?!
Bigla kaming lumapit sa isat-isa na parang magkakapalit na ng mukha.
Ayaw ko naman mangyari iyon siyempre.
"Huwag ka maingay in- disguise din ako." Salita niya sa akin.
Natawa ako sa kaniya nang mahulog pa 'yung burger na nasa dibdib niya sabay kain niya.
"Kadiri ka, Carlo."
"Lunch ko ito!"
"So ano ang ginagawa mo dito?" diretsahang tanong ko sa kaniya.
"Mainit pa 'yung nangyayari sa company, pero inaayos ko na ang gulong ito. Dito mo muna ako sa iyo pansamantala, boss. pangsamantala din I became your sistahhh!"
What?!!! Iyong tipong naibuga ko na talaga nang tuluyan 'yung cokefloat sa mukha niya sa sinabi niya.
Mabuti nalang talaga mag-isa lang ako sa dorm ko ngayon, pero maganda narin siguro na nandiyan siya sa tabi ko para sa daily update ng Hashlike at sa company.
Bonus nalang 'yung may mauutusan ako at nagma- massage sa akin kapag masakit ang ulo ko.
---
IN THE NEXT DAY medyo lumayo mo muna ako kay Carla daw. Tsk! Grabe naman, saan ka ba naman kasi nakakita nang isang babaeng akala mo pupunta lagi sa hawaii at malalaki ang braso.
Nahihiya ako, kasi ang pakilala ko sister ko pa siya.
Anyway pumunta ako sa canteen para mag- lunch noon nang makarinig ako ng kaguluhan saka may kung sino na namang unexpected ang umupo sa harapan ng table ko. Isang babae. Napakabango niya at halata namang maganda.
"Uhmm... puwede dito mo muna ako?" tanong niya sa akin nang harapin niya ako saka ako nagulat noong parang makilala ko siya.
Wait. Her face looks really familiar to me.
Is she the girl? 'yung weirdo! Anong ginagawa niya dito? at bakit ganyian 'yung ayos niya ngayon? Sobrang ganda niya at kakaiba ang tindig niya.
Ganiyan pala siya kaganda kapag nag-aayos siya sa sarili niya.
Hindi ko na ngalang namamalayan niyon ay nakatulala na ako sa kaniya sa pagkatitig. At bumalik lang ako sa ulirat ko noong magsalita siya.
"Bakit ka ganiyan makatitig?" tanong niya.
"Uhm. I'm sorry!" sambit ko naman nang ibaling ko nalang 'yung sarili ko sa pagkain ko.
"Oh my gosh!"
"Ano?!"
Nagulat naman ako noong sumigaw siya.
"Is that a chicken? Can I have atleast one? Please..."
Napakunot-noo ako. "Okay!" sabi ko saka "Kumuha ka may sawsawan diyan." Dagdag ko pa, bago kumuha naman siya ng chicken legs.
Sasawsaw pa sana ako sa sawsawan nang hilain niya 'yung gravy kaya naman doon nalang sana sa toyo. Pero biglaang kinuha niya rin iyon pareho.
"Ano ba, miss. Sasawsaw din ako." Saad ko na
galit sa kaniya pero tumingin lang siya nang matulis sa akin pagkatapos napatahimik na agad ako.
"Mas masarap kasi ito kapag pinaghalo mo."
Seriously bigla nga niyang pinagsama iyon. Ang gravy at toyo. Pagkatapos ay ginawa niyang panghalo 'yung chicken leg na ibinigay ko sa kaniya saka niya iyon nilamutak ng kain.
Sobrang weird talaga ng babaeng ito, pero parang kakaiba siya ngayon hindi tulad sa madalas niyang kinikilos.
Tumingin siya sa akin nang may madudungis na mukha, kaya hindi ko namamalayan ay pinunasan ko iyon. Na-aware nalang ako kung bakit ko nagawa iyon? Nang mapatingin siya sa akin na parang sasaktan niya ako.
Again because of that ay humingi ako ng sorry.
Ngumiti naman siya. "By the way can I have more?" Humihingi ulit siya ng manok. Natawa nalang ako kasi siya nalang talaga ang umubos ng binili kong manok at tanging 'yung nasa plato ko nalang 'yung natitira. Hindi ko naman puwede ibigay kasi nabawasan ko na.
"Masarap ba?" tanong ko sa kaniya, napatango-tango naman siya.
Nang maya-maya ay mapapatingin siya sa likod ko at manlaki ang mata. Hindi ko alam kung bakit suddenly biglaan siyang naging aligaga.
"Bakit?" I asked.
"Hey handsome, look at me." Saad lang niya nang mapatitig siya sa akin ng diretso.
Tumingin naman ako sa kaniya kasi she asked for it, nang bigla bigla ay hinawakan niya ako sa magkabilaang pisngi at inilapit niya ang mukha niya sa akin nang sunggaban niya akong hinalikan sa labi at talagang sobrang nanlaki ang mata ko doon dahil sa pagkagulat.
Mabilis ko siyang nasaway pero she kissed me again, at hindi ko pala alam ginagamit niya ako. May lumapit kasi na lalake sa gilid namin sinasabing 'You playgirl!' saka ito umatras nang hinabol pa ng babae na ito ng tingin 'yung lalake bago ako binitawan sa halik niya.
Napatunganga lang ako sa kaniya. May karapatan naman ako magalit sa kaniya for using me pero hindi ko nalang nagawa. Parang nawala nalang ulit ako sa sarili ko kasi kakaiba talaga itong babaeng ito.
"Hey handsome!" pagtawag niya muli.
"Parang familiar ka?" saad niya.
"Huh?" bumalik ako sa ulirat.
"From now own boyfriend na kita. Okay? Tandaan mo 'yan."
"HUHHHH?!!!"