Chapter 41 JEAN Continuation: “Welcome to the world, Trois. Welcome, Jebran. Ngayon, magsisimula na ang bagong kabanata natin. Tayong tatlo… laban sa mundo.” Habang mahigpit kong yakap ang kambal, ramdam ko ang maliit nilang katawan na pilit naghahanap ng init at seguridad sa dibdib ko. Sa bawat hinga nila, para akong muling isinilang kasama nila. Sila ang sagot sa lahat ng tanong ko noon, kung bakit ako kailangan lumayo, kung bakit ako kailangang masaktan, kung bakit ako kailangang pumili. Ngayon, alam ko na. Para sa kanila lahat ng ‘yon. Pumasok ang isang nurse para kunin muna si Trois at Jebran para linisin at sukatin. Hindi ko man gustong bitiwan sila, alam kong kailangan. Hinagkan ko muna sila sa noo bago sila dinala sa nursery. Pagkaalis nila, doon ko naramdaman ang lalim ng p

