Chapter 40 JEAN Parang kailan lang, napakabilis ng panahon, ngayon, kabuwanan ko na. Anytime soon, lalabas na ang kambal ko. Dalawang lalaki ang magiging anak namin ni Mozz. Dalawang buhay na magbibigay sa akin ng lakas, ng panibagong dahilan para ituloy ang laban ko Hindi na ako makakapayag na maging sunud-sunuran sa mga magulang ko. May sarili na akong desisyon na kailangang panindigan, lalo na ngayon na may mga anak na akong kailangang protektahan. Panahon na para unahin ko naman ang sarili ko, hindi ang kagustuhan ng iba. Oo, mahalaga sila sa akin dahil magulang ko sila, pero sa pagkakataong ito… ilalaban ko na ang karapatan kong mamili para sa sarili ko. Sa tagal ng pananatili ko sa isla, marami akong napag-isip-isip. Marami akong natutunan. Kung noon pa lang ay pinaglaban ko si M

