Chapter 39 MOZZ/TROIS “Okay, okay!” sigaw ni Chyril habang tinutok ang hawak niyang camera sa shooting bay. “Leaf vs. Andress showdown, take one! Let’s see kung sino ang dapat i-nominate sa ‘barilin na lang para manahimik’ award!” Tumawa si Snow habang si Thaddeus ay umupo sa bench, nanonood lang at kumakain ng energy bar na parang nanonood ng sabong. “Ladies first,” pakumpas ni Andress sabay ngisi. “Ngayon lang kita narinig na gentleman,” balik ni Leaf habang inaayos ang stance niya. “Siguro kasi alam mong matatalo ka.” “Dream on,” sagot ni Andress, “pero sige, ipakita mo ‘yang girl power mo.” Pumwesto si Leaf. Steady ang kamay, diretso ang tingin. Tatlong bala, tatlong target. Bang! Bang! Bang! Tatlong tama. Hindi perfect, pero solid—all within scoring zones. “Nice one!” sigaw

