Chapter 38 MOZZ/TROIS Araw ng ensayo namin ngay on ni Snow. Sa wakas, matutuloy na rin ang matagal ko nang hinihintay na training—tuturuan niya ako kung paano humawak ng iba’t ibang klase ng baril at kung paano umasinta nang tama at maayos. Hindi lang basta paghawak, kundi ang disiplina, focus, at kontrol na kailangan sa bawat gamit ng armas. Kasama ko si Andress papunta sa shooting range kung saan gaganapin ang training. Sa biyahe, panay ang tahimik na sulyap niya sa akin—halatang curious kung kaya ko bang makasabay sa istilo ni Snow. Ako naman, bagamat kabado, determinado akong pagbutihan ang ensayo. Pagdating namin sa shooting range, ramdam agad ang bigat ng paligid. Amoy pulbura, langis, at ang tunog ng mga putok sa di kalayuan ay nagpapaalala kung gaano kaseryoso ang araw na ‘to

