Chapter 37 ANDRES Matapos ang training ni Trois kay Snow ay dumiretso na kami sa mansyon. Ang plano naming treat kay Snow ay hindi natuloy dahil sa biglaang may tumawag sakanya at mukhang importante dahil Nakita ko sa reaksyon niya ng makausap nya Ang kausap niya sa cellphone. Nakita namin si Dahon at Chyrill na nakaupo sa sala habang nanunuod sa Netflix. Habang si Thad ay pababa sa hagdanan at mukhang kakagising lang. " Anong dinner natin guys?" Tanong ni Thad. " Wala ako sa mood magluto pagod ako." Sabi naman ni Trois, na alam ko naman na talagang pagod. " Leaf kayo na uli ni Andress ang magluto ng dinner natin. Papaalala ko magluto hindi magharutan at magligawan sa kusina." Utos ni Thaddeus. " Bakit Ako? Ayoko magluto kong kasama ko ang Dahon na tuyot." sagot ko kay Thad " Ayok

