bc

HEDONE

book_age18+
973
FOLLOW
2.3K
READ
fated
twisted
sweet
bxg
special ability
like
intro-logo
Blurb

Hedone was born with the ability to see who is destined for someone. She can easily tell who's destined for who by simply putting her right hand in front of every woman's chest. But then, her ability won't let her know who's destined to be with her that's why she always ended up falling for the wrong one.

When her best friend asked her to do something to change her destiny, without any doubts, she helped even if she knew that her own destiny would be at stake-She started falling for someone who's already destined for someone else.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Tayo ay pinagtagpo... Ngunit hindi tinadhana. Sadyang mapaglaro itong mundo... Bwisit na kanta ‘yan, sumasabay pa! “Oo na nga, diba?!” Inis na bumangon siya sabay titig sa wallpaper ng kanyang cellphone kung saan nandoon ang larawan nila ng boyfriend—este, ex boyfriend nya na si Kiko. Kanina pa siya nagsesenti matapos tumawag ito para makipaghiwalay sa kanya. Gusto daw nitong mag-focus muna sa pag-aaral dahil nasa huling taon na ito sa kolehiyo. Kiko is currently taking up Political Science sa isa sa pinaka sikat na Law School dito sa Maynila. “Ano namang tingin nya sa akin? Distruction?!” nayayamot na bulong bulong nya. “Mukha ba akong kriminal para hindi sya makapagfocus sa pag-aaral nya sa mga batas batas na yan?!” Pinagtagpo... ngunit hindi itinadhana. Puso natin ay hindi... sa isa't-isa... “Kung hindi tayo para sa isa't-isa, eh para kanino ka?! Sabunutan ko yung makakatuluyan mo!” Inis na tinanggal nya ang earphone mula sa kanyang tenga at nayayamot na dumapa sa kama. “Wag na wag lang talagang magpapahula sa akin yung babaeng makakatuluyan mo, ililigaw ko talaga ‘yun!” isiniksik nya ang mukha sa mga unan. If only she could predict her own destiny like how she could easily predict others.. Hindi na sana sya nag-aaksaya ng panahong makipag-date sa maling tao. “Dawn! Nandyan ka ba? Buksan mo ‘to, please?!” Kunot noo sya nang makarinig ng sunod sunod na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Boses iyon ng bestfriend nyang si Fham. “Anong nangyari—” Hindi nya na natapos ang sinasabi nang sugurin sya ng yakap ng kaibigan. Humahagulgol ito ng iyak at sobrang higpit ng yakap sa kanya. “Bes...” iyak nito na hindi makapagsalita dahil sa sobrang pag-iyak. Inilayo nya ito ng bahagya sa kanya at inalalayang umupo sa kama. “Kwento muna bago iyak, pwede?” birong totoo nya. Pulang pula na ilong nito medyo namamaga na ang mga mata dahil sa kakaiyak. Inabot nya ang isang box ng tissue sa bedside table at tinulungan itong magpunas ng luha. Huminga ito ng malalim at pilit pinakalma ang sarili bago nakuhang magsalita. “Bes, si Ryan kasi...” naiiyak parin na simula nito. Basag ang boses nito kaya awang awa na hinagod hagod nya ang likod nito. “Bes, pinagpalit ako ni Ryan!” bumagsak muli ang mga luhang pinipigil nito kanina pa. Lalo syang naawa dito. They were together for almost seven years kaya alam nyang sobrang hirap nito para sa kaibigan. “D-diba sabi mo, kami naman t-talaga sa huli? Bes, bakit ganun?! Bakit nya ako iniwan? Nagbago ba yung kapalaran ko? Bes, pakicheck nga kung nagbago na ba!” hindi magkandatuto ito habang kinukuha ang kamay nya at inilagay sa tapat ng puso nito. “Ano? N-nagbago ba?” pangungulit nito. Bumuntong hininga sya at maya maya ay umiling. “Nope. Siya parin,” sagot nya at pinisil ang kamay nito. “Kayo parin ni Ryan ang nakatadhana kahit gago sya at ayoko syang makatuluyan mo.” Umirap ito at pinalo ang kamay nya. “Kung ganon, bakit iniwan ako? Bakit pinagpalit ako?!” Umismid sya bago sumagot. “Malamang, dahil gago sya.” Tinignan sya ni Fham ng masama. Umikot ang mga mata nya. “Malamang babalik din ‘yun! Tapos, ikaw na tanga at kalahati, tatanggapin parin sya kaya kayo parin kahit ilang beses syang magloko, kayo parin, kasi nga gago sya at tanga ka!” Binato sya nito ng unan. Ngumisi sya at sumimangot na naman ito nang bumalik sya sa pagkakaupo. “Ano na naman?!” tanong nya. Yumuko ito bago sumagot. “P-pwede mo bang hulaan yung babae ni Ryan?” “Ano?!” nanlaki ang mga mata nya “Gusto mong tulungan ko yung babae ni Ryan? Para hindi na sya masaktan kapag iniwan sya ng boyfriend mong gago, ganon?!” Tumango ito. “Mahadera ka talaga, Pamela Juan!” Napangiwi ito pagkarinig sa buong pangalan. “At isa pa, hindi ko pwedeng pakialaman yung kapalaran nya. Her meeting Ryan is part of her destiny. He's part of her journey meeting the right one. Kumbaga, instrument lang yung dyowa mo para matuto sya. Let her learn her lessons...” mahabang paliwanag nya. “Kahit sabihin kong tinutwo-time nya lang si Ryan?” “Ha?” “She's two-timing Ryan with Kiko.” sagot nito. Halos mabali ang leeg nya nang lingunin ang kaibigan. “Kiko?” she had a hunch kung sinong Kiko ang tinutukoy nito but she's still hoping that she isn't right. Utang na loob! sigaw ng utak nya “Kiko. Your boyfriend!” Halos malaglag ang panga nya sa konpirmasyon ng kaibigan. Hindi sya makapaniwala. Aba't ang gago, may nalalaman pang magfofocus sa pag-aaral. Yun pala ay sa iba magfo-focus! At ang makating babaeng iyon, kung sino man sya! Sisiguraduhin kong magdudusa muna sya bago sya mapunta sa lalakeng nakalaan para sa kanya! “G!” sabay tayo nya. Nalilitong tinignan sya ng kaibigan. “Go saan?” “Saan pa?! Edi para isabotahe yung bruhang ‘yon!” gigil na sagot nya. Nagliwanag ang mukha ni Fham at agad na tumayo. You messed up with the wrong person, b***h! determinadong sigaw ng utak nya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook