CHECK UP

937 Words
Halos buong linggo yatang naging ganoon ang routine nina Hedone at Zeus. Tuwing umaga ay sabay silang kakain ng breakfast at sa umaga na marerecieve ni Hedone ang text mula kay Zeus na pauwi na ito galing ospital dahil madalas ay madaling araw na itong nakakauwi. Nakakaramdam s'ya ng awa para sa nobyo dahil imbes na itulog pa nito ang kaonting oras sa umaga ay maaga pa rin itong gumigising para kahit papaano ay sabay silang makapag-breakfast. “Pu-pwede namang magchat or magtext na muna tayo para hindi ka lalong napupuyat,” sabi n'ya nang pangatlong umaga na magkasabay silang kumain. Umiling kaagad si Zeus at tinignan s'ya. “This isn't the first time na nangyari ito. Mayroon pa ngang straight 48 hours na wala akong tulog,” nakangising sabi pa nito na parang proud na proud pa. Nanliit ang mga mata n'ya at humalukipkip. “At sa tingin mo maganda sa katawan 'yon? Doctor ka pa naman tapos—” napatigil s'ya sa ginagawang panenermon dahil napansin n'yang titig na titig ito sa kanya at ngiting-ngiti. Bigla tuloy s'yang na-conscious sa itsura n'ya dahil naghilamos lang s'ya kanina at hindi na nakapagsuklay sa kakamadaling pagbuksan ito ng pinto. “W-what's with that stare?” napapalunok na tanong n'ya. Umiling naman si Zeus at saka tinusok ng hintuturo ang gilid ng labi n'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya lalo na nang dilaan nito ang ibabang labi habang ginagawa iyon! Nag-init ang mga pisngi n'ya. He looked so damn hot when he did that! Gusto n'yang sakalin ang sarili dahil sa itinatakbo ng utak n'ya kahit halos hindi pa sumisikat ng todo ang haring araw! “You've got some sauce there,” sabi n'ya na doon parin nakatuon ang mga mata. Kumurap-kurap s'ya at napatitig na rin kay Zeus. And when he noticed her stare, he stared back at her. Hindi n'ya alam kung gaano katagal naging magkahinang ang kanilang mga paningin. Napapikit na lang s'ya nang bigla itong dumukwang palapit sa mukha n'ya at naramdaman n'ya ang labi nito sa gilid ng labi n'ya. Halos hindi s'ya nakahinga! Her heart was pounding like crazy when she felt the hesitations in him. Hesitations to kiss her in the lips! She even saw a glints of frustrations in his eyes. For a second, she was tempted to brush her lips against him but also felt terrified after imagining the possible consequences of her recklessness. Katulad ni Zeus, ayaw din n'yang mawala agad ang mga sandaling pinagsasaluhan nila. Lalo na at alam n'yang temporary lamang iyon. “Bake Mac taste better when it comes from your lips...” biro nito nang makabawi. She rolled her eyes. “If I know wala talagang dumi sa labi ko. That was a smooth move, Doc!” nakataas ang kilay na pang-aasar n'ya. Tumawa ito at pinisil ang tungki ng ilong n'ya. “You are so irresistible, baby. Kung wala lang talaga akong trabaho ngayon....” binitin nito ang sinasabi at saka nakangising kumindat-kindat sa kanya. Napasinghap s'ya dahil sa lakas ng epekto ng kindat nito. How can a man looked so cute and manly at the same time, huh? He is really living up to his name! Mukha kasi talaga itong Diyos dahil sa halos perfect na features nito. Zeus has an almost perfect facial features and his body proportions are complimenting it! Lalo tuloy s'yang naintriga sa features ng mga magulang nito coz they have created a masterpiece through their son. “I am having my yearly check-up today,” anunsyo n'ya habang hinahatid ito sa tapat ng elevator. Nanlaki agad ang mga mata ni Zeus. “Really? Where? If you don't have a regular hospital, you can just take your test—” Hindi n'ya na pinatapos ang sinasabi nito at agad syang tumingkyad para abutin ang pisngi nito at binigyan ng banayad na halik. “See you later, Doc!” sabi n'ya at kinindatan ito. Natawa s'ya nang hilahin nito ang braso n'ya para mapalapit s'ya dito. “You really have your own ways to surprise me, huh...” bulong nito at umambang hahalik pero pinigilan n'ya ito dahil bumukas na ang elevator sa tapat nila at halos manlaki ang mga mata n'ya nang makita ang dalawang taong bumaba galing doon. “Dawn?” Bulalas kaagad ni Ryan nang makita s'ya. Halos hindi s'ya makahinga nang magtama ang tingin nila ng babaeng kasama nito. It was the girl who's destined for Zeus! “R-ryan...” halos hindi iyon lumabas sa bibig n'ya lalo na nang makita n'yang bumaling ang tingin ni Ryan kay Zeus. At nang ilipat n'ya ang paningin sa babaeng kasama nito, the woman's eyes were already darted on Zeus! Parang pinipiga ang puso n'ya nang mga oras na iyon kaya hindi s'ya gaanong makahinga. “You okay, Babe?” tanong ni Zeus ang muling pumukaw sa atensyon n'ya. “O-oo. K-kulang lang siguro sa... t-tulog. Mauuna na ko. Ingat ka sa pagpasok.” hindi magkandatutong paalam n'ya at agad na tumalikod para makalayo sa kanila. Napapikit s'ya at parang tuksong bumalik sa isip n'ya ang paraan ng pagtingin ng babae kay Zeus. Of course, he belongs to her, Hedone! Stop keeping your hopes up! You cannot change what is bound to happen! Wake up! Her subconscious mind were scolding her. Isang hakbang pa ay naramdaman n'ya ang kamay ng kung sino na humawak sa braso n'ya. Nang lingunin n'ya iyon, she found Zeus' worried eyes. “You don't look okay. Let's go, I'll check up on you.” sabi nito at hindi na s'ya nakapalag nang pangkuin s'ya nito. Napakapit nalang s'ya sa leeg nito at pumikit.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD