BAYAD

1104 Words
“Do you live here?” Napalingon si Hedone kay Zeus nang magsalita ito matapos nyang ituro ang limang palapag na building kung saan sya kasalukuyang nakatira. Nang magmigrate sa ibang bansa ang Tita Celine nya at ang anak nito ay nagpasya syang manirahan ng mag-isa. Pumayag naman ang Daddy nya kahit na nalulungkot ito dahil hindi na sila magkasama sa bahay. Pero kahit naman doon sya nakatira sa poder nito ay bibihira din na magkasabay sila sa hapagkainan dahil sa sobrang busy nito sa trabaho. His Dad is the President of one of the biggest pharmaceutical company in the Philippines. Bukod pa doon ay mayroon din itong shares sa mga food companies na pag-aari ng mga kapatid nito. Hindi malinaw ang relasyon ng Tita Celine nya at ng Daddy nya pero alam nyang hindi parin ito nakakalimutan ng ama. Mula nang mangibang bansa ang mga ito ay mas lalong naging tutok sa trabaho ang Daddy nya na para bang ginagawa nito iyon para hindi gaanong maramdaman ang lungkot. As for her, she decided to do what she wants. Nagtayo sya ng sariling salon at kasosyo nya doon ang bestfriend na si Fham. Sa kasalukuyan ay mayroon na itong anim na branch sa buong Maynila at nagpaplano na silang mag-expand sa mga katabing lungsod. Sa kanilang dalawa ay si Fham ang hands on sa business nila dahil alam nito na hindi sya pwedeng maexpose sa sobrang daming tao. “Yup. Pakitabi na lang dyan. Magpapatulong nalang ako sa guard magbuhat ng ibang gamit.” sabi nya at kinalas na ang seatbelt. Nagtaka pa sya nang hindi ito kumilos at nanatili lang ang titig sakanya. “Kailan pa?” tanong ulit nito. Tumaas ang kilay nya at hinarap na ito. “Matagal na po!” sabi nya at binuksan na ang pinto pero pinigilan sya nito. “Sumakay ka na hanggang sa parking lot. Sabay na tayong umakyat.” sabi nito. Kumunot ang noo nya at hinawi ang kamay nito sa braso nya. “Alam mo, Zeus—este, Doc., kaya ko na. At saka wala akong kasama sa unit ko. Baka kung ano pang....” napatigil sya sa pagsasalita nang makitang titig na titig ito sa mukha nya. “Ano pang?” “Wala! Basta kaya ko na—” “I live here, too.” sabi nito. Napatitig sya sa mukha nito bago nakakalokong tumawa. She's been living here for almost five years at kahit minsan ay hindi nya ito nakita manlang sa area na iyon. Sinong niloloko nito? Umikot ang mga mata nya. “I don't believe you...” sabi nya at humalukipkip. Bumuntong hininga ito bago dumukot ng kung ano sa bulsa at pagkatapos ay ipinakita iyon sa kanya. Napaayos agad sya ng upo nang makita ang key card access ng exclusive residential unit na iyon. Ibig sabihin ay doon nga ito nakatira! “Do you believe me now?” nakangising tanong nito. “P-paanong...” It was just a mere coincidence, right? Ang malamang iisa ang kanilang tinutuluyang building ay sapat na para maligalig sya pero ang mas kinabahala ni Hedone ay nang pag-akyat nila sa floor kung saan naroon ang unit nya ay magkatapat lang sila ng unit ni Zeus. Nang tulungan sya nitong ipasok ang kanyang mga gamit ay halata ang pagiging balisa nya. Gusto nyang magtanong dito pero natatakot sya sa posibleng isagot nito. “Are you living here alone?” tanong nito at naabutan nya itong iginagala ang paningin sa buong unit. “Yeah. I've been living alone for five years already.” sabi nya at nilingon ulit ito. “I-ikaw?” “Ha?” “H-how long have you been living here?” kabado ngunit kailangan nyang malaman ng maaga para mapaghandaan nya ang dapat nyang gawin. “Three years. Mula nang maassign ako dito sa Manila, bumili na ako ng unit para narin hindi ako nahihirapan kapag may research akong kailangan gawin tapos wala akong matuluyan dito. You know, it's too expensive to stay in some hotels.” paliwanag nito at nagkibit balikat. Three years... Sa sinabi nito ay tila doon lang nakahinga ng maluwag si Hedone. The fact that he's been here for three years was like an assurance that everything that is happening was just a mere coincidence and nothing else. “So, hindi ka talaga taga dito sa Manila?” “I'm from Cebu.” nakangiting sagot naman nito. Bumuntong hininga sya. She felt relieved! Ang malamang hindi ito taga doon ay lalong nakapagpakalma sa'kanya. “This unit is huge for someone na nag-iisa lang. How about maids?” Umiling sya. “May pumupunta namang housekeeper dito na kakilala ng bestfriend ko. Twice a week syang naglilinis dito.” “Bestfriend?” tanong nito. Tumango sya. “Yup,” simpleng sagot nya. Ngumuso ito at maya maya ay nagtanong ulit. “Guy bestfriend?” Tumaas ang kilay nya sa tanong nito. “Girl. Si Fham, yung na-meet mo kanina sa hospital.” “Oh... So, that's her!” papahinang sabi nito at tumingin sa'kanya. Napahilot ito sa batok at napayuko. Tumagilid sya para magpigil ng ngiti. Kitang kita nya ang pamumula ng tenga nito. Para-paraan talaga! “You must be tired!” maya maya ay sabi nito nang makabawi sa pagkapahiya. Humalukipkip sya at tinitigan ito. Natawa na sya ng tuluyan nang kagatin nito ang labi nito at nag-iwas ng tingin. “You're teasing me,” nanliliit ang mga mata nito habang pulang pula ang tenga. Umiling sya at natawa. “Wala akong sinabi huh?!” natatawang depensa nya. Ngumuso lang ito. “I gotta go. You rest well.” paalam nito. “Thank you sa paghatid!” habol nya nang naglalakad na ito palabas. “Anong thank you? May bayad 'yon!” sabi nito nang hindi tumitingin sa'kanya. Lihim na natawa naman sya. Halata parin ang pagkapikon nito dahil sa pang-aasar nya kanina. “Magkano ba?” Ngiting ngiti sya nang malingunan sya nito. Tumigil ito nang nasa tapat na ng pinto at sinimangutan sya. “Magkano nga?” ulit nya. Natatawa parin. Pero lalo lang itong sumimangot. “Nevermind,” mahinang sabi nito at saka tumalikod na para tumawid sa kabilang unit. Kinagat nya ang ibabang labi bago humakbang palapit dito. Pinigilan nya ito sa braso kaya napatigil ito sa paglalakad at hinarap sya. Kunot noo ito nang humarap sa'kanya. “Why—” Hindi na nya ito pinatapos magsalita at agad ng tumingkyad para mahalikan ang pisngi nito. Halata ang gulat sa mukha ni Zeus dahil sa ginawa nya. “Bayad ko.” sabi nya at saka dali daling tumalikod at tumakbo papasok sa loob ng kanyang unit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD