“So nandito ka nga para guluhin ang buhay ko? Grabe naman ‘yung effort mo. Lumipad ka pa pauwi galing US,” sabi niya sabay simangot at irap kay Gael. Naalala niya noong huling araw nito dito s Pilipinas bago lumipad papunta sa Amerika’y nag-away pa silang dalawa. Dahil gusto niyang bigyang ng sorpresa si Gael bago ito umalis, naisipan niyang ipag-bake ito ng cake. Palpak nga lang ang kinalabasan at napaso pa ang mga kamay niya nang bigla niyang hawakan ang mainit na baking pan nang walang hawak na pot holder. Nagalit si Gael noon at nasigawan siya, pero ito rin ang gumamot sa mga paso sa kamay niya. Para talagang aso’t pusa ang relasyon nila, dahil sa dalas nilang mag-away kahit na simpleng bagay lang naman ang mga pinagtatalunan nilang dalawa. “Inis ka na agad sa ‘kin. You don’t even kn

