bc

TOUCH MY BODY, DADDY

book_age18+
11.3K
FOLLOW
97.6K
READ
forbidden
goodgirl
stepfather
sweet
bxg
actor
like
intro-logo
Blurb

Isang sikat na artista ang biyudo na si Hugo Rojas na muntik nang mapahamak nang dahil sa tangkang pananaksak ng isang baliw na fan. Patay na sana siya kung hindi siya tinulungan ng ama ni Aaliyah, ngunit sa kasamaang palad ay ang ama naman ni Aaliyah ang nasaksak at namatay. Nang dahil dito ay nangako si Hugo na aalagaan si Aaliyah na nang mga panahong 'yon ay sampung taong gulang pa lamang. Sa paglipas ng panahon at sa unti-unting pagdadalaga ni Aaliyah, ay nakita na lamang ni Hugo ang sarili na nahuhumaling sa angking ganda ng dalaga. Magagawa kaya niyang pigilan ang nararamdamang pagnanasa sa mapang-akit na anak-anakan niya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Aaliyah, anak! Tapos ka na ba?!” Narinig ng sampung taong gulang na si Aaliyah ang sigaw ng ama na si Armando habang nasa loob siya ng banyo. Katatapos lang niya maligo at kasalukuyan na siyang nagbibihis. “Malapit na po, ‘Tay!” sagot niya habang isinusuot na niya sa kanyang ulo ang t-shirt na hawak, na iteterno niya sa suot na niyang short na maong. “Bilisan mo para hindi tayo ma-late! Dapat makahanap tayo nang magandang pwesto para makita natin sila nang maayos!” Pupunta sila ngayon sa covered gym dito sa kanilang bayan. May mga darating kasing artista na inimbitahan ng kanilang Mayor at isa rito ang paboritong artista ng kanyang ama na si Hugo Rojas. Bata pa lamang ang kanyang ama at hindi pa siya pinapanganak ay iniidolo na ito ng kanyang ama, kaya pati nga siya ay naging interisado na. Lahat ng mga palabas ni Hugo Rojas sa TV ay sabay nilang pinapanood. At kapag may bagong labas na pelikula ito ay pinag-iipunan ng kanyang ama ang pambili ng ticket. Minsan nga lang ay hindi naisasama si Aaliyah sa sinehan kapag hindi akma sa edad niya ang tema ng mga pelikula. Kaya pag-uwi na lang ng kanyang ama ay ikinukwento na lamang nito sa kanya kung ano ang nangyari sa pelikula. “Opo, ‘Tay! Sandali na lang! Matatapos na po ako!” sigaw niya at pagkatapos ay nagmamadali na niyang hinila pababa ang laylayan ng kanyang t-shirt. Pagkatapos magbihis ay lumabas na siya ng banyo at dali-daling tumakbo papunta sa cabinet. Hinila niya ang ibabang drawer nito, at mabilis niyang hinanap ang kanyang medyas. “Nasaan na ba ‘yung kapares nito?!” natataranta at naiinis niyang sabi habang hawak ang isang puting medyas na may butas pa sa dulo. Sa inis niya’y inilabas na niya lahat ng laman ng drawer hanggang sa makita niya ang kapares ng medyas na nakasuksok sa dulo. “Nandito ka lang pala, pinahirapan mo pa ‘ko!” “Aaliyah, magsasapatos na ‘ko,” sabi ng kanyang ama, pagkatapos magsuklay ng buhok. Mabilis niyang ibinalik sa drawer ang mga damit na hinalukay niya at saka isinarado ang drawer. Pagkatapos ay tumakbo siya papunta sa kama at naupo habang hawak ang pares ng medyas. Sinuot niya ang mga ito, at labas pa ang hinliliit ng kanan niyang paa dahil nga may butas ang isa sa mga medyas. “Tay, sa susunod n’yo pong sweldo, bilhan n’yo naman po ako ng medyas. Lahat po kasi ng mga medyas ko may butas na. Buti na lang po hindi kita dahil may suot naman akong sapatos,” sabi niya habang binubuhol na ang sintas ng kanyang lumang rubber shoes. “Hayaan mo, anak, bibilhan kita. Pero isang pares lang, ha?” “Opo ‘Tay!” Pagkatapos niyang magsapatos ay patakbo siyang lumapit sa ama at saka yumakap. “Thank you po, ‘Tay! The best po talaga kayo!” “Naku, binola mo na naman ako! Pwede na ba tayong umalis?” “Ay, teka lang po!” Bumitaw siya sa ama at tumakbo uli papunta sa lagayan ng mga damit at hinila ang pangitnang drawer at kinuha mula rito ang isang maliit na bote ng cologne. Naglagay siya nang kaunti sa kanyang palad at saka idinampi sa kanyang balat at damit. “Naku, nagpabango pa. Hindi ka naman aamuyin ni Hugo.” “Malay n’yo po ‘Tay, malapitan natin. Tapos yayakap ako at hahalik!” kinikilig niyang sabi. Kahit na kaedad ng kanyang ama si Hugo ay hindi naman halata dahil mukha pa rin itong binata kahit na may anak na. Matangkad, gwapo at matipuno ang pangangatawan ni Hugo kaya marami pa ring mga babae ang nagkakagusto rito, mapabata man o matanda. Kaya nga kahit na mahigit isang dekada na itong artista ay hindi pa rin nalalaos at marami pa ring mga proyekto, mapapelikula man, drama sa TV o kaya ay endorsement ng mga sikat na produkto. Sa tuwing nagkakaroon din ito ng bagong girlfriend ay nagiging malaking balita at pinag-uusapan talaga, lalo pa’t maaga itong nabiyudo sa asawa, na dati ring artista at ka-loveteam nito noong mga teenager pa lamang ang mga ito. “Bawal ‘yon. Baka paalisin tayo. Baka bitbitin ka nila na parang kuting at saka itapon palabas ng gym.” “Ang cute ko kayang kuting ‘Tay. Kaya ba nilang itapon ‘to?” Ngumuso pa si Aaliyah at nagpapungay ng mga mata. “Puro ka kalokohang bata ka. Ano? Dali na. Alis na tayo.” Kumapit si Aaliyah sa braso ng ama, habang napakalapad ng ngiti. “Tara na po ‘Tay! Hugo, parating na kami!” masayang sabi ni Aaliyah, kaya nagkatawanan pa silang mag-ama. Medyo marami na ang tao sa gym nang dumating silang mag-ama pero nakagawa sila ng paraan para makaupo sa harapan at mapalapit sa stage kung saan magpe-perform ‘yung mga bisitang artista. Habang nakaupo si Aaliyah ay naririnig niya ang usapan ng mga babae sa magkabila niyang gilid at pati na rin sa likuran. Puro si Hugo ang topic ng mga ito, kaya natutuwa naman siya sa kasikatan na tinatamasa ni Hugo Rojas na iniidolo nilang mag-ama. “Kahit nakakabwisit ‘yung papel niya sa palabas niya ngayon, hindi ko magawang magalit,” sabi ng isang babae na nasa likuran nila. “Galit na galit kaya ‘yung nanay ko sa kanya. Buti hindi inaatake sa puso.” “Yung asawa ko naman gusto nang basagin ‘yung TV namin. Sabi ko, subukan niyang basagin ‘yung TV at ‘yung mukha niya ang isusunod ko.” “Acting lang naman ‘yon. Hindi naman siya gano’n sa totoong buhay.” “Ang galing niya kasing umarte mapabida man o kontrabida. Dalang-dala talaga ‘ko! Kakagigil!” “Magkakaroon ba siya ng maraming award kung ‘di siya magaling.” “Kung hindi lang sana tumigil sa pag-aartista si Natalia at hindi namatay, pareho siguro silang sikat na sikat na mag-asawa ngayon.” “Sigurado ‘yon. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Nakakapanghinayang talaga.” Alam ni Aaliyah ang tungkol rito. Naikwento ng kanyang ama na fifteen years old pa lang sina Hugo Rojas at Natalia Rodriguez nang mag-umpisang mag-artista. Pinagtambal agad ‘yung dalawa at naging maganda ang pagtanggap ng mga tao sa loveteam nila. Mula sa pagiging loveteam ay naging magkasintahan talaga ‘yung dalawa at maagang nabuntis si Natalia sa edad na eighteen. Dahil sa pagbubuntis at maagang pag-aasawa ay tumigil na si Natalia sa pag-aartista, pero si Hugo ay nagpatuloy pa rin kahit na walang ka-loveteam. Hindi pa nagtatagal ang pagsasama ng dalawa ay namatay naman sa aksidente si Natalia. Gusto nga raw pumunta ng ama ni Aaliyah sa burol ni Natalia, pero dahil walang pamasahe at maliit pa si Aaliyah noon, kaya hindi nakapunta. Hindi pa nag-uumpisa ‘yung event ay punong-puno na ‘yung gym. Nang isa-isa nang lumabas ‘yung mga artista habang kumakanta ay nagsisigawan na ‘yung mga tao. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga ito nang si Hugo na ang lumabas. Si Aaliyah naman ay hindi nagawang sumigaw at napatunganga na lamang nang makita sa personal ang mga iniidolong artista. “Hugo! Nakakabwisit ka pero I love you!” may isang lalaking sumigaw kaya napangiti si Hugo at nagtawanan naman silang mga nanonood. Tuwang-tuwa ‘yung mga tao, lalo na si Aaliyah at ang kanyang ama nang bumaba si Hugo sa stage para mas mapalapit sa kanila. “Idol!” sigaw ng kanyang ama, kaya napatingin siya rito at napangiti. Masayang nanonood sina Aaliyah nang may isang lalaki mula sa audience ang mabilis na naglakad palapit kay Hugo. Mabilis rin na umalis sa tabi ni Aaliyah ang kanyang ama at patakbong lumapit kay Hugo at hinarangan ang lalaking palapit. Hindi naintindihan ni Aaliyah ang nangyayari, kaya sumigaw na lamang siya at tinawag ang tatay niya. “Tay!” Sunod nito’y nakita niya ang kanyang ama na nakahiga na sa sahig habang nakahawak sa tagiliran, at pagkatapos ay napatingin si Aaliyah sa lalaking may hawak na icepick na mayroong dugo sa dulo. “T-tay! Tatay!” sigaw ni Aaliyah, at tumakbo na siya palapit sa ama. Iyak nang iyak si Aaliyah habang hawak ang kamay ng kanyang ama. “Tay, huwag n’yo po ‘kong iwan.” “Bitawan n’yo ‘ko! I’m fine!” narinig niyang may sumigaw at pagkatapos ay nakita niyang nasa tabi na nila si Hugo. “Tulungan n’yo ‘ko!” sigaw ni Hugo kaya may mga lalaki na tumulong sa kanila. Isinakay sa sasakyan ng baranggay ang ama ni Aaliyah at pati si Hugo ay sumama. Nakahiga sa kandungan ni Aaliyah ang ama habang nakaupo naman si Hugo sa tapat nila na may bahid na rin ng dugo ang suot na damit. “I-idol…” mahinang sabi ng ama ni Aaliyah habang nakatingin kay Hugo. “Ikaw ang dapat tawagin ng gan’yan,” sabi ni Hugo habang nagpupunas ng gilid ng mata dahil may umaagos na luha mula rito. Itinaas ng ama ni Aaliyah ang kamay nito at hinawakan naman ito ni Hugo, at pagkatapos ay hinawakan din ang kamay ni Aaliyah. Pinagpatong nito ang duguang mga kamay ni Hugo at Aaliyah, at pagkatapos ay nagsalita kahit hinang-hina na. “A-anak k-ko… A-aaliyah… A-alagaan m-mo s-siya…” “T-tay, bakit po kayo nagsaslita nang gan’yan?!” takot na tanong ni Aaliyah pagkatapos siyang ihabilin ng ama kay Hugo. “Akong bahala sa kanya. Pangako ‘yan,” sagot naman ni Hugo bago bumagsak ang kamay ng ama ni Aaliyah ay hugutin nito ang huling hininga. Napuno ng panaghoy ni Aaliyah ang loob ng sasakyan, habang yakap niya ang wala nang buhay na katawan ng kanyang ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
132.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
34.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook