Pag-uwi niya sa bahay hindi niya akalain na isang pamilyar na mukha ang makikita niya. Nakita niya itong nakasandal sa haligi ng pintuan habang binubuga ang usok ng sigarilyo na hinithit nito. “Gael?!” nakangiti niyang bati habang naglalakad. “Kumusta, bansot?” nakangising sabi nito sa kanya at saka nilaglag sa semento ang katiting na lang na sigarilyo at saka inapakan ng swelas ng sapatos. “Ilang taong kang nawala, pero hindi ka pa rin nagbago. Mapang-asar ka pa rin. Tumangkad na kaya ako. Konti,” tanggol niya sa kanyang sarili. Hindi siya masyadong lumapit kay Gael dahil ayaw niyang malanghap ang usok ng sigarilyo na binuga nito kanina. Natawa si Gael. “Tingnan nga natin. Lapit ka sa ‘kin,” utos nito sa kanya. “Ayoko. Ang baho mo eh. Amoy sigarilyo ka.” “C’mon! Come here. Susukat

