“Hannah, ‘di ba hindi ka na virgin?” tanong ni Aaliyah sa kaibigan habang nasa isang coffee shop sila na maaliwalas ang paligid. Bilog ang mesa na pinagpapatungan ng iniinom nilang hot coffee at saka sliced cakes. Pareho silang nakaupo sa swing chair na gawa sa rattan na may malambot na unan sa upuan at sandalan. “Oh my God, Aaliyah! Bakit mo naman natanong ‘yan out of nowhere?” tanong ni Hannah sa kanya habang nanlalaki ang mga mata nito na kahit singkit ay maliit pa rin. “Curious lang ako kung ano’ng feeling kapag first time. Masakit ba?” “Wala ka pa ngang boyfriend tinatanong mo na ‘yan. Mag-boyfriend ka na lang muna. Pero kung ako sa ‘yo ‘di ko muna ibibigay. Hindi naman masarap. Ewan ko lang kung ako lang ‘yon ah, kasi pareho kaming virgin ni Tommy kaya pareho kaming tatanga-tanga

