“Aaliyah, hindi pa ba tayo papasok sa loob?” tanong sa kanya ng Tita Donna niya, habang nagtatalo ang isip niya kung mapapa-check up pa ba siya sa doktor o hindi na. “Tita, baka po ne—“ “Ma’am Donna!” Napahinto siya sa pagsasalita at sabay pa silang napalingon nang marinig nila ang malakas na boses na nagmula sa likuran nila at nakita niyang may isang kumpol ng mga babae na iba’t iba ang mga edad na naglalakad palapit sa kanila. Halata sa mga mukha nito na excited dahil nakakita ng artista. “Ma’am, Donna buti inabutan ka pa po namin,” sabi ng isang matabang babae. Humawak pa ito sa kamay at braso ng Tita Donna niya. Dahil nagsilapitan na itong lahat sa kanila’y dumistansya na siya at mabilis na tumalikod kung sakali man na may nakakakilala sa kanya sa mga ito na anak siya ni Hugo. “Na

