CHAPTER 19

2195 Words
LEONARDO POV Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas. Pero ang alam ko—wala na si Serena sa condo ko. At mula nung nawala siya, wala na rin ako sa sarili ko. Sampung basyo ng alak sa lamesa. Dalawang babae na hindi ko maalala ang pangalan—parehong wala nang suot, parehong nakahilata sa kama ko, parang walang nangyari. Pero ako? Nakatayo lang ako sa terrace, hawak ang baso ng whiskey, habang basang-basa ng ulan ang suot kong polo. Parang tangang umaasang may babalik pa. Umaasang makikita ko ulit ‘yung mga mata niyang galit pero puno ng sakit. Ang totoo? Wala akong balak saktan siya. Pero sinaktan ko pa rin siya. At ngayon, wala na siya. Hindi sapat ang lahat ng yaman ko para habulin siya kung ayaw na niya sa ‘kin. Hindi sapat ang kahit ilang babae para burahin ang bawat halik, bawat titig, bawat gabi na pinagsaluhan namin. Ang mas masakit? Baka tama si Mira. "Akala mo ba hindi ko alam na plinano mo lahat? Na i-seduce mo siya para gantihan ‘yung nanay niya?" Oo, umpisa pa lang—galit ang dahilan kung bakit ko siya nilapitan. Pero ang hindi ko inaasahan… ay ang sarili kong pagbagsak. Ang sarili kong pagkatalo. Because I fell. And now… I’ve lost her. Ilang araw na akong hindi natutulog. Ilang gabi na akong hindi mapakali—sa couch, sa kama, sa sahig. Sa bawat sulok ng penthouse ko, amoy pa rin si Serena. Yung shampoo niya, ‘yung pabango niya na minsan kong tinawanan dahil ang girly—but now I’d give anything just to smell it again sa mismong balat niya. Nabaliw na siguro ako. At habang nakatayo ako sa terrace, hawak ang baso ng whiskey na halos hindi ko na malasahan, hindi ko naramdaman ang lamig ng ulan na bumabagsak sa katawan ko. Tuloy-tuloy lang. Tulad ng konsensyang hindi tumitigil sa pagsigaw. Tok. Tok. Tok. Isang marahang katok sa main door. Walang intercom buzz. Wala ring text. Tahimik ang mundo—maliban sa tunog ng ulan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. At bumungad si Mira. Nakapayong, pero basa pa rin ang laylayan ng trench coat niya. Pulang-pula ang lipstick, kahit walang ngiti sa labi niya. “Mira?” malamig kong tanong. “Can I come in?” she asked. “Bakit?” “I need to talk to you. It’s... important.” Napabuntong-hininga ako. Gusto ko siyang paalisin. Pero may parte sa ‘kin na napagod na ring makipaglaban. Tumabi ako at pinapasok siya. Pagpasok niya, tinanggal niya ang coat. Masinsin siyang tumingin sa paligid. Ang gulo. May bote ng alak sa lamesa, basag na baso sa sahig. “You look like s**t,” bulong niya. “Just say what you came here to say, Mira.” Tumayo siya sa gitna ng sala. Parang inaayos ang sarili bago magsimula ng eksena. Then she said it. “I’m pregnant.” Natigilan ako. Parang may humampas na malamig na hangin sa dibdib ko. Hindi ako agad nakagalaw. “Sorry?” mahina kong tanong. “I’m pregnant, Leo.” Paulit-ulit niyang sinabi, this time with a small shake in her voice. “And it’s yours.” Napaatras ako. Ilang hakbang lang. Hindi dahil sa gulat, kundi dahil sa dami ng emosyon na biglang sumabog sa loob ko. Hindi ito ang tamang oras. Hindi ito ang tamang babae. At lalong hindi ito ang tamang dahilan para makabalik siya sa buhay ko. “Mira…” nilingon ko siya. “Buntis ka raw sa ‘kin?” Tumango siya. “Yes.” “May pruweba ka?” “I’m six weeks late. I took three tests.” “That doesn’t prove it’s mine.” Nakita ko kung paanong nagbago ang ekspresyon niya. Mula sa pag-aalala, naging galit. “You really think I’d lie about this?” “Yes,” diretso kong sagot. “Kilala kita.” “You mean, you don’t trust me?” “I mean... I know what you're capable of.” Humigpit ang hawak niya sa bag niya. Tumayo siyang tuwid. Mataas ang ulo, pero nanginginig ang baba. “Nung iniwan mo ako para kay Serena, akala ko tapos na tayo. Fine. Tinanggap ko na.” “Mira—” “Pero hindi mo ba naisip?” tinuro niya ang sarili. “Ako ang una mong minahal. Ako ang kasama mo noong wala pa si Serena. And now, bigla ka na lang mawawala dahil lang—” “Because I fell in love with her,” putol ko. Tumigil siya. Namilog ang mata. Huminga siya nang malalim, pero hindi sapat iyon para itago ang sakit. “I never meant to hurt you,” dagdag ko. “But if this pregnancy is your way of getting me back—” “She’s gone, Leo. Wala na siya. And you’re still here. With me.” “Hindi tayo pareho ng iniiyak, Mira.” Nagkatinginan kami. This time, wala nang galit sa mata niya—kundi lungkot. Talo. At desperation. “I just want you to remember,” bulong niya, “na ako ang nandito nung wala pa siya." She stepped closer. “…you won’t be able to forget me.” Pagkaalis ni Mira, hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala sa pinto. Walang ibang tunog kundi ang tik-tik ng ulan sa mga bintana, ang humihikbing hangin ng aircon, at ang katahimikang mas malakas pa sa sigaw ng galit ni Serena. I thought that was it for the night. But then—DING DONG. Mas malakas. Mas may pwersa. Paulit-ulit na parang babasagin ang buong condo. Hindi na ako nag-abala pang tanungin kung sino. Inilapag ko ang baso ng whiskey sa counter, at binuksan ang pinto. And there she was. Belle Alcantara. Basang-basa ang buhok, walang payong, naka-cropped black leather jacket at ripped jeans, hawak ang cellphone sa isang kamay, pero ang tingin niya—parang bala na nakatutok sa mukha ko. “Where the f*ck is my sister?” tanong niya. Kahit alam ni Belle kong nasaan ang kapatid ny Walang pa-kumusta. Walang introduction. Wala rin akong narinig kundi ang echo ng tanong niyang ‘yon sa utak ko. “Belle…” I sighed. “You shouldn’t be here.” PAK! Isang malutong, masakit, at walang babala. Tumama ang palad niya sa pisngi ko. Umiwas ako agad, pero huli na. Mainit ang balat ko sa impact. Hindi ko alam kung dahil sa tama o sa kahihiyan. “Akala mo makakatakas ka, Leo?” singhal niya. “Akala mo pwede mong gamitin ang kapatid ko at pagkatapos ay iiwan siyang wasak?” “I never planned to hurt her.” “Stop saying that. Lahat ng salita mo, scripted. Ganyan rin ang tatay ko dati.” Napatigil ako. That name—Henry Alcantara—hindi kailangang banggitin. Nandito na siya sa pagitan naming dalawa. “She gave you everything,” dagdag niya, mas tahimik ngayon pero mas mabigat. “Alam kong virgin pa ‘yon, Leo. And I know what it means para sa kanya na ibigay ang sarili niya sa isang lalaki.” “Don’t talk to me like I didn’t care about her,” singhal ko. “Then where is she?” Belle’s voice cracked. “Nasaan siya ngayon habang iniinom mo ‘yang alak at nagpapapasok ng mga babaeng kagaya ni Mira sa bahay na ‘to?” Napakurap ako. “She left me.” “She left because you broke her. And I let it happen. Dahil akala ko… baka this time, tama na siya. Baka ikaw na nga.” “Belle—” “Wala na akong maririnig pa. Nagsinungaling ka. Ginamit mo siya para gantihan ang nanay namin.” That hit harder than the slap. She knew. Serena told her. And now—lahat ng baho, lahat ng intensyon na pilit kong binura, bumalik sa ‘kin. “Kung may natitira ka pang kunting respeto para sa kanya,” aniya, “don’t follow her. Let her breathe.” At sa huling sulyap niya sa akin, may luha sa gilid ng mata niya. Pero hindi siya nagpahalatang marupok. Belle Alcantara walked out of my condo like a storm. Tahimik. Malamig. Wala nang kailangang paliwanag. Iniwan niya akong wasak sa gitna ng gulo na ako mismo ang gumawa. Hapon na. Mahina ang sikat ng araw sa Tagaytay, parang pagod na rin sa dami ng nangyayari. Nasa terrace kami ng resthouse. Ako, nakasandal sa wooden bench habang hawak ang tasa ng salabat na niluto ni Raf. Siya naman ay tahimik, nakatingin sa malayo, sa mga ulap na parang mabibigat din ang dala. Ilang araw na rin mula nang dumating siya rito—bitbit ang sarili niyang pasensya, kalmado, at ‘yung tipikal niyang banayad na pagmamahal. Pero alam kong may bumabagabag sa kanya. “Serena,” bulong niya, habang dahan-dahang ibinaba ang tasa sa mesa. “May gusto sana akong i-offer.” Tumingin ako sa kanya. “Hmm?” “Alis tayo. Lumayo tayo. Kahit sandali lang. Kahit ilang linggo.” Napakunot ang noo ko. “Saan?” “Anywhere. Thailand. New Zealand. Italy, kung gusto mo ng bagong simula. Hindi ito para takasan mo ang lahat, pero baka makatulong na makalayo. Mula sa kanya. Mula sa lahat.” Napayuko ako. Hindi dahil sa ayoko—pero dahil alam kong sa kaloob-looban ko… hindi pa ako handang kalimutan siya. Hindi pa ako handang burahin ang lahat. Pero pagtingin ko kay Raf, kita ko ang sincerity. Hindi siya nagmamadali. Hindi rin niya ako pinipilit. “Hindi mo kailangang sumagot ngayon,” dagdag niya agad. “Pero gusto ko lang malaman mong may option ka. Na may taong handang sumama sa ‘yo kahit saan mo gustong pumunta.” “Raf…” Huminga ako nang malalim. “Ayoko muna. Hindi ko pa kayang mag-impake. Hindi ko pa kayang umalis.” Tumango siya. “Okay lang. Naiintindihan ko.” Tahimik ulit. Pero maya-maya, nagsalita siya ulit. “Pero Serena… kung sakaling magbago isip mo, nandito lang ako. Hindi ko sinasabing kailangan mo akong mahalin. Pero kung kailangan mo ng taong hindi ka iiwan habang binubuo mo ang sarili mo, ako ‘yon.” “Bakit mo ‘to ginagawa?” mahina kong tanong. “Dahil mahal kita,” sagot niya. “At dahil hindi ko kaya kang panooring masaktan nang hindi ko sinusubukang maging dahilan ng kahit kaunting ginhawa.” Napatingin ako sa kanya—at sa loob ng ilang segundo, wala akong nasabi. Pero naramdaman ko ‘yung pasasalamat. Naroon pa rin ang sakit. Ang kirot. Ang bigat sa dibdib. Pero sa harap ng lalaking ito… naroon din ang kapayapaan. “Hindi muna ngayon,” ulit ko. “Pero salamat. Kasi… hindi mo ako pinilit. Hindi mo ako iniwan.” “Never,” bulong niya. “One day at a time. Kahit hindi tayo aalis ngayon… andito lang ako.” Ngumiti ako, kahit may luha sa mata. Maybe I wasn’t healed. But maybe… I was starting to hope again. Pagkatapos ng ilang araw sa Tagaytay, sa mga tahimik na umagang walang Leo, at mga gabing walang hinahanap na yakap… dahan-dahan kong tinanggap sa sarili ko ang katotohanan. Iniwan ko siya. At ngayon, ako na lang ulit. Pero sa bawat araw na kasama ko si Raf—na hindi humihingi ng kapalit, hindi nagmamadali, hindi nagtatanong kung kailan ako magiging buo ulit—unti-unti akong humihinga. Hindi pa ako buo. Pero hindi na rin ako wasak tulad ng dati. Kaya nang muling dumaan siya sa terrace ng resthouse, bitbit ang dalawang tasa ng kape at isang banayad na ngiti, alam kong panahon na para sabihin ang kailangan kong sabihin. "Raf," tawag ko habang naupo siya sa tabi ko. "Napag-isipan ko na." Tumingin siya sa akin, kalmado, hindi excited, hindi rin tensyonado. Parang kahit anong sabihin ko, tatanggapin niya. "Ready na akong… subukang mag-move on," mahina pero klaro kong sabi. Napalunok siya. "Sigurado ka?" "Sigurado akong gusto kong subukan. Hindi ko pa kayang magmahal ulit, Raf. Hindi ko rin alam kung kailan ako magiging handa. Pero ayokong manatili sa lugar na ito kung saan paulit-ulit kong sinasaktan ang sarili ko kakaisip sa kanya." Tahimik siya sandali. Pero kita sa mga mata niya ang liwanag. Hindi ng pag-asa para sa sarili niya—kundi para sa akin. "That’s all I need to hear," sagot niya sa wakas. "Kahit ilang buwan pa. Kahit taon. Kahit friends lang muna tayo, Serena. Kahit sandalan lang. Hinding-hindi ako aalis." Napayuko ako, pinilit pigilan ang luha. "Salamat, Raf. Kasi hindi mo ako ginipit. Hindi mo ako pinilit. Kasi… ikaw lang ang taong hindi ako ginamit sa buong gulong ‘to." Hinawakan niya ang kamay ko, marahan. "Ang mahalaga, ikaw pa rin ‘yan. Buhay. Lumalaban. At handang sumubok ulit kahit masakit pa." Tumingin ako sa kanya. "Simula ngayon… I’ll try. One day at a time." Ngumiti siya. "That’s all we need." Sa unang pagkakataon mula nang umalis ako kay Leo… nakaramdam ako ng konting liwanag. Hindi ito kwento ng happily ever after—hindi pa. Pero ito ang simula ng bagong pahina. At kahit hindi ko pa mabura si Leo sa puso ko… handa na akong harapin ang buhay na wala siya sa tabi ko. Kahit ngayon lang. Kahit dahan-dahan lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD