CHAPTER 20

2905 Words
Hindi ko alam kung kailan naging desidido ang puso ko. Walang eksaktong araw. Walang eksaktong sandali. Pero isang umaga, habang nakatitig ako sa bintana ng kwarto sa Tagaytay at nakikita ang ulap na gumagapang sa bundok, alam ko na. Panahon na. Panahon na para tuluyang talikuran ang lahat ng iniwan ko sa Maynila—pati siya. Pero hindi ako aalis nang walang kahit isang salita. Kahit wala akong lakas ng loob na harapin si Leo muli, hindi ko siya kayang iwan nang walang katapusan. Hindi ko rin siya kayang kalimutan nang parang wala lang nangyari. Kaya nagsulat ako. Sa isang simpleng stationery, gamit ang ballpen na unang ginamit niya sa kontrata namin—ilang buwan lang ang nakalipas pero pakiramdam ko'y isang buong buhay na. Leo, You awakened me. You made me feel things I never thought I was allowed to feel. Desire. Rebellion. Passion. Love. And then you destroyed me. I don’t know what was real between us anymore. But I do know what I felt was real. And that’s why I have to leave. I need to find myself again. Not as your toy. Not as my mother’s daughter. Not even as a lawyer. But as a woman who once burned for you… and is now learning how to rise from the ashes. Don’t look for me. Don’t wait. Goodbye. – Serena Tiniklop ko ang sulat, inilagay sa envelope, at inabot kay Belle habang nasa lobby kami ng tinutuluyan sa Maynila. “Sigurado ka?” tanong niya. Tumango ako. "Ayoko na. Hindi dahil hindi ko siya mahal… kundi dahil sobra ang sakit." Tahimik na tumango si Belle. Hindi siya nagtanong pa. Sa airport, habang nakasiksik ako sa tabi ni Raf sa waiting lounge, mahigpit ang pagkakahawak ko sa tiket. Flight to Paris. Walang drama. Walang yakapan o sigawan o habulan sa terminal. Tahimik lang akong lumipad, dala ang isang pusong basag, at ang munting pag-asa na sa kabilang dulo ng mundo… baka doon ko muling mabuo ang sarili ko. Baka doon, sa lungsod ng liwanag, matutunan kong tanggapin ang dilim na iniwan niya. Tahimik lang si Raf nung inabot niya sa ‘kin ang itinerary. Wala siyang pressure. Wala siyang pangako ng happily ever after. Wala siyang “pilitin mo ‘kong mahalin.” Ang meron lang siya… ay ang pananatili. “Nandito lang ako,” sabi niya, habang nakaupo kami sa waiting area ng NAIA. “Kahit hindi mo pa kayang ngumiti. Kahit hindi mo pa kayang mahalin. Basta alam mong hindi kita iiwan.” Napatingin ako sa kanya. Ang lalim ng mga mata niya, pero kalmado. Hindi gaya ng kay Leo—puno ng apoy, ng galit, ng misteryo. Kay Raf, may liwanag. Hindi kasing-intense. Pero totoo. “Thank you,” bulong ko. “Kailangan ko lang talaga ng simula.” “Then let Paris be that beginning,” sagot niya, habang inaabot ang kamay ko. Hinawakan ko. Hindi romantiko. Hindi rin platonic. Kundi isang tahimik na pag-unawa. Nasa eroplano na kami nang tuluyang pumatak ang luha ko. Nakatitig ako sa ulap sa labas, habang unti-unting lumiliit ang mga ilaw ng Maynila sa ibaba. Parang ganun din ang nararamdaman ko—unti-unting lumiliit ang bigat sa dibdib ko. Pero hindi ibig sabihin na wala na. “Okay ka lang?” tanong ni Raf, nakalingon sa ‘kin habang may earphones sa isa niyang tainga. Tumango ako, kahit basang-basa ang pisngi ko. “Okay lang akong hindi okay.” Hinawakan niya ulit ang kamay ko. At sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari kay Leo… Hinayaan kong may humawak ulit sa ‘kin nang walang takot. Walang kondisyon. Walang kontrata. Just air, altitude, and the aching promise of something—anything—new. LEONARDO POV Tahimik ang buong unit. Pero ang katahimikan… parang sigaw. Walang Serena. Walang bakas ng halakhak niya, ng pabango niya, ng mga yapak niya sa marble flooring. Ang naiwan lang ay malamig na hangin at isang sulat na nakapatong sa gitna ng kama namin—sa kama kung saan ko siyang minahal, at winasak. Puting sobre. Walang pangalan. Walang cologne. Walang kahit anong palatandaan ng damdamin. Pero alam kong galing sa kanya. Nilamon ako ng kaba habang unti-unti kong binubuksan ‘yon. Tumambad ang ilang linya sa loob. “Leo, You awakened me, then destroyed me. Thank you for showing me what it felt like to be alive—only to remind me what it meant to be broken.” —S.” Wala na akong ibang nabasa pa. Kumunot ang papel sa kamay ko habang napaupo ako sa kama. Hindi ko na napigilang isubsob ang mukha ko sa mga palad ko. Tangina. She was really gone. Hindi ito ‘yung tampuhan na susundan ng halikan. Hindi ito ‘yung galit na may kasunod na s*x sa dingding. This was it. Finale. Ang huling kabanata ng ako at siya—at ako lang ang may kasalanan kung bakit nasira ang lahat. Dahil totoo. Ginising ko siya. Pinaibig ko siya. Pinatikim ko sa kanya ang lahat ng ako—lahat ng init, ng lambing, ng kagaspangan, ng pagkalinga. And then I broke her. Not because I didn’t love her. But because I loved her after I already planned to ruin her. At kahit alam kong totoo ang nararamdaman ko ngayon… Hindi ko na alam kung sapat pa ‘yon. Hindi ako umiiyak. Pero nang tiningnan ko ang reflection ko sa salamin—parang ibang tao ang nandoon. Pagod. Malalim ang eyebags. Magulo ang buhok. May bakas ng luha na hindi ko naramdaman habang bumabagsak. Tumayo ako, lumapit sa cabinet sa ilalim ng shelf ng bar. Hinugot ko ang folder—‘yung matagal ko nang hindi binubuksan. Case file. Camille Montenegro. Date of Death: September 1999. Manner: Presumed overdose. Status: Closed. Pinagmasdan ko ‘yung red ink na nakatimbre sa taas ng page. Closed. Pero sa loob-loob ko… Hindi pa tapos. Hindi ako titigil. Dahil kung ito ang ugat ng lahat—ang pagkamatay ng ina ko, ang galit ni Adelina, ang paghihiganti ko, ang pagkasira ko kay Serena… Then I need the truth. Lahat ng kasinungalingan, dapat nang hukayin. Kahit pa ang katotohanan… ay ang huling bagay na kaya ko pang harapin. Nakatitig lang ako sa lumang folder na hawak ko, habang dahan-dahan kong binubuksan ang bawat pahina. Camille Montenegro. My mother. My mystery. Halos dalawampung taon na ang lumipas pero hanggang ngayon, kulob pa rin sa alikabok ng kasinungalingan ang lahat ng tungkol sa pagkamatay niya. Official report: overdose. Ang sabi, depressed daw. Self-inflicted. Pero kahit kailan, hindi ko ‘yon matanggap. Camille Montenegro was many things—brilliant, fierce, elegant. Pero duwag? Never. Kaya ngayon, habang wala na si Serena… ito na lang ang meron ako. Ang paghahanap ng totoo. Humugot ako ng laptop mula sa ilalim ng drawer. Inilabas ko ang mga dating files na pinasilip sa akin ng isang private investigator noon, pero hindi ko pinansin. Noon, galit lang ang inuna ko. Pero ngayon… mas malalim na ang dahilan. Habang nagba-browse ako ng records, tiningnan ko ulit ang mga notes sa police file. “Found unresponsive in private suite.” “Pill bottles by the bed.” “No sign of forced entry.” “Case closed by mutual consent of both Montenegro and Alcantara parties.” Napahinto ako. Alcantara? Hindi lang pamilya namin ang pumirma para ipa-close ang kaso… kundi pati ang Alcantara? Biglang sumikip ang dibdib ko. Pucha. Adelina. Adelina was there. Napaupo ako ulit sa sahig. Hinila ko ang isa pang folder—'yung hindi ko pa binubuksan dati. Confidential copy. Nakuha ng PI na hindi ko na binayaran noon kasi hindi ko na kaya pang harapin. Pero ngayon… binuksan ko na. A letter. Galing sa isang dating housemaid sa Montenegro estate. Dated years after Camille died. “Nakita ko po noon si Ma’am Camille na umiiyak. May babaeng dumalaw. May pangalan po siyang binanggit—Adelina. Sinabi ni Ma’am na ‘wag akong magsalita kahit kanino.” “Nang araw na namatay si Ma’am, narinig ko silang nagtatalo. Matagal. Maingay. Matapos no’n… natahimik.” Nanigas ang batok ko habang binabasa ang confession. My blood ran cold. Hindi lang simpleng affair ang nangyari noon. Hindi lang simpleng selos. Hindi lang simpleng sakit. This was war. And someone made sure Camille would never speak again. Tumayo ako, hawak ang papel, at tiningnan ang sarili ko sa salamin. I looked like hell. Pero isa lang ang malinaw sa ‘kin ngayon. If Adelina Alcantara had anything to do with my mother’s death… Then lahat ng ginawa ko kay Serena… Was just the surface of a much darker ocean. Label sa harap: CAMILLE MONTENEGRO – FINAL FILES Pero ang mas pumukaw sa pansin ko? Isang folder sa ilalim: SUBJECT: MIRA CRUZ — CONNECTION TO A.A. Adelina Alcantara. Namilog ang mga mata ko. Napaupo ako. Binuksan ko ang folder. At ang mundo ko ay parang biglang sumikip. Mga tawag. Mga transaksyon. Bank logs. Ilang beses nagkita sina Mira at Adelina sa parehong private club. May mga video captures pa—si Mira, papasok sa isang black SUV. Registration? Nakapangalan sa Alcantara Holdings. Mira... was working with her all along. Tumayo ako. Nagsisigaw ako kahit wala namang kasama. "PUTA—!" Napalakas ang suntok ko sa dingding, bagamat pilit kong kinontrol ang galit—“Tangina!” Hindi ko na napigilan. Akala ko siya lang ang baliw. Akala ko, she was just an obsessed ex, lost in her own madness. Pero hindi. Ginamit siya ni Adelina. Ginamit siya para manipulahin ako, si Serena, ang buong damn sitwasyon namin. So that if I ever fell for Serena... it would all fall apart anyway. "You dirty f*****g liar," bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang larawan nila—si Mira at si Adelina, magkasama sa isang table, nakangiti. Pinlano nila ang lahat. Pinlano nilang masira ang tiwala ni Serena sa akin. Pinlano nilang masira ako. At ang pinakamalaking kasalanan ko? Naging bahagi ako ng plano. I played the f*****g game. I seduced Serena. I lied. I kept things from her. Pero minahal ko siya. God, minahal ko siya sa paraang hindi ko pa minahal ang kahit sino sa buong buhay ko. At ngayon… Nasa Paris na siya. Kasama ang lalaking matagal nang umaaligid sa kanya. Hindi ko siya masisisi kung hindi na siya babalik. Pero hindi pa ako tapos. Hindi pa ‘to tapos. Because now that I know what Adelina did… what Mira was paid to do… I will burn every lie they built. At kukunin ko si Serena pabalik. Kahit lumuhod ako sa harap niya. Kahit hindi niya na ako mahalin. Kahit wasak na wasak na ako sa dulo. Because she’s the only truth I’ve ever wanted. Sa paghahanap ko pa ng mga ebidensya na makapagdidiin kay Adelina. Lahat ng mga pangalan, petsa, at address ay isa isa kong iniikot ko mula sa mga lumang empleyado ng Alcantara estate. Lahat halos takot magsalita. Pero isang pangalan ang paulit-ulit na lumilitaw—Myrna. Dating kasambahay ng Alcantara noong late 90s. At nung araw na nahagilap ko kung nasaan siya… alam kong malapit na ako. Isang barong-barong sa Nueva Ecija. Matanda na si Aling Myrna. Puting-puti na ang buhok. Pero nang banggitin ko ang pangalang Camille Montenegro, biglang lumamlam ang mata niya. “Totoo nga po... anak ka ni Camille?” Nanlaki ang mata ko. “Alam mo ‘yung nangyari sa kanya, ‘di ba?” Tahimik siya. Nangangatog ang mga kamay. Pero makalipas ang ilang minuto, tumango siya, at tumayo. Kinuha niya ang isang lumang kahon mula sa ilalim ng aparador. “Matagal ko nang itinago ‘to,” sabi niya. “Akala ko… mamamatay na lang akong dala ang sikreto.” Binuksan niya ang kahon. Lumang larawan. Liham. At isang tape recorder. Pero ang pinakamasakit? Ang salaysay niya. “Gabi po ‘yon ng July 18,” umpisa niya. “Narinig ko pong nag-aaway sina Madam Camille at si Madam Adelina. Tungkol po kay Sir Henry. Nagbanta si Madam Adelina… na kung hindi titigil si Camille, siya mismo ang tatapos sa lahat.” Napalunok ako. “Hindi ko po agad inisip na literal niya ‘yon ibig sabihin. Pero nung gabing ‘yon… nakita ko po sila sa veranda.” Tumigil siya. Nanginginig na ang boses. “Si Madam Camille… itinulak po ni Madam Adelina. Napasigaw. Pero huli na.” Humigpit ang kamao ko. Nanikip ang dibdib ko. Parang may bumagsak sa loob ng katawan ko—hindi lang galit. Kundi pagkawala. “Nung sumunod na araw… sinabing aksidente. Walang nakakita. Pero ako… ako po ang saksi.” “Bakit hindi ka nagsalita?” tanong ko, nanginginig ang tinig. “Binigyan po ako ng pera para manahimik. Pinatago. Pinalayo. Pati pamilya ko, tinakot nila. Pero araw-araw... araw-araw akong kinakain ng konsensya.” Tahimik lang ako. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. My mother… didn’t fall. She was pushed. And the woman who did it—was Serena’s mother. I clenched my fists. Huminga nang malalim. Wala na akong dapat ipag-alinlangan. Adelina Alcantara murdered my mother. And now... she will pay. Ilang araw na mula nang marinig ko ang buong kwento ni Aling Myrna. Hindi ko iyon nakalimutan. Hindi rin ako nagpadalos-dalos. Because this time, I wouldn’t let emotions ruin me. I already lost Serena. I wouldn’t lose justice for Camille. So I did what I do best— I planned. Tahimik. Matagal. Mabagal. At sigurado. Una kong ginawa: kinuha ko si Aling Myrna. Dinala ko siya sa isang ligtas na lugar sa Tagaytay—hindi resort, hindi hotel. Isang private property na hindi konektado sa Montenegro Group. Walang makaka-trace. May doktor. May legal team. May private investigator. I had her protected. And then I called Attorney Vergara—ang pinaka-loyal kong fixer. "Prepare a sworn affidavit. Record her statement. I want copies, timestamped, notarized, and ready for trial—even if we don’t reach that point." "Trial, sir?" "Hindi pa ngayon," sagot ko. "But we prepare. Quietly." Next move: I reopened Camille’s death certificate. Gumamit ako ng legal leverage para i-access ang lumang autopsy files sa ospital na pinagdala sa kanya noon. At doon, unti-unti kong pinagtahi-tahi ang hindi kayang itahi ng batas noon—punit ang blusa ni Camille, may basag sa tadyang, at may hematoma sa likod ng ulo. Foul play. But covered up. Binayaran. And I knew exactly who had the power to do that in 1997. Adelina Alcantara. Isinunod ko ang financial trails. Gamit ang aking private auditing team, trinace ko ang under-the-table transfers from Alcantara Realty to two of the original investigating officers. And guess what? Parehong retired. Parehong may beach house sa Spain na hindi tugma sa retirement pay nila. Bingo. At habang ginagawa ko ang lahat ng ito— Tahimik akong ngumiti. Because I wasn’t planning revenge the way I used to. No. This time, it wasn’t about breaking Serena. It was about destroying Adelina. And when I take her down… I’ll make sure Serena knows the truth. Not to win her back. But to free her from the monster who raised her. Wala akong kausap kundi ang sarili ko tuwing gabi. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga mata ni Camille… ang huling sandali ng buhay niya… ang sigaw niyang walang nakarinig— Lalo akong tumitibay. I wasn’t just her son anymore. I was her justice. And no amount of silence from the Alcantaras could protect them now. 9:42 AM. Nasa loob ako ng courtroom, pero hindi bilang abogado. I was the complainant. Ang mga press ay wala. Ayoko ng circus. Confidential hearing. Sealed documents. Pero malinaw ang mga layunin ko—ilabas ang kasinungalingan sa liwanag. Adelina Alcantara. The name that once silenced everyone in business and politics—ngayon, paulit-ulit na binibigkas ng mga legal aide habang inaayos ang warrant of arrest. I watched her from a one-way mirror as she entered the building—suot ang paborito niyang white silk blouse, dark sunglasses, at ang peke niyang grace. But I saw it. The crack in her composure. Alam niyang may paparating. Hindi lang niya inasahan na ako. Ako ang hahatak sa kanya pababa mula sa pedestal. “Mr. Montenegro, all documents are in place. Witnesses are under protection. We’re ready to move,” bulong ng abogado ko. Tumango ako. “Then make the arrest clean,” sagot ko. “Walang gulo. Walang press. Let her dignity rot privately.” 10:06 AM. Sa loob ng opisina niya sa Alcantara Holdings, habang abala siya sa pag-meeting sa board, pumasok ang dalawang agent ng NBI. “Mrs. Adelina Alcantara,” sabi ng lalaki. “We have a warrant for your arrest. Charges: obstruction of justice, conspiracy, and homicide through suppression of evidence.” Napalingon siya—pero hindi bumagsak ang maskara niya. Not yet. “I demand to speak to my lawyer—” “You may do so, ma’am. But you’re coming with us now.” Tinanggal ng agent ang mga kwintas ng ID sa leeg niya. Isinuot ang posas. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon— Ang reyna ng high society ay tinrato na parang ordinaryong kriminal. I watched it all on a hidden monitor. Hindi ako gumalaw. Hindi rin ako ngumiti. Because this wasn’t victory. This was reclamation. Para kay Camille. Para sa lahat ng binura ni Adelina para lang protektahan ang pekeng mundo niya. Bumalik ako sa upuan ko, tumitig sa baso ng tubig sa harap ko, at saka mahina kong binulong: “This is only the beginning.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD