Kabanata 42: Kamao

1385 Words

2027 “Bagay ba sa kanya ‘yung salamin?”pangungutya ng lalaki. “Sorry, boi,”sabi ni Jerry. Tiningnan siya ni Vincent. “Pinatay niya ‘yung isa n’yong kasama. Ba’t ka nagso-sorry sa kanya?” hindi siya sinagot ni Jerry. “Di ba siya ang pumatay kay Ricky?” Nakita ni Vincent ang nangyari kay Jerry. Bali ang tatlong daliri nito sa kanang kamay. Malamang ay ito ang dahilan ng pagsigaw ng kaibigan. Sa tiyan naman nito ay may nakabaong kutsilyo. Switchblade na katulad ng hawak ng lalaki ngayon. “Gusto kong makita niya na dumaloy ang dugo sa leeg mo. Gusto ko ang huli n’yong makikita ay ang isa’t isa na unti-unting binabawian ng buhay.” Mas diniinan pa nito ang sakal kay Vincent. Inuutusan ng utak ni Vincent na gumalaw ang kanyang mga braso, pero hindi sumusunod ang mga ito. May kakaiba sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD