Kabanata 28: Police Station

1419 Words

2015 Bumalik sina Louis at Vincent sa bahay ni Mang Pol at sinabi ang napag-usapan nila ni Jose. Sinabi nila na mamaya ay tatawag o magte-text ito para ipaalam kung puwede na nilang sabihin sa kakilalang pulis ni Jose ang mga impormasiyong kailangan. Hinintay nila ang tawag ni Jose. At nang tumunog na ang cell phone ni Louis, agad niya itong sinagot. Sinabi niya sa mga kasama na nakausap na ni Jose ang kasama niya sa serbisiyo at handa na raw sila na marinig ang kanilang kuwento. Pero no’ng hapon na ‘yon, biglang sumama ang pakiramdam ni Mang Pol dahil magdamag itong nabilad sa araw kakatrabaho at sinabing magpapahinga muna siya at hindi makakasama. “Ba’t hindi na lang sila ang papuntahin dito?” tanong pa niya. “Oo nga,” sabi ni Ricky. “Ba’t tayo pa ang kailangang pumunta sa kanila?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD