2027 “Sige lang,” sabi ni Mang Ramon. “Maluwag naman dine’t wala naman akong sasakyan.” Nagpaalam si Jerry na makikiparada. Pumunta siya sa pinaradahan niyang motel at dinala ang sasakyan niya rito. Magkatabing nakaparada ang sasakyan ni Jerry at sasakyan ni Ricky. Hindi nakatakas ang tatlong magkakaibigan sa alok ni Mang Ramon na tanghalian. Tuwang-tuwa ito nang makita nang malalaki na ang mga dating binata. Nalungkot din siya sa balitang patay na ang dalawa sa kanila. Nag-alok si Mang Ramon ng beer sa kanila, pero si Ricky lang ang tumanggap. “HIndi kayo umiinom?” tanong niya kina Vincent at Benjie. “Tinigil ko na,” sagot ni Vincent. “Ako naman, simula’t simula pa hindi naman talaga ako umiinom,” sagot ni Benjie. “Ako lang naman ang matino sa ‘min.” “Nasa’n nga pala ‘yung isa n’y

