2027 Maraming tao sa burol. Nag-iisa si Vincent sa sulok sa lilm ng tolda, kumakain ng cornick at mani. Maraming tao ang nakiramay sa pamilya. Sa ilalim ng tolda ay ang mga lamesa kung saan nagsusugal ang ilang kamag-anak at kaibigan ng namatay. Maririnig ang tawanan sa grupo nila sa tuwing may mananalo’t may matatalo. Inalok siya ng isang babae ng kape, pero tumanggi siya dahil hindi rin maganda ang takbo ng kanyang sikmura. Nakaupo lang siya sa dulo at naghihintay sa kaibigan na dumating. Nilapitan siya ng isang matabang lalaki at tinanong, “kaano-ano mo ‘yung namatay?” “Kaibigan po. Matagal na.” “Ah... nakita kasi kita medyo kahawig mo. ‘Kala ko anak ka niya,” pagkasabi nito ay umalis na ang lalaki at pumasok sa loob. Makikitang nag-aabot siya ng mga kape at tinapay sa mga tao.

