2015 Hindi napigilan ni Ricky at Jerry ang masuka nang makita ang mga bangkay. May ilang talsik ng dugo ang napunta sa kanilang mga mukha at agad nilang pinunasan ang mga ito. Napasigaw naman si Louis nang makitang kumurap pa ang mga mata ng kapitan. Hindi makapaniwala si Vincent sa nangyari. Iniligtas sila ng mismong tao na ilang araw na silang tinutugis para patayin. Ang kalbong nakasakay sa motor. Natatanaw niya ang duguang malaking itak. Tumutulo ang dugo mula sa talim hanggang sa daanan. Sa kabila ng nangyari, alam niyang hindi nila kakampi ito. Sa susunod na pagkakataon ay maaaring ulo na nila ang mahiwalay sa kanilang katawan. Nagsama-sama ang mga magkakaibigan sa iisang tumpok, hindi alam ang gagawin. Kumilos agad si Vincent at kinuha ang baril ng kapitan. Baretta rin katula

