2015 “Kuya! Tinago mo ‘yung bola ko, eh!” Malakas at tuluy-tuloy ang katok ni Andrew sa pinto ng kuwarto niya. Kinandado niya ang pinto para hindi siya maistorbo, pero hindi nagpapatinag ang kapatid niya. “Kuya! Susumbong kita kay mama ‘pag di mo binigay bola ko!” Wala siyang balak na pansinin ang kapatid. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina nang puntahan siya ng nanay niya sa bahay ni Mang Pol. Pakiramdam niya ay parang nanatili pa rin sa pisngi niya ang sampal ng nanay niya. Ang mas masakit ay nangyari pa ito sa harap ng mga kaibigan niya. Biglang bumaba ang tingin niya sa sarili niya. Hindi rin niya magawang magalit sa nanay niya dahil inaamin naman niya ang kanyang pagkakamali, pero iba pa rin ang dating sa kanya ng nangyari. Hindi siya naghapunan ngayong gabi. Gu

