Chapter 1

1022 Words
Halila's POV "Gumising ka na raw, Halila! Kanina ka pa tinatawag ni nanay sa 'baba!" rinig kong malakas na sigaw ng ate ko mula sa labas ng kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon 'saka humikab. "L-Lalabas na!" sigaw ko pabalik at kinusot ang mata. "Ang pangit ng panaginip ko kagabi. Biruin mo, may nakasalamuha akong gwapong bakla at mayaman pa," umiling-iling ako habang inaalala 'yung panaginip ko kagabi. Akala ko talaga totoo ang lahat ng 'yon dahil tila nararamdaman ko 'yung malakas na pag hila sa akin ng baklang 'yon. Ang sakit sa anit, kingina. "Hinabol pa ako ng mga gurang," Napahiga muli ako sa kama ko habang nakatingala sa kisame. Para talagang totoo 'yung nangyari sa panaginip ko, at kung magka-totoo man 'yon? Sigurado akong ipapakulong ako ng baklang iyon dahil sa pagpasok ko sa mamahalin niyang sasakyan. "Buti na lang panaginip ang lahat ng 'yon!" "Halila! Bumangon ka na sabi riyan! Makukunan ako sa kakasigaw sa'yong bata ka!" "Oo na!" malakas na sigaw ko. Bumaba ako ng kama 'saka binuksan ang pinto. Bumungad naman sa akin ang nakabusangot na mukha ni ate Juana, malaki na ang tiyan niya ngayon at sa tingin ko'y malapit na siyang manganak. "Tinanghali ka yata ng gising ngayon, Halila." Tinaasan niya ako ng kilay. Napakamot naman ako sa ulo ko. "Medyo masama lang talaga ang nangyari sa panaginip ko, siya nga pala, ate, anong oras na ba?" Kailangan ko pa kasing maghanap ng trabaho ngayon. Matanda na si nanay at si ate naman ay buntis tapos iniwan pa siya ni Dulfo, 'yung lalaking naka-buntis sa kaniya. No choice ako kundi mag trabaho at bigyan ng makakain ang pamilya ko. Gusto ko din mag-aral. "Mag aalas-otso na, Halila. Bumaba kana roon." Tumango ako. Bumaba ako sa kahoy naming hagdan. Hindi naman masyadong mahaba ang hagdan namin, limang hakbang lang makakapunta na agad sa maliit naming kusina. Hindi ako pinanganak na mayaman pero gusto ko talagang maging mayaman, katulad roon sa gwapong bakla na nasa panaginip ko kagabi, grabe, ang yaman-yaman ng baklang iyon, pero sayang dahil girlalu siya. Tiyak akong maraming magkakagusto roon. "Magandang umaga, 'nay!" Bati ko kay nanay sabay yakap sa kaniya. "Tinanghali ka yata ngayon, anak? Pagod na pagod ka talaga 'noh?" ngumiti si nanay at ginulo ang buhok ko. Ngumuso naman ako 'saka umupo sa upuan. Kahit na simple lang 'tong buhay namin. Masaya parin ako. Matagal nang hiwalay si tatay at nanay, may sariling pamilya na kasi si tatay sa ibang bansa at kami na lamang ang natirang pamilya ni nanay. Ayoko rin namang sumama sa kaniya dahil ayokong makilala ang bagong pamilya niya kahit hindi ko pa nakikita. Basta, ayoko lang. *** "Nakahanap ka na ba ng trabaho, Ella?" tanong ni Marites. Ang kaibigan kong pinaglihi yata kay Marites dahil sa sobrang daldal niya at chismosa pa. 'Yung issue nga tungkol kina Eston at Lara ay alam na alam niya, may skandal kasi ang dalawang iyon. Balita ko rin myembro sila ng pornhub. Kakaloka, gagawin talaga para sa pera. "Wala parin eh. May alam ka ba riyan na pwede kong pasukan kahit pansamantala lang?" "Sa club ni Aling Pasing! Sasayaw ka lang naman sa dancefloor at kikita kana," "Jusko! Ayoko!" "Daming arte neto!" Sinundot niya ang tagiliran ko pero umangal ako. "Ayoko roon, Marites. Ayoko pang isuko ang watawat ng Pilipinas!" "Gago! Suko agad? Hindi ba pwedeng tikim-tikim mu-Aray!" hindi niya natapos ang sasabihin nang mabilis ko siyang binatukan sa ulo. 'To talagang babaeng 'to loka-loka. "Sinabi ko na sa'yo noon pa na para lang sa ceo na umiigting na mafia boss itong kipay ko, kaya't its a big NO!" "Para namang may makikita kang gan'yan rito sa Pilipinas, Halila." "Meron naman siguro, Marites." "Himala na lang talaga kapag may mahanap ka, Halila," binalingan ko siya ng tingin. "Kamusta na kayong dalawa ni Ronald?" mabuti pa 'tong gagang 'to may jowabels na, samantalang ako ay hanggang landi-landi lang. Wala pa talaga akong balak magka-jowa ngayon, hinihintay ko pa kasi ang Mr. Right ko. Siguro na traffic pa siya ngayon. "Break na yata kami?" "Hindi mo alam?" "Gaga! Syempre kami parin 'noh!" Sanaol. Bumuntong hininga ako. Dinampot ko ang selpon na nasa tabi ko 'saka tiningnan ang oras. May oras pa ako para maghanap ng trabaho, mukhang hindi ako matutulungan ni Marites ngayon. Ang hirap maghanap ng trabaho lalo na't hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral. "May sasa-" "Wala akong oras sa sasabihin mo Marites, kailangan ko ng trabaho ngayon. Namumulubi na talaga ang pamilya namin, 'saka buntis si ate Juana." Sumandal ako sa upuan. Ano na ang gagawin ko ngayon? "Trabaho 'to Halila at matino 'to!" Nabalikwas naman ako nang marinig ko ang sinabi niya. "Ano?! Anong klaseng trabaho?!" tanong ko habang hinahawakan ang kaniyang kamay. Sana matino na 'to, kailangan ko talaga ng pera at gusto ko ring mag-aral kahit sa hindi magandang eskwlehan, basta makapag-tapos lang ako. Pero sa tingin ko'y matatagalan pa ako roon ngunit hindi ako susuko. "Balita ko naghahanap ng kasamabahay 'yon pamilyang Vela Rosa, diyan sa kabilang subdivision," saad niya. "Alam mo ba kung saan 'yon?" ngayon ko lang narinig ang pamilyang Vela Rosa na 'yan. Mukhang mayaman. "Syempre! Kilala ang pamilya nila rito eh, sobrang yaman nila, Halila. Gusto ko ring mag trabaho sa kanila pero may pasok pala ako kaya't ikaw na lang!" Tila nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya. "Maraming salamat, Marites! Utang na loob ko 'to sa'yo! Balang araw masusuklian rin kita sa kaba-" "Ang oa mo ah, 'wag mo na akong suklian, Halila. Alam kong hirap na hirap kayo ngayon, tulong ko na sa'yo 'to." Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Hindi ko naman mapigilang hindi mapaluha, sobrang bait ni Marites kahit chismosa at wala siyang kwentang kausap minsan. "Ang pangit mong umiyak ah! Mas lalo kang umitim." gigil na saad niya kaya't tinawanan ko na lamang siya. Hindi niya alam ang totoo kong kulay. Hindi ako maitim, maputi ang balat ko at makinis. Sa katunayan hindi ako nagmana kina nanay at ate, ako lang talaga ang naiiba sa kanila ngunit pantay naman ang pagmamahal na binigay sa akin ni nanay. "Oh siya, ihahatid kita roon!" "Salamat!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD