bc

Accidentally Inlove With A Gay[COMPLETED]

book_age18+
1.1K
FOLLOW
2.7K
READ
billionaire
self-improved
confident
student
sweet
bxg
campus
lies
war
turning gay
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa batas na mayroon ang pamilya Alderman. Hindi maiwasan ni Vernise na isipin kung bakit ganu'n ang pamilya nila. Bakit kailangan niya pang magpakasal gayong may iba siyang gusto. Dahil sa kagustuhang lumayo ni Vernise, sumama siya kay Kajik. Dinala siya nito sa isang lugar na kung saan tahimik naninirahan si Kajik. Ngunit sa kabila ng kanilang pagsasama mayroon talagang kapalit. Kailangang lumayo ni Vernise mula kay Kajik, kapag hindi siya lumayo mamamatay ang kaniyang minamahal.

Lumayo siya, kahit masakit. Tiniis niyang pakisamahan ang kalaban para sa kaniya. Dahil 'yon ang sa tingin niyang solusyon para maiwasan ang gulo.

Pero isang pangyayari ang hindi niya inaasahang mangyari...

At 'yun ang dahilan kung bakit lumabas ang isang Halila Ella Montague sa kwento.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Balut po kayo diyan! Balut po! Bente pesos lang po!" andito ako ngayon sa kalsada naglalako ng balut ni Aling Pasing. May utang kasi akong isang milyon, charot! Sengkwenta lang pala hihi. 'Yun nga nagka-utang ako sa matandang 'yon kaya't heto ako ngayon nagtitinda ng balut. "Balut po kayo diyan mga kuya! Ate! Kapag matitikman niyo 'to ay makakalimutan niyo po kung sino kayo!" Lumapit ako roon sa nagkukumpulang tambay. Bale mga liman silang lalaki at nag-iinuman. Dahan-dahan akong lumapit. "Mga kuya! Bili na po kayo! Mura lang!" malakas na sigaw ko sabay lapag nang basket sa harapan nila kaya't sabay silang nag-angatan ng ulo. Napasinghap naman ako lalo na't nakikita ko ang masamang espiritu na bumabalot sa pagkatao nila. O M G! "K-Kuya, b-balut po bente lang..." ngumiwi ako. Medyo kinakabahan rin ako dahil sa mga tingin nilang nakakamatay. Jusko lord ayoko pa pong mamatay sa earth na hindi pa nagkakajowa, gusto ko pa pong makapag-tapos at mag-asawa ng lalaking ceo, na umiigting ang panga at isang mafia boss, huhuhu. "Magk-" "Kuya! Aalis na lang pala ako!" Akmang hihilahin ko na sana ang basket nang pigilan ako ng isang lalaki. Sobrang tangkad niya at amoy na amoy ko ang asim mula sa kilikili niya. Jusko naman. Ang baho, piste! "Magkano, iha?" tanong niya. Unti-unti naman akong umiwas ng tingin sa kilikili niya baka bigla niya akong sapakin at baka 'yon na talaga ang katapusan ng life ko dito sa earth, 'wag naman sana. "B-Bente lang po, kuya!" masiglang sambit ko 'saka ko binuksan ang basket na may lamang balut. Sana uubusin na lang nila 'to, gusto ko na kasing umuwi dahil gabing-gabi na, baka kanina pa ako hinahanap sa amin. Kakainis naman kasi 'yung babae kanina sa labas ng Weston e, wala daw siyang pera at kailangan niya talaga ng pamasahe papuntang R.C baka daw sisentahin siya ng boss niya. Babayaran niya naman daw ako kapag nagkita muli kami. Pero kailan 'yon? "Ineng?" Sa lawak ng lugar na 'to sa tingin niya magkikita pa kami? Baka pinan-load niya lang 'yung pera ko, hays. "Ineng!" sigaw ng katabi ko kaya't nasapak ko siya nang wala sa oras. "Tara-" Dahan-dahan akong umangat ng tingin at bigla na lamang nanlaki ang mata ko nang malamang isa sa mga tambay ang nasapak ko. Tangina! "A...pa..." "Tarantado kang bata ka ah!" galit na sigaw niya at agad na umalis sa kaniyang pwesto 'saka niya ako nilapitan. Pero bago pa man siya makalapit sa akin ay agad na akong tumakbo. "s**t! "Bumalik ka dito Ineng!" "Hindi ko sinasadya!" "Pag-usapan natin 'to, Ineng!" "Ang sakit ng sampal mo hayop ka!" "Tao ako hindi hayop!" malakas na singhal ko habang humihingal sa kakatakbo. Tangina bakit ang bilis ng lalaking 'yon tumakbo? Baka runner siya noong panahong hindi pa siya hayop este matandang gurang. "Ineng!" "May pangalan ako gurang! Ako si Halila!" May nakita akong madilim na eskinita kaya't hindi na ako nagdadalawang isip pa. Pumasok ako roon habang walang makita, sobrang dilim kasi at tanging ilaw lang ng buwan ang nakikita ko itaas. "I need to get away from that old man!" inis na sambit ko sabay liko na naman hanggang sa bumungad sa akin ang isang kalsada na puno ng mga sasakyan. Napatigil ako at namangha, hindi ko alam kung saang lupalok na 'to pero sobrang gara ng mga lights sa paligid at napaka-sosyal pa ng mga sasakyang nakaparada sal labas ng James Restaurant. "Ineng!" rinig kong malakas na sigaw na naman ni gurang. Mukhang papalapit na siya rito. "s**t! s**t! s**t!" Natataranta ako. Hindi ko alam kung saan ako magtatago, kapag tatakbo muli ako, siguradong maliligaw ako dahil hindi ko alam kung saang parte ito ng aming bayan. Ngayon lang ako nakapasok sa lugar na 'to. "Ineng!" Pumikit ako ng mariin. Binaling ko ang tingin ko roon sa isang sasakyan na naka bukas. Mukhang mamahalin at pagmamay-ari pa yata ng isang mayaman. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang ang malaking katawan ni gurang, may kasama pa siyang tatlong lalaki. Walang hiya! Tumawag pa ng kasama. "Mag-isip ka, Halila! Isip! Isip!" "Ineng!" Shit! Pumikit muli ako ng mariin at mabilis akong tumungo roon sa nakabukas na sasakyan. Pumasok ako 'saka sinirado ang pinto. "Muntik na ako roon..." nagpakawala ako ng malalim na hininga. Tiningnan ko 'yung gurang kanina, nanlaki ang mata ko nang mapatingin sila rito sa sasakyang pinagtataguan ko. Tangina! Dali-dali akong umalis sa pwesto ko at mas lalong nagtago pa sa ilalim ng mga upuan. Thank god! Mukhang maayos 'tong sasakyang 'to. "Patay talaga ako sa nanay ko..." "What are they doing in front of my car?" rinig kong tanong ng isang lalaki nang buksan niya ang pintuan ng sasakyan. Mas lalo kong diniin ang sarili sa ilalim ng upuan. "Hindi ko po alam boss," sagot naman ng isang babae 'saka dahan-dahang pumasok sa loob ng sasakyan pero bago pa man tuluyang sumara ang pinto, may pumigil roon. "Teka..." at ang pumigil ay 'yung isa sa mga gurang na humahabol sa akin kanina. s**t! Tinakpan ko ang bibig ko, mas lalo akong yumuko kahit na masakit na ang leeg ko. Patay talaga ako kay nanay nito. "What do you want?" tanong ni englisherong lalaki roon kay gurang. Ang ganda ng boses ng lalaking 'to. Halatang mayaman nga, at sayang may girlfriend na. "May pumasok ba na babae rito, Sir?" tanong ni gurang. Lumunok ako. "May nakita ka bang babae rito? 'Diba wala? And don't fvcking call me Sir, its Ma'am, stupid!" maarteng sambit ng l-lalaki? Wait... hindi siya lalaki kundi girlalu?! Bakla siya?! "Na i-istress ako sa mga panget na 'yon ah, kakaloka." sabi niya habang pilit na ginagawang babae ang boses. Jusko, anong kasalanan na naman ang sumapi sa taong 'to? "Magpahinga po muna kayo Ma'am Kaj, gigisingin ko na lang po kayo kapag nasa mansyon na tayo," M-mansyon? Isa lang ang ibig sabihin nito... Hindi ako makakatakas mula sa kanila, at mukhang mapera ang baklang 'to. Baka kapag nakita niya ako rito sa loob ng kotse niya, ipapakulong niya ako. No! No! "I think, I smell something..." Hindi niya ako pwedeng ipakulong at may rason naman ako bakit ako napunta rito. "So malangsa..." May rason ako at 'yon ay ang makalayo sa mga tambay na 'yon. Hindi niya ako pwedeng ipakulong kasi wala rin naman akong ginawang masama. Tama, magaling ka, Halila. Bumuntong hininga ako at akma na sanang yuyuko muli nang makita ko ang nanlalaking mata ng isang lalaki sa akin. "WAHHHHH!" "BRUHA!" Nanlaki ang mata ko at mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko. Walang hiya nahuli na ako. "Kyah! Who the hell are you, b***h?! And why are you inside my car? You smell so yuck!" "Ano kasi, 'wag mo sana akong ipakulong, may rason naman ako kung bakit ako napadpad sa loob ng sasakyan mo, ka--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hinila niya ang mahaba kong buhok papalapit sa kaniya dahilan nang panlalaki ng mata ko at pagtingin ko sa berde niyang mga mata. He's so fvcking handsome and sexy! Ang ganda ng mga mata niya. "I don't give a s**t here b***h, I will sue you for entering here without my permission!" malditang sambit niya at hinila na naman ang buhok ko. "Aray!" Angil ko. Kung hindi lang talaga gwapo ang baklang 'to papatulan ko 'to. "Ang baho-baho mo." nandidiri niyang sabi at maarte niya akong tinulak. Napalunok naman ako habang pinagmamasdan ko siya pati rin 'yung babaeng may pag-alaala sa kaniyang mga mata. Wait... Kilala ko ang babaeng 'to ah. "IKAW!" sabay naming sambit. Siya 'yung babaeng nanghingi sa akin ng pamasahe kanina! Boss niya ang baklang ulikba na 'to?! ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook