Buhay single
CHAPTER 1
Buhay Single
May mga taong naniniwala na darating ang
tamang tao sa tamang panahon.
Ako?
Hindi ko na alam kung darating pa ba.
Sa edad na twenty-six, apat na taon na akong single.
Apat na taon.
At sa totoo lang, sanay na ako.
Hindi naman sa ayaw ko ng relationship. Hindi rin sa wala akong gustong makilala. Siguro, hindi ko lang talaga nabibigyan ng pagkakataon ang sarili ko.
Bakit?
Trabaho.
Oo.
Trabaho talaga ang pinakamalaking dahilan.
Halos buong buhay ko nitong mga nakaraang taon, trabaho lang ang umiikot sa akin.
Pasok.
Trabaho.
Uwi.
Tulog.
Tapos kinabukasan, trabaho ulit.
Ako si Lea Lovey, twenty-six years old, secretary o office staff sa isang kumpanya sa Bataan.
At kung may award para sa taong pinakamadalas sabihin ang "mamaya na" dahil may tinatapos sa office...
Siguro ako na 'yon.
"Lea."
Hindi ako agad sumagot.
"Lea!"
Napatingin ako sa katabi ko.
"Ano?"
"Kanina pa kita tinatawag."
"Sorry, may tinatapos ako."
Napailing siya.
"Ikaw talaga. Hindi ka na marunong umuwi nang maaga."
Napatingin ako sa orasan.
Napabuntong-hininga ako.
"Ah... uwian na pala."
"Oo. Kanina pa."
Napangiti ako nang kaunti.
Ganoon talaga.
Minsan, hindi ko namamalayan ang oras kapag nagtatrabaho ako.
Hindi ko alam kung workaholic na ba ako o talagang wala lang akong ibang pinagkakaabalahan.
Siguro pareho.
Pagdating ko sa bahay, kadalasan, diretso pahinga na.
Minsan kakain.
Minsan maliligo.
Minsan hihiga habang hawak ang cellphone at mag-i-scroll hanggang sa hindi ko na namamalayan na nakatulog na pala ako.
At kapag may day off?
Ay, ibang usapan.
Doon ako bumabawi.
Gala kasama ang mga kaibigan.
Kain.
Kwento.
At kung minsan, inom.
Dahil kung sa trabaho seryoso ako...
Sa day off, parang nakakalimutan kong may trabaho ako kinabukasan.
"Shot!"
"Isa lang!"
"Isa lang daw!"
Tapos makalipas ang ilang oras...
"Sino nagsabing isa lang?"
Ako rin.
Pero hindi naman araw-araw.
Kaya kahit ganoon ang buhay ko, masasabi kong okay naman ako.
Single, pero okay.
At least wala akong kailangang hintayin na mag-reply.
Wala akong kailangang pagselosan.
Wala akong kailangang awayin.
Wala ring magtatanong kung nasaan ako.
Peaceful.
Tahimik.
Minsan lang...
Medyo boring.
Pero sanay na ako.
Apat na taon na rin naman.
May mga pagkakataon din na gumagamit ako ng dating apps.
May nakakausap.
May mga "Hi."
"Hello."
"How are you?"
"Where are you from?"
Tapos ilang araw lang...
Wala na.
Minsan sila ang hindi nagrereply.
Minsan ako.
Hindi naman dahil hindi ako interesado.
Ang problema, kapag busy ako sa trabaho, nakakalimutan ko talagang magreply.
May isang beses pa nga na may kausap ako nang maayos.
Magandang conversation.
Mukhang okay naman.
Tapos nag-message siya ng gabi.
Hindi ko napansin.
Kinabukasan ko na nakita.
Pagbukas ko ng dating app...
Wala na siya.
Unmatched.
"Okay," sabi ko sa sarili ko.
"Next."
Ganun kasimple.
Siguro iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako nagkaroon ng seryosong fling sa loob ng apat na taon.
Hindi ko hinahanap.
At hindi rin ako naghahabol.
Mas pinili kong mag-focus sa trabaho.
Hanggang sa isang araw...
Habang nasa office ako at abala sa ginagawa ko, nag-vibrate ang cellphone ko.
Quennay Magallanes
Best friend ko.
Si Quennay ay nagtatrabaho rin sa parehong kumpanya, pero naka-deploy siya sa Cavite.
Madalas kaming mag-chat kahit hindi kami magkasama.
Binuksan ko ang message niya.
Quennay:
Lea.
Tinitigan ko lang.
Maya-maya, may kasunod.
Quennay:
May sasabihin ako sa'yo.
Napakunot-noo ako.
Nag-type ako.
Me:
Ano?
Wala pang isang minuto, nag-reply siya.
Quennay:
May kilala akong lalaki.
Napatingin ako sa screen.
Napangiti ako nang bahagya.
Me:
Okay?
Quennay:
Indian.
Napahinto ako.
Indian?
Napatingin ako sa paligid ng office bago muling tumingin sa cellphone.
Me:
Bakit mo sinasabi sa akin?
Matagal bago siya nag-reply.
Quennay:
Wala lang.
Me:
Quennay.
Quennay:
HAHAHAHAHAHA.
Napailing ako.
Kilalang-kilala ko ang kaibigan ko.
Kapag ganyan siya tumawa, siguradong may binabalak.
Me:
Ano bang gusto mong mangyari?
Nag-typing siya nang matagal.
Tapos dumating ang reply.
Quennay:
Wala naman. Baka lang gusto mong makilala.
Napairap ako.
"Talaga?"
Bumalik ako sa ginagawa ko.
Hindi ko na pinansin ang cellphone ko.
Hindi ko alam kung bakit niya biglang naisipang ipakilala sa akin ang isang lalaki.
At higit sa lahat, wala akong idea kung sino iyon.
Hindi ko rin naman alam na limang buwan mula sa araw na iyon, magkakaroon ng pangalan ang lalaking iyon sa buhay ko.
At lalong hindi ko alam na ang simpleng pagpapakilalang iyon ay magiging simula ng isang bagay na hindi ko kailanman pinlano.
Pero noong araw na iyon?
Wala akong pakialam.
May trabaho pa akong tatapusin.
At para sa akin noon...
Mas importante ang deadline kaysa love life.
Hindi ko pa alam na minsan pala, kahit gaano ka kaseryoso sa trabaho...
May mga bagay talagang bigla na lang dumarating.
At hindi mo kayang i-schedule.