bc

Requiem: Eternal (A Vampire Story)

book_age16+
100
FOLLOW
1K
READ
dark
mate
princess
tragedy
comedy
vampire
supernature earth
virgin
like
intro-logo
Blurb

The Princess and Hunter

A bounty was placed for her head by her own father. Her bestfriend has gone missing. And her own past was starting to haunt her.

Kinailangang niyang tanggapin ang alok na tulong ng isang Hunter para maprotektahan ang sarili. Pero handa ba siyang ibigay ang hinihingi nitong kapalit?

Captured by the Beast

Hindi inaasahan ni Isabelle mapasok sa mundo ng mga bampira. May isang paraan para makaalis, ngunit kapalit noon ay ang paibigin ang nilalang na dumukot sa kanya.

Paano kung siya mismo ang unti-unting nahulog dito?

chap-preview
Free preview
Prolouge
Dammit. Mabilis siyang pumasok sa isang madilim na eskinita, sinadyang bilisan ang bawat hakbang. Alam niyang may mga sumusunod sa kanya. Dinig na niya ang mga mahihinang yabag ng mga itong papalapit. I need to get away! Tumuloy parin siya sa paglalakad. Lalo pa niyang binilisan. Kumakalam na ang sikmura niya at wala siyang panahon para sa mga yon. Dead end. f**k. Napatigil siya. Sarado na nang bakal na bakod ang daanan papunta sa kabilang kalsada. Madilim ang paligid. Nasa pagitan iyon nang dalawang abandonadong warehouse. May mga tambak na mga bakal na drum at retaso ng mga kahoy sa paligid. Walang ding taong malapit. "Swerte to pare! Babae." Iyon ang bumasag sa katahimikan. Sinundan talaga siya hanggang doon. Tatlong lalaki. Bente anyos pataas ang dalawa, ang isa, ang pinakamaliit, siguro mga nasa katorse o kinse. "Wala ka nang mapupuntahan." Lumapit sa likuran niya ang isa sa mga lalaki. Sa tantsa niya, ito ang lider sa tatlo. Tumusok nang bahagya sa tagiliran ang isang matulis na bagay. Icepick. Mukhang wala naman mga baril, sa tingin niya. Binaba niya ang dalang bag. Itinaas na din ang dalawang kamay. Wala rin namang silbing tumakbo. Wala na siyang lulusutan. "Meron pa ata." Mabilis ang ginawang pagkapkap ng mga kamay ng lalaki. Nakapa agad nito ang suot na kwintas. Mahapdi ang sugat na nagawa noon nang malakas nitong hinila yon sa leeg. "O, bonus mo!" Shit. Sinundan niya yon nang tingin nang inihagis ang kwintas doon sa pinakabata. Nakita pa niya ang nanginginig nitong mga kamay nang nilagay iyon sa likod na bulsa. Weird, naiisip niya. Mukhang hindi pa sanay. Parang ngayon lang nang-holdup. "Pare mabango, tikman muna natin." "Wag! Wag na!" Pigil naman noong bata. "Pera lang naman kailangan natin ah, sibat na tayo." "Tangna ka! Kung ayaw mo, wag kang sumali. Wag kang makialam. Nakakuha ka na, eh!" Fuck this. Kumalam na naman ang sikmura niya. Hindi na dapat pa siyang magtagal doon. Kailangan na niyang kumilos. Pumihit siya paikot bago pa siya mahawakan uli ng lalaki. Iniwasan ang matalas na dulo ng icepick. Agad na kinapitan sa leeg nito at itinulak nang malakas sa pader. Napuno nang malagkit na dugo at ilang puting bagay ang mga kamay niya sa pagkabasag ng bungo. Sayang, hindi rin napakinabangan, naiisip niya. Gutom na gutom na siya talaga, di niya napigil ang lakas. "As--asw--" Nahuli niya agad ang isa bago pa man makatakbo papalayo. Inipit niya ang leeg at hinawakan ito nang mahigpit "Hw--!" Iyon nalang ang narining nang tumusok ang mga pangil niya sa leeg nito. Pumalag pa pero wala ring nagawa. Dugo. Ilang araw na rin siyang uhaw. Nakaramdam siya ng hilo pagkaraan ng ilang higop. Agad niyang binitawan ang hawak na lalaki. Hinayaan na ang nangingisay pang katawan. Sumalampak ito sa sementong kalsada. Kumalat pa ang dugo galing sa malaking sugat sa leeg. "Awful..." Adik malamang. Dumaan sa sistema niya ang drogang ginamit. Mabuti nalang at kakaunti palang ang nainom. Pinahid niya ang natirang dugo sa labi. Buti at naitukod niya ang kamay sa isang pader kundi natumba na rin. "W-wag kang lalapit. Diyan ka lang." Yung bata, naalala niya. Humarap siya at ibinaba ang hood para makita niya ito nang husto. Nakatayo ito nang ilang metro sa kanya. Di makagalaw agad dahil sa takot. Rinig na rinig niya ang mabilis at malakas na t***k ng puso. "Hello there." Sana pala itong bata nalang ang inuna niya. Mas mukhang masarap. Mas mukha ding malinis. Mabilis siyang kumilos papunta sa direksyon nito. Agad niya itong nahuli at malakas na isinandal sa pader. Kitang-kita niya ang pagngiwi. Napangisi siya. Di naman malakas ang ginawa niya tulad doon sa isang kasama nito. Sinigurado niyang nasaktan. Sayang kung matutuluyan agad. "Don't be afraid." Inilapit na niya ang mukha sa leeg nito. Ramdam niyang mabilis din ang t***k ng pulso mula roon. "This wont hurt." Mabango ang dugo. Walang halong kemikal. Walang bahid. Siguradong masarap. Too pure. Innocent. Hmmm... Unti-unti na niyang binuka ang bibig. Wait... Marahan siyang lumayo. Napansin niyang nakapikit na ang bata nang mariin. Parang inaantay talagang bumaon ang mga pangil niya. Mamaya-maya pa ay dahan-dahan din itong nagmulat at tumingin sa kanya. "Can I ask a favor?" Tanong niya dito kasabay nang natamis na ngiti. Agad itong bumalikwas. Mabilis na kumawala at lumayo. "Anong peybor peybor. Aswang ka!” "Ouch. That hurts." Pero totoo nga naman. Nakalimutan niyang ito pala ang karaniwang tawag sa mga katulad niya sa lugar na iyon. Pero nakakainis parin, nakapaganda naman yata niya para masabihang aswang. "Don't worry. I will let you live." Alam niya kahit papaano, naiintindihan siya nito. "Hindi mo na ako kakainin?" Pumiyok pa habang paatras na humahakbang. Siguro dala parin ng takot. Napataas tuloy siya ng kilay. Hindi ba dapat magpasalamat nalang? Pinulot niya ang bag na nabitawan niya kanina. Hinagis niya yon sa bata at nasalo naman kahit mabigat. Kita niya ang lalong pagtataka sa mukha nito. "There's half a million in that bag." Aniya. Galing siyang bangko kanina. Kaya siguro siya natiktikan ng mga kasama nito. "Akin..Akin na to lahat?" "Just don't tell anyone what you saw here." Kinapa ng bata ang likuran. Nilabas nito doon ang kwintas na nakuha sa kanya. "Sa…sayo na to uli. Kailangan ko lang ng pera." "Keep that too." Ngumiti lang siya bago tumalikod. Hindi pa ito ang oras ng batang yon. "I'll see you again." Definitely. I will find you.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
534.2K
bc

Billionaire's Twins

read
263.8K
bc

Married to a Hot Magnate

read
357.0K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.2K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
471.1K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.3K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook