Chapter 2: Reunion

892 Words
********************Raven*************** Maingay. Malakas ang tugtog at marami ding sumasayaw sa mausok na club. At kahit nakakalula na ang mga papatay-patay na ilaw, nakikita niya ang estado ng mga taong nandoon. And it's getting wild, she thought. The screams. The hollers. The bodies grinding against each other. The smell of booze and sweat. She winced. Kailangan na niya ng bagong pagkakaabalahan. Lagi rin namang ganoon ang eksena sa bar na yon. Paulit-ulit nalang. "I should have stayed home." She said. Kahit papaano nandoon si Isabelle at may matinong kakwentuhan. O kaya sana isinama nalang niya ang babaeng yon. Kaso, ewan ba niya. Kahit na sabihin niyang libre na lahat, ayaw parin. Uuwi na naman yata doon sa mga kamag-anak. Nakakainggit din, sa totoo lang. May normal na pamilya itong nauuwian. "Then go home and let me live in peace, Raven." Sabat ng bartender sa tabi niya. With that heavy american twang. Natawa siya. "Just look at all these people. We're all busy." Tuloy pa nito. Nilapag nito ang isang baso sa harap niya. Bloody Margarita, her usual. Sanay na sanay na talaga ito sa kanya. "Well, thank you my dear, Dominic." Ngumisi siya at kumindat. "Umuwi ka na nga." Umirap lang ito. "Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Umalis ka na dito kung bored ka na." Matatas ngang managalog pero hindi na yata matanggal ang accent nito. Lalo na kapag medyo naiinis na. And he's on his break sa oras na yon. Pero eto nga at inaasikaso siya. "If I do that, you'll miss me." Ngumiti uli siya. Ininom ang alak at binalik ang baso sa counter. "Ang cute ko kaya." "Damn..Why are you doing this to me, Raven?" Umiling si Dom at bumuntong-hininga. Tumawa siya. Alam niyang di naman uubra ang papa-cute niya dahil hindi naman siya ang tipo nito. "By the way, Vicky's looking for you. Your supplies runnin' out. Sabi niya, hindi ka dapat magpakalat-kalat dito sa lagay mo ngayon." Oh, Vicky. Her sweet little aunt. Lagi naman itong nag-aalala kahit walang aalahanin. She can take care of herself, masyado na siyang matanda para mandohan pa. "I'll see if I can fit it in my schedule." Aniya. "And what schedule? Wala ka namang schedule. Wala ka namang ginagawa sa buhay mo. You said you have a job but you're here almost every night." Sagot ni Dominic. Natawa nalang uli siya. Medyo totoo naman ang sinabi nito. She have nothing to do. And it's getting boring. Really, really boring. Mukhang kailangan na niya ng aksyon sa buhay bago siya mabaliw. Tumingin uli siya sa paligid, lumingon sa mga nagwawala nang mga tao sa loob ng bar. Lalo ang mga itong naging maingay dahil nagsimula na ang bagong set ng dj. Nawawala talaga inhibisyon ng mga tao sa alak at musika. Ah, hindi lang pala sa alak. May ilan siyang nakikitang nagpapasahan ng mga maliliit at puting tablets kanina. May mga linya din ng mga puting pulbo na nakikita sa mga lamesang nandoon. Napalingon siya kay Dom. "As long they don't die here." Sagot nito kahit di siya nagtanong. Napangiwi nalang siya. Hindi niya akalaing pinapayagan na ni Vicky ang ganoon sa teritoryo nito. May napansin din siya sa isang sulok. Someone is shooting using a syringe. In public? "What are those?" "We still don't know yet. It's new. We suspect it's a variation of E. But it's looks like Fullmoon to me." "Fullmoon? What's that for?" Sounds new, she thought. "Heightened senses. And they can stay up drinking for days without being tired." "Days?" Napataas siya ng kilay. "The consequence?" Nagkibit-balikat si Dom. "Death." Those poor souls, she thought. Sinisira nila ang mga katawan nila dahil sa drugs na yon. Nakakapanghinayang lang. Mga bata pa pero di na mapapakinabangan. Napansin niya ang lalaki na nakatayo sa isang sulok, di kalayuan sa inuupuan niya. Matangkad at mag-isa lang. May hawak itong bote ng beer sa isang kamay. Nakatuon ang atensyon sa ilang babaeng nagwawala na sa gitna na parang may hinahanap doon. Ngayon lang niya nakita ang lalaking yon sa bar. Pero parang pamilyar. Napakapamilyar. "Something caught your eye?" Tanong ni Dom. Napatingin din ito sa direksyong tinitingnan niya. "Do you know him, Dom?" She asked. Umiling lang ito. "Not a regular but I've seen him here a few times." Sagot ni Dominic. "And he's always alone." "Clean?" "I never seen him use one." Ngumisi siya. Lumingon ang lalaki sa direksyon niya. Kita-kitang ang pagngiti nito nang magtama ang mga mata nila. And damn. Mukhang swerte siya ngayong gabi. "I see." Sambit niya. "Dom, tell Vicky I don't need that fix right now. I'll have something off the menu." "Fine. Wag ka lang magkalat." Nakita niyang ngumiti ang lalaki sa kanya. Tinaas nito ang bote ng beer bago tumalikod at lumakad papalayo. Sumiksik na sa mga taong nagsasayawan. She smirked. Lumingon siya sa kay Dom para sana magpaalam pero wala na ito sa tabi. Mukhang may inasikaso nang iba. "Oh, well." Tumayo na siya at hinanap uli nang tingin ang lalaki kanina. Nakakita na niya itong lumabas sa fire exit. Alam niyang hindi ito makakalayo. Madali lang naman niya itong masusundan. Sa isang madilim na eskinita siya napadpad. Halos katabi lang ng bar. Nadidinig pa niya nang bahagya ang ingay mula doon. Nandito lang ang lalaking yon. She can feel him. Hear him. Smell him. Hindi parin ito nagbabago. "So...we meet again."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD