Isabelle Nakakadinig niya ang mga hikbi. Galing iyon likod ng pinto kung saan siya nakatayo ngayon. Pamilyar ang paligid. Ito din yung pinagkulungan sa kanya ni Alejandro. "Tama...tama na." Napakunot ang noo niya. Boses ni Raven yon. "Huwag...Huwag!" "Jusko po!" Mabilis siyang nagmulat ng mga mata. Hindi niya alam kung anong oras na pero madilim pa ang paligid. Hindi niya maintindihan. Para siyang naginip pero parang totoo. Ramdam niya ang lahat. Dahil siguro sa mga naganap kaya kung ano-ano nalang ang napaginipan niya. Ano ba yon? Bakit ganoon? Jusko! Napabuntong-hininga siya nang maaninag si Alejandro sa kama. Tulog parin ito. Walang malay kahit malamig at walang pantaas. Pero magaling na ang mga tama ng baril. Nagsara na ang mga sugat. "Hay...buti naman." Napatingin siya sa

