Monday na naman.
I spent my weekend with my bestfriend and guess what?
Walang nangyari sa'min.
I mean, wala yung girlfriend nya. So nasolo ko sya.
We went to the place where we always hangout before ever since we're in college.
Parehas kasing University ang pinasukan namin, kaya hatid sundo nya ako. Kaya nga walang nagtangkang ligawan ako kasi akala nila boyfriend ko si Kai.
Hindi rin sya nanligaw ng iba o nagka girlfriend man lang. Sa akin lang ang oras at atensyon nya.
Ayun nga, namasyal lang kami maghapon. Syempre andun ang kulitan at asaran na may PDA. Holding hands while walking pa nga ang peg namin eh.
Though wala naman kaming relasyon, just very close bestfriend.
At ngayon back to reality na ulit.
Kaharap ko ang laptop ko at busy sa pagbabasa ng mga emails. Binilin kasi ng secretary ko na marami akong pending schedules na kailangan kong marespond ngayon.
Dahil malaki at sikat ang kumpanya na pagmamay-ari ng aking pamilya na mamanahin ko balang araw..
Expected ko ng marami ang nagbibigay ng appointment and proposals in just three days na nawala ako.
Umm...
Nakapangalumbaba ako sa table habang ang isang kamay ko ay nag iiscroll sa laptop.
Elaine Lalisa Manoban?
Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang unopen mail. I instantly open it, at bumungad ang pangalan ng kumpanya nila.
A R P I N A
Isa ang kumpanya nila na nangunguna at nakikipagkumpitensya sa Fashion Industry sa Paris.
ARPINA is highly diverse, reflecting the enormous ethnic diversity of the population, but is largely dominated by a clean-cut, urban, hip aesthetic, and often favors a more casual style, reflecting the athletic, health-conscious lifestyles of the suburban and urban middle classes.
Nakapaloob din sa proposal ang apat na major models nila which is the Manoban's siblings.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang Eldest nila, si Jisoo Taner Manoban "Born in Sunrise".
Her skin is so flawless like a porcelaine. Ang ganda ganda nya at balingkinitan ang katawan. Kumpara kay Lisa na matangkad (halos hanggang tenga kasi sya ni Kai, ganun sya katangkad), so mas maliit itong Ate nya na si Jisoo. She has deep set eyes and beautiful double eyelids. She also has a perfectly dimensional heart shaped face.
Sumunod si Cyrus Rose Manoban, "Fire of Sunset". Ikatlo sa magkakapatid na mga dyosa, she’s a literally an angel. I think she’s taller than Lisa, definitely the tallest on four. And also the palest, her face is very beautiful and its also harmonized, her nose is perfect and her eyes are bigger. She has a captivating eye smile, its very beautiful and she has a very elegant aura, she really looked like a goddess.
Ang bunso ay si Domenic Irene Manoban, "Daughter of the Sun". Napakainosente ng mukha nya, naive yet genius. And her eyes are color black too, just like what Lisa had. She has big eyes with double eyelids and a thin and high nose bridge, a small face with a v-shaped jaw, pale skin, plump lips, and straight eyebrows.
And lastly, the girl who I supposed to hate. The girl I want to ruin her image in my bestfriend eyes.
Elaine Lalisa Manoban "Blessing of the Sun".
Blessing of the Sun?
Wow. Literally true. You can see it on her face, on her eyes.
Lisa literally looks like a doll, I can't stress this enough but she looked like a living barbie doll, her face is small and her big eyes were very bright and were her most distinctive feature, her full lips were also very beautiful, and her skin color is a perfect tan. Her body is really nice especially her long legs, I can't say there's a difference from pics but she's absolutely gorgeous and prettier girl.
Litrato pa lang ay magtutulo laway ka na.
Gosh Jennie?!
Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!
Kontra na naman ng kabila kong isip.
Binuksan ko ulit ang isang mail galing sa kanya.
Subject: Appointment with Jennie Ruby Jane Kim
Good morning Ms. Kim, how's my proposal? You're gonna take it or take it?
Complete name talaga?
Tss. Asan ang choices dyan?
Napairap ako na napangiti.
Natigilan ako. Did I smile?
For what?!
May nakakatawa ba sa sinabi niya?
I shook my head.
Nagcompose na lang ako.
Subject: Elaine Lalisa Manoban Proposal
Where's my choices?
Please clarify. Thank you.
Sent.
Napasandal ako sa swivel chair habang titig na titig sa laptop.
Bakit ko ba inaabangan ang sagot nya?
Ahhh!
At biglang may nagpop-out na notification, agad ko namang binuksan.
Nagreply sya.
Ewan ko pero nasabik akong buksan ito.
Subject: Clarification for the Proposal
There's no choices, it's only me.
But it's your choice anyway :)
May pasmiley pa?
Napakagat labi na lang ako, di kasi mapigilan yung labi ko na ngumiti eh.
Subject: Acceptance for the Proposal
You're right. I have no choice. Mom already approved your proposal, so where's the choice to decline?
Sent.
Subject: Appreciation for the Acceptance
So where and when we will discuss it? Are you free now?
Napasandal na lang ulit ako sa aking upuan at sumabay ang katawan ko sa paggalaw nito.
Hindi ko kasi alam ang isasagot ko.
Naeexcite ako na ewan.
Bakit ba ganito?
Subject: Appointment for the Proposal
Lunch Break. This is my number for informal conversation 09121517284
Thank you.
Sent.
Sabay sara ng Laptop.
Really?! Kailangan talagang magkaroon agad ng appointment sa kanya leaving behind those proposals na mas nauna pa sa kanya?
Ow. common Jennie!
And take note, given my phone number. I'm really willing to give my bestfriend's girlfriend an advantage than to others.
Napasapo na lang ako sa aking noo, naguguluhan din naman ako sa pagsasalungat ng iniisip ko at sa ginagawa ko.
Then suddenly my phone rang , unregistered number.
At kanino namang number 'to?
I answered it anyway.
"Hello? This is Jennie Kim from The Moonlight , how----".
"Jennie...".
Nanigas ang buong katawan ko ng marinig ang pamilyar na boses na yun. Napaayos ako ng upo at pilit pinakalma ang sarili.
"Who's this?".
"Lisa...".
Napakagat ako ng labi upang mapigilan ang aking pagngiti.
Ano bang nangyayari sa akin? It's just her voice and her name!
"You gave me your number for informal conversation so I called", anito na ang ganda pakinggan ng pagsasalita.
"Agad?", at kumawala na ang ngiti sa labi ko, napahawak ako ng madiin sa handle ng swivel chair.
"Umm, I'm making sure about it. So see you later?".
"Yeah, lunch break right? Saan pala?".
"May alam akong resto na masarap ang mga pagkain, Kai said you love seafoods....so let me bring you there?".
Hindi kaya nakikipagclose sya sa akin para totally nyang maagaw sa'kin si Kai?
"Sure", nawalan ako ng gana.
Parang ang hirap kasi tanggapin na ganun nga ang dahilan ng pakikipaglapit nya ng loob sa akin.
Eh ano pa bang gusto mong dahilan?
"Sunduin kita sa office mo, okay?".
"No, ikaw na lang ang pupuntahan ko. N-nasaan ka ba?".
"Dito sa bar, I had to meet my old friend here. Basta sunduin na lang kita Jennie...".
Jennie......
Bakit ang sarap pakinggan pag binabanggit nya ang pangalan ko?
"May magagawa ba ako? You always give me one and only one choice".
Biglang natahimik sa kabilang linya. Nagtaka naman ako syempre.
Galit ba sya? May nasabi ba akong masama?
Pilit ko tuloy inalala kung meron nga pero parang wala naman.
"L-lisa? are you still there?".
"Yes. I'll call you later".
And she already end our conversation.
Sumagot na ako ng ibang emails habang pinapatay ang oras.
Panay ang tingin ko sa aking relo, kulang na nga lang ay minu-minuto akong sumulyap sa oras.
At habang palapit ng palapit ang lunch break ay palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib.
Bakit ganito?
Tinawag ko ang aking secretary para ipacancel ang mga appointments ko ngayong hapon.
Gusto kong makausap ng matagal ang girlfriend ng bestfriend ko. This time, may pagkakataon na akong makilala sya. Nang sa ganun, habang maaga pa lang ay mailayo ko na sya kay Kai in case na may malaman akong hindi maganda sa kanya , patunay na hindi sya karapat-dapat sa lalaking mahal ko.
I put cherry lipgloss on my lips as the time arrived. Konting ayos sa buhok at facial powder sa mukha, para naman hindi ako magmukhang katulong nya kapag nagtabi kami.
Napakaganda nya kasi, nakakaintimidate ang presence nya.
In just a simple outfit, hindi na maalis ang paningin ko sa kanya. Paano pa kaya kung nakadress or something formal sya.
Biglang nag beep ang phone ko, it's her.
"I'm here at parking area".
Hindi na ako nagreply pa, agad kong kinuha ang shoulder bag ko tsaka lumabas ng opisina at dumiretso sa kinaroroonan nya.
I'm wearing four inch high heels kaya feel na feel ko maglakad na parang modelo habang papalapit sa parking area. Sabayan pa ng hangin na humahampas sa buhok.
Ano yan Jennie? Inaakit mo ang isang Dyosa? Ow common.
I felt dismay. Hindi nuh?!
Bakit ba laging kontra ang kabilang isip ko? Nakakainis.
Dahan-dahang bumaba ang window shield ng isang kulay yellow na Lamborghini.
At isang dyosa na may suot na sunglass ang nasa loob nito.
Kung anong kinaastig ng kotse nya ay mas astig pa sya tignan ngayon. Ang ganda nya na ang pogi.
Habang palapit ako sa kanya ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko, parang gustong kumawala ng puso ko.
At ang mga tingin na naman namin ay hindi maalis sa isa't isa.
Bumaba ito sa kotse, suot ang sidefeel women hooded knit cardigans button cable sweater…
Wow.
Isabay pa ang nakalugay nyang mahabang buhok na wavy sa dulo hanggang gitna. Nagrereflect ang magandang kulay nito sa sinag ng araw which is brown na may pagka blonde.
Damn gorgeous.
At kung paano sya maglakad gamit ang heels na bumabagay sa mahahaba niyang binti. Kitang kita ang pagiging modelo nito sa paraan ng pananamit at paglalakad.
"Ang hot", sambit ko na lang habang nakatulala sa kanya.
"What?", rinig kong wika nito habang nakapwesto sa gilid ng kanyang kotse.
Napaiwas ako ng tingin, at pakiramdam ko pulang-pula na ang mga pisngi ko. Hindi pa naman ako naglagay ng blush on.
"Ah ang sabi ko ang init", palusot ko na lang sabay paypay ng palad sa bandang leeg. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya.
Hindi ito umimik at pinagbuksan na agad ako ng kanyang Lamborghini.
Syempre magmamaarte pa ba ko? Daig nya pa ang isang gentleman kung makaalalay sa akin sa pagpasok ng kotse. Hindi niya man ako nahawakan pero ramdam ko ang init ng katawan nya sa tabi ko.
Init ng katawan niya? o init ng panahon?
Shut up.
Sumakay na rin sya sa driver seat, hindi ko talaga maiwasan na titigan sya lalo na ngayon na sobrang lapit nya lang sa akin.
Her pointed nose and pouty red lips, hmmm...parang ang sarap halikan.
Really Jennie?! Are you out of your mind?!
Pilit kong inalis ang tingin sa kanya dahil sa maling naiisip ko.
Pakiramdam ko tuloy naninigas akong yelo sa kinauupuan ko. Naninigas na natutunaw dahil sa presensya nya.
Bigla na lang itong lumapit sa mukha ko, as in super close! My lips were about to kiss her cheek.
My heart started to beat faster than before, para bang may stick na nagtatambol sa puso ko.
Ang bango nya....
She smells like biting into a chic, sultry, exotic pear.
Nakapoker face syang tumingin sa akin, at nagtagpo ang aming mga mata.
Mas lalong nagwala ang puso ko sa loob nang makita ang napakaganda nyang mga mata.
Sobrang ganda nya sa malapitan. I checked all of her face features at wala akong makitang kapintasan.
Mula sa mahahaba nyang eyelashes with her big doe-eyes, sa pointed at matangos nyang ilong, kissable na mga labi na parang makopa ang kulay na ang sarap kagatin, she's really like a doll, beautiful doll.
Yeah. Her name really fits on her, she's a blessing of the Sun. In right term, Goddess of the Sun.
"Magseat belt ka", malambing na sabi nito, napatingin tuloy ulit ako sa labi nya at ganun din sya sa akin?!
She's staring at my lips too!
I can't breath!
"H-hindi ako makahinga", wika ko na lang para maputol ang pakikipagtitigan nya ng labi.
Walang reaksyon na mas inilapit nya pa ang kanyang mukha, napasandal ako ng madiin sa passenger seat at napapikit.
Ramdam na ramdam ko ang mabango at malamig nyang hininga sa ibabaw ng labi ko. Parang lasang peras.
"Calm down", anito at tsaka nilock ang seatbelt sa tagiliran ko.
Tsaka ko naramdaman ang pag-alis nya sa harapan ko. I slightly open my eyes to make sure na wala na nga sya.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan.
Haaaaaayy.... Salamat.
Dinala nya ako sa isang seafood cuisine malapit sa Ortigas. Mula paglabas ko ng kotse hanggang sa pagpasok namin ng resto ay inaalalayan niya ako.
Katulad ng pagbubukas sa akin ng pinto hanggang sa pagpapaupo sa akin sa upuan sa two chair table na nakareserve sa may pinakamagandang spot sa loob.
Feeling ko, isa akong prinsesa na may kasamang prinsipe.
Maganda at sexy na prinsipe.
She straightly sit in front of me, kinuha nya ang menu.
"Ano 'to Ms. Manoban?".
I asked in confusion.
Bakit ang bait-bait nya sa akin? Bakit umaakto syang parang sya si Kai na sobra akong protektahan at alalayan?
"Huh? What do you mean what?", gumusot ang noo niya.
"Bakit ganito mo ko tratuhin?".
"Did I do wrong?".
Napacross arm ako, "Wala nga eh, kaya nakakapagtaka".
Sa halip na sagutin nya ko ay tinawag nya na ang waiter. Halos orderin na nya lahat ng nasa Menu, syempre natakam naman ako.
Seafood lover 'to nuh!
Kaya yung seryoso kong mukha kanina ay napalitan ng sigla ng makita ang masasarap na pagkain sa harap namin ngayon.
"Wow! Gusto ko 'to!", di ko mapigilang tumikim agad ng cheesy shrimp.
Kumuha ako ng isa at kinagatan ito, hmm... ang crunchy!
Napaangat ako ng tingin sa nakangiting si Lisa.
Halos malaglag ang panga ko sa nakitang ganda nya habang nakangiti. Ngayon ko lang nakita iyon dahil madalas ay napaka consistent ng pagiging poker face nito.
Sheyt.
Bigla nitong inabot ang baba ko at tinaas upang hindi na ako nakanganga.
"Hey Jen, nagmumukha na ba akong pagkain sa paningin mo?", nakangiti nitong sabi habang titig na titig sa mga mata ko.
Napamulahan tuloy ako ng mukha, ganun ba ka obvious sa'kin na natulala ako sa angkin nyang kagandahan?
"You're cute....", anito at sumeryoso na sya.This time inilapit nya ang mukha sa akin at tinititigan ang aking labi.
Bakit sa labi ko na naman ?
I smell again the scent of her breath, which is the exotic pear.
My heart bounced like a ball and it wanted to get out my chest.
Bakit ganito ang epekto nya sa akin?
Kapag si Kai ang nasa ganitong sitwasyon, nakakaramdam agad ako ng kilig.
Pero bakit sa kanya, hindi ko maintindihan?
Para bang sobrang gulo ng isip at puso ko, sobrang nagrereact sa presensya ng babaeng 'to.
Then suddenly I found myself staring at her lips too, yung tipong gusto kong tikman yung labi nya pero nag aalangan ako dahil mali.
Mali dahil parehas kaming babae.
Mali dahil girlfriend sya ng bestfriend ko.
Mali dahil sya ang babaeng umagaw sa nag iisang lalaki na minahal ko.
"Lisa?".
At dahil sa nagsalita ay naputol ang titigan ng lips namin.
Lumingon sa kanya si Lisa at napaayos ng upo ng makilala kung sino ang sumira ng moment namin.
"What are you doing here?", seryoso nyang sabi.
Agad nyang nabalik sa pagiging poker face ang kaninang kumikislap at nakakaakit nyang mukha.
I looked at this girl who interrupted us. Isa rin chic na nakataas ang kilay habang pinapasadahan ako ng tingin.
"You're playing around again Lisa".
At hindi iyon tanong, kundi statement. And then she smirked.
Anong ibig nyang sabihin sa playing around?
Kaya napatingin naman ako kay Lisa na hindi na magawang tumingin sa mga mata ko.
"Can I join?", dugtong pa nung maldita.
"Nikki, we're here for a business meeting. Let me see you on other day, please".
"Oh business thing? About what? Baka makapagbigay ako ng better ideas sa pag uusapan niyo, right Miss?", sa akin naman nagtungo ang tingin nito.
Napakunot ang noo ko sa inaasta nya, bakit ba nakikisingit sya?
"Sure. But before that, let's eat first. Gutom na ko eh", I said tapus tinuon na lang ang pansin sa pagkain.
Ayokong istressin ang sarili sa pag iinarte at pagmamaldita ng babaeng kabute.
Tinawag nito ang waiter at humingi ng isang chair, tumabi sya kay Lisa
"May allergy ka sa seafoods diba? bakit dito kayo kumakain?".
Napaangat tuloy ako ng tingin habang punong-puno ng pagkain ang bibig ko.
May allergy sya sa seafoods pero pinili nya pa rin kumain sa gusto ko?
Our eyes met, "It's okay. I'll take medicine afterwards", anito at aaktong susubo na.
"Lisa sandali", pigil ko tsaka tinawag ang waiter.
May ibinulong ako sa kanya at agad naman na sumang-ayon ito sa sinabi ko.
Ilang minuto ay may dala-dala na itong Pasta Carbonara.
Sinerve nya sa harap ni Lisa. Nginitian ko sya sabay tuloy sa pag-ubos ng pagkain ko.
Kahit naman seafoods cousine ito ay may iba silang reserve menu na pwedeng ihain in case na may isang kasama ang customer nila na allergic sa seafood.
Alam ko yun dahil marami na akong nakainan na Resto.
"Girl aren't you worried na baka tumaba ka sa dami ng kinakain mo?", maarteng wika nung girl.
"Natural na kasing sexy ako at matagal na akong kumakain ng madami since elementary. I think I'm blessed to have this body", taas noo kong sagot habang pinupunasan ang labi ko ng tissue.
Napansin kong napupuno na sya sa pambabara ko kaya nagdidiwang ako sa loob-loob ko.
At nag-umpisa na kaming idiscuss sa isa't isa ang gagawing fashion show dito sa Pilipinas ng A R P I N A, partnership with THE MOONLIGHT.
Mula sa settings na paggaganapan ng show, hanggang sa magiging tema ng event. Pati na rin ang mga dress designs na kailangan kong pag aralan bawat hibla ng materyales ng damit hanggang sa magiging output nito.
Medyo hindi maayos ang pag-uusap namin dahil may pakilamerang kabute na nakikisabat at gumugulo sa nag cocome-up na idea namin na mutual naming sinasang-ayunan ni Kai.
Literal na yun lang ang pinag-usapan namin dahil naging awkward na si Kai sa pagkilos at pagkausap sa akin dahil sa pagdating nito.
Kaya nauna na akong nagpaalam dahil mukhang wala namang balak na umalis ang nakakainis na babaeng kabute.
"Ihatid na kita Jennie....", sambit nito pagkatayo ko sa mesa.
Tumango na lang ako, tsaka nauna ng lumabas ng resto.
Ramdam kong nakasunod sya sa akin, hanggang makarating kami sa labas.
"Sasakay na lang ako ng taxi pauwi, balikan mo na yung kaibigan mo", ani ko sa kanya.
"Sorry, hindi ko alam na darating sya. Hindi tuloy tayo masyadong nakapag-usap ng maayos".
"It's okay".
"I'm sorry....", at bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
Agad kong binawi ito.
Hindi dahil ayoko ng paghawak nya, kundi dahil sa kuryenteng biglang dumaloy sa katawan ko dahil sa ginawa nya.
Ano yun?
Bakit naramdaman ko yun?
Napayuko sya, akala nya siguro galit ako dahil binawi ko agad ang aking kamay ng hawakan nya ito.
"Bukas kita tayo?", sambit ko.
She quickly looked at me with a shocked face.
Then a little smile draw on her face.
"Lunch ulit? Saan?".
Pinigilan kong mapangiti, dahil ang cute ng reaksyon nya.
Parang bata na naeexcite dahil ipapasyal sya.
"I think sa condo ko na lang para walang sagabal".
Nakatitig lang sya na parang nagulat na naman. "Okay, see you tomorrow".
Nginitian ko sya tsaka pumara na ng taxi. Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko pagkatapos naming maghiwalay.
I'm amazed to her new reactions. Habang nakakasama ko sya ay lalo akong nag-eeager na mas makilala pa sya.
Ito naman ang plano ko talaga eh, ang kilalanin sya.
But not in this good way Jennie.
You plan in evil style remember?
Kontra na naman ng isang isip ko.
Pero hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya.
Kung bakit ganito ang epekto nya sa akin.
I don't know.
Naguguluhan ako.
A/N
I hope you like this episode. Thank you! Just comment any suggestion or question.