"Makoy, anak? Wala ka bang pasok ngayon? Kung isasabay mo si Erin ay kanina pa siya nakaalis dito sa bahay. May tatapusin daw siya school kaya umalis siya ng mas maaga," saad ko kay Makoy na ngayon ay nasa harap ng gate ng bahay. "May pasok po ako ngayon, Tita April. Nagpunta lang po kasi ako dahil kanina ko pa kayo tinatawagan pero hindi ko po makontak ang number niyo." Ang tugon ng anak-anakan ko. Nagtataka naman ako sa loob-loob ko kung bakit siya tumawag ng ganitong oras. "Pasensya ka na, anak. Nasira kasi ang cellphone ko na gamit kaya hindi mo talaga ko makontak. Bakit ba, anak? May kailangan ka ba? Nag-almusal ka na ba? May baon ka ba?" nag-aalala kong mga tanong dahil baka hindi pa kumakain itong anak-anakan ko kaya nagpunta dito. Umiling naman si Makoy. "Nag-almusal na po ako

