"Ate, si Erin." Sabay abot sa akin ng cellphone ni Abby. Narito ako sa sala at panay na nga ang lingon sa labas ng bahay gabi na ngunit wala pa ang anak ko. Hindi na ako mapakali. Ilang beses na rin siyang tinatawagan ng kanyang Auntie Abby ngunit panay lang ang ring ng kanyang cellphone kaya naman lalo akong nag-alala kung bakit hindi niy sinasagot. Kaya naman ipagtanggol ni Erin ang sarili ngunit hindi pa rin talaga ako kampante lalo at punong-puno na ng kung anong mga karahasan ang mundo. Inabot ko na ang binibigay ni Abby ngunit saglit akong napatitig sa malungkot na mukha ng akong bunsong kapatid. "Ate, kausapin mo na si Erin. Wala namang nangyaring masama sa anak mo kaya huwag ka ng kabahan pa," sambit sa akin ni Abby ng mapansin na atubili pa ako kung kakausapin ko si Erin. Id

