"Hindi ito totoo! Hindi!" naghuhumiyaw kong sigaw sa utak ko at hindi ako makapaniwala sa nangyari. Hindi ko kayang tanggapin at hindi ko matatanggap kahit na kailan. Hindi na rin maampat ang mga luha ko na walang tigil ang pag-agos mula pa kahapon. Magmula ng sabihin sa akin ng doktor na wala na ang anak ko sa aking sinapupunan. Nakunan ako at hindi na nagawa pang isalba ng doktor na tumingin sa akin ang kaawa-awa kong supling. Nawala na lang ng ganun ang anak ko. Hindi ko man lang siya na kasama ng matagal. Hindi ko man lang nagawa na mailuwal siya at makita kung ano ang kanyang itsura. Kung matangos din ba ang kanyang ilong? Kung may mahaba at malalantik din ba ang kanyang mga pilikmata? Kung maputi ba o kayumanggi ang kulay ng balat niya? Kung singkit din ba ang mata niya gaya n

