"Problema? Ano nga naman ang problema ko Eduard? Wala naman talaga akong problema sa buhay ko hanggang sa dumating ka at guluhin mo ang tahimik kong buhay simula nang pilitin mo akong gahasain!" nanggigil kong sagot sa katanungan ng asawa kong madilim pa sa nagbabadyang unos at bagyo ang makikita sa mukha. "Kuntento ako sa buhay ko kahit pa malupit sina Mama at Papa sa akin. Nag-aaral akong mabuti dahil may pangarap ako na gustong abutin at tuparin. May mga nais akong gawin sa buhay ko pero anong ginawa mo?! Ginahasa mo ako kaya naman nabuntis ako at pinilit makisama sayo kahit pa diring-diri akong makasama ka! Tiniis ko ang lahat ng mga pananakit mo at ang mga bintang mo sa akin na wala naman katotohanan!" pagpapatuloy kong lahad sa mataas na boses. "Aprill, tumigil ka na! Maraming naka

