Episode 8

1049 Words
"Let's celebrate! For a job well done. What about a special dinner tonight?" tanong ni Ylona sa asawa ko na abala sa pag scroll sa tablet. "Sorry, but I'm busy." Matipid na pagtanggi ni Eduard na seryoso lamang na nakatingin sa screen ng gadget na hawak. "Ma'am April, narito pa po pala kayo?" Tila nagulat pa sa boses ni Ms. Sioson ang aking asawa lalo na si Ylona dahil agad nilang hinanap kung nasaan ako. Para bang nakarinig sila ng isang masamang balita. "Hindi ka pa pala umuwi?" seryosong tanong ni Eduard sa akin. "Naisip ko na dito muna kahit ilang oras. Ang init kasi sa labas dahil bantad ang sikat ng araw. Hindi na kasi ako nakapag bitbit ng payong sa pagmamadali kanina dahil baka abutan ako ng traffic at hindi agad makarating dito sa kumpanya." Malumanay kong sagot kahit pa may namumuong inis sa aking kaloob-looban. "Why? Wala ka bang gawain sa bahay ninyo at tumatambay ka dito? Tapos ka na bang maglaba? Magwalis?" singit na mga tanong ni Ylona na bahagya pang ngumisi. Kinuyom ko ang sarili kong palad ng palihim. Ayokong pumatol sa simpleng pang-iinsulto ni Ylona. Wala man ako mataas na pinag-aralan ay alam ko naman kung saan ako lulugar. Hindi katulad ng babaeng katabi ngayon ng asawa ko. Nakalimutan niya yata kung sino ako at kung sino ang lalaki na katabi niya at kanina pa siya dikit ng dikit na tulad ng isang linta. Hindi ko alam kung nalimot niya o sadyang makapal na lang ang mukha niya na kahit narito ako ay pinapakita niya kung anong meron sila ng asawa ko. "Tapos ko ng lahat. At huwag mong alalahanin ang mga gawain ko dahil may sarili ka namang trabaho na dapat na ginagawa. At isa pa, wala naman sigurong masama kung tumambay ako sa opisina ng asawa ko." Diniinan ko pa ang salitang asawa ko habang nakangiti na nakatitig sa babaeng katabi ngayon ng aking asawa. Tumaas na naman ang kilay ni Ylona at saka pinag siklop ang mga braso sa harap ng kanyang malusog na mga dibdib ng marinig ang mga sinabi ko. Nahalata niya rin siguro na may konting patama sa kanya sa naging pahayag ko. Matalino siya kaya malamang na alam niya. "Narinig mo naman siguro na busy si Eduard at ayaw pa naman ni Mr. Ceo ng ibang tao dito sa opisina sa oras ng trabaho." "Ibang tao? Ako? Naririnig kaya ng babaeng ito kung ano ang sinasabi niya?" bulong ko sa aking sarili. "Sigurado ako na hindi ako ibang tao dito Ms. Matias. Si Ms. Sioson naman ay ang secretary ng asawa ko. Kaya sino ang tinutukoy mong ibang tao?" kunwari ay inosente kung tanong sa kanya. Hindi nakakibo si Ylona at halata sa kanyang mukha na napipikon sa simple ko na rin na parinig sa kanya. "You may go, Ylona." Pagtaboy ni Eduard sa babaeng hindi naman dito ang opisina ay narito sa loob. Sumama ang mukha ni Ylona sa narinig ngunit maya-maya ay nagpaalam na at saka mabigat ang mga paa na nag martsa palabas ng silid ngunit nakita ko kung paano niya ako tingnan nang matalim ng palihim. "Hindi kita ma ihahatid sa bahay dahil may isa pa akong meeting sa labas ng kompanya ngayong tanghali. Mag taxi ka na lang." Pahayag naman ng asawa ko na patuloy lamang sa kung anong binabasa sa kanyang laptop. "Okay, alis na rin ako maya-maya. Mainit lang talaga sa labas pero agad naman siguro akong makakasakay ng taxi." Mapakla kong sagot. Umaasa ako na baka yakagin ako ni Eduard na kumain sa labas. Pero sino ba ang niloko ko? Sa maraning taon na naming pagsasama ay kahit kailan ay hindi kami nag-date man lang tulad ng ginagawa ng ibang mag-asawa. Hindi naman ako naghahangad ng kahit anong bagay pero isa sa mga pangarap ko ay ang magkaroon kami ng sweet moment ni Eduard. Alam kong malabong mangyari dahil nga kahit kailan ay hindi naman ako kinausap ng maayos ng asawa ko. Umalis na nga si Eduard makalipas lamang ang ilang minuto. Nagpa-alam na rin ako kay Ms. Sioson na abalang-abala sa mga kung ano ang mga binabasa na mga papeles at kung anu-anong mga nililista sa isang maliit na notebook. "Ano kaya ang feeling ng isang office worker?" Madalas kong tanong kapag narito ako sa loob ng kumpanya at nakikita ang mga naka-uniform na empleyado na may kanya-kanyang pinagkakaabalahan sa kani-kanilang mga departamento. Naglalakad na ako patungong elevator at bigla na lang akong napangiti ng mapagsino kung sino ang makakasabay kung sumakay. Si Papa. Binilisan ko ang paglakad ko para abutan si Papa. Hindi na ako magtataka kung bakit siya narito. Marahil kasali siya sa board meeting na naganap kanina lang. "Good Afternoon, Pa." Magalang kong pagbati sa aking Ama. Huminto naman si Papa pati na ang mga kasama niya na papasok na sa loob ng elevator. "April, bakit narito ka sa ganitong oras? Sino ang kasama ni Erin sa bahay ninyo?" agad tanong ni Papa na salubong ang mga kilay. Sasagot na sana ako nang bumukas at sumara ang pinto ng elevator. Hindi man lamang ako hinintay na makasagot o makasabay man lang sa kanilang pagbaba. Hindi pa ba ako nasanay? Ganito naman talaga si Papa at ganoon din si Mama. "Narito ka pa rin?" Boses ni Ylona. May hawak siyang mga papel at palagay ko ay may pupuntahan. "May problema ba kung narito pa ako?" inosente ko na naman tanong pero ang totoo gusto ko ng patulan ang paraan ng pagtrato at pagtatanong ng babaeng ito sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo. "I wonder kung bakit ako ang isinasama ni Eduard sa mga importanteng okasyon na related sa business," sabi niya at saka ako muling binistahan ng mapang-uyam na tingin. Tinaas niya pa ako ng isang kilay bago muling naglalakad palayo. Oo. Totoo. Si Ylona ang laging kasama ng asawa ko sa mga importanteng okasyon na related sa business world. Birthdays, anniversaries ng mga iba't-ibang investors at ng mga bigating negosyante. Pero pinipilit ko na lamang manahimik. Ayoko rin naman na magpunta sa ganun na klase ng mga okasyon. Pero, masakit. Dahil ako ang asawa. Ako ang dapat isinasama ni Eduard sa mga okasyon na imbitado siya. Pero mas proud siyang kasama at ipagmalaki ang babaeng kabit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD