Episode 9

1027 Words
Nag-aagaw liwanag at dilim na ng makabalik ako bahay buhat sa pagpunta ko kanina sa kompanya ni Eduard para ihatid ang mga papeles na naiwan niya. Gusto ko pa sanang manatili sa loob ng kanyang office pero nahiya rin kasi ako at baka isipin ng mga tauhan niya na tumatambay ang asawa niya sa halip na nasa loob ng kanilang bahay. Dahil maaga pa naman at tapos ko na rin ang mga gawain bahay ay naisipan kong dalawin ang kaibigan kong si Darwin na halos dalawang buwan ng comatose sa ospital dahil sa isang aksidente kung saan nabangga ang kanyang minamanehong sasakyan sa isang ten-wheeler truck. Nagdadalawang isip man na baka malaman ng asawa ko ang gagawin ko ay itinuloy ko pa rin ang aking plano. Sandali ko lang naman sisilipin si Darwin. Hindi naman ako magtatagal. Basta makita ko lang siya kahit sa malayo ay okay na sa akin. At isa pa, wala naman masama na dumalaw ako. Ang asawa ko lang talaga ang nag-iisip ng kung anu-ano. Awang-awa ako sa kalagayan ng aking kaibigan ng makita ko siya sa isang silid. Maraming aparatong nakakabit sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya. Maraming tuyong mababaw na gasgas ngunit sariwa pa ang mga malalaking sugat. Bumagsak na rin ang kanayng matipunong katawan at halos hindi ko na rin makilala ang mukha niya sa tindi ng kanyang mga tinamo na injuries. Pero salamat na lamang sa syensya at hanggang ngayon ay buhay pa siya at nabigyan pa ng pag-asa ang kanyang pamilya na magigising siya sa isang araw lalong-lalo na ang kanyang asawang si Winona. Hindi na ako nagpakita sa kahit na sino sa pamilya ni Darwin. Dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ngayon lamang ako nakadalaw gayong isa ako sa mga taong malapit sa kanilang mag-asawa lalo na kay Darwin. Tinawagan ko naman si Erin kung anong oras siya makakauwi buhat sa school. Sagot naman ng anak ko ay baka alas otso na ng gabi siya makauwi dahil sa dami raw ng mga dapat nilang tapusin na group activities. Kaya naman kampante ako kahit gabihin ng ako sa ng konti sa pag-uwi. Ang asawa ko naman ay sanay na akong ginagabi o kaya ay inuumaga sa trabaho. Ganun siya sa trabaho at sa mga tungkulin niya. Akma ko na sanang kukunin ang susi ng gate sa aking bag ng mapansin na halos nakabukas ang lahat ng mga ilaw sa buong bahay gayong tanda ko naman na hindi ko binuksan ang mga iyon. Nagmamadali akong pumasok sa loob dahil sa kaisipan na baka may mga masasamang loob na nakapasok sa aming bahay. Ngunit laking gulat ko ng mabungaran ang madilim na madilim na mukha ng aking asawa pagbukas na pagbukas ko ng front door. "Nagulat ka ba? Nagkamustahan na ba kayo ng lalaki mo?" agad niyang bungad at seryosong tanong na tila nagpipigil na masigawan ako. Hindi ko inaasahang makakauwi siya ng maaga dahil na rin sa narinig na inaaya siya ni Ylona na mag-dinner sa labas. Tumanggi man siya ay alam ko naman na baka konting lambing lang ng kabit niya ay mapapayag na siya. "Sinilip ko lang si Darwin-" Isang malakas na sampal ang nagpatigil sa kung anuman na sasabihin ko. Pakiramdam ko ay naalis ang panga ko sa lakas ng pagdapo ng kamay ni Eduard sa kaliwa kong pisngi. "Liar! " malakas niyang sigaw sa akin at muling dumapo na naman ang kanyang palad sa kanang kong pisngi na siya ng naging dahilan kung bakit bigla akong napasalampak sa malamig na sahig. Nabingi na nga yata ako sa dalawang malakas na magkasunod na sampal. Pakiramdam ko ay tumabingi na ang mukha ko. "Mahirap ba na sundin ang utos ko at pilit mong sinusuway?!" asik ng aking asawa sa nakakatakot at galit na galit na boses. Gusto ko man na tumayo mula sa pagkakatumba ay sobra na akong nahihilo at napaka hapdi ng magkabilaan kong pisngi. Hindi pa nakuntento si Eduard sa kanyang ginawa. Dinukwang ako at sabay sabunot ng mahigpit sa aking buhok at pabalang na itinaas at itinapat sa mukha niya. "Hindi ka na talaga nagtanda! Lagi mo na lang sinusuway ang mga gusto ko! Ganun mo ba kamahal si Darwin at kahit alam mong magagalit ako ay pinuntahan mo pa siya?!" Nag ipon ako ng lakas para makasagot. Lasang-lasa ko ang kalawang na likido na humalo na sa aking laway. "Dumalaw lang ako sa kaibigan ko at wala akong nakikitang masama sa bagay na iyon. At oo, mahal ko talaga si Darwin pero bilang kaibigan at kapatid lang. Bakit ba ang hirap mong intindihin ang bagay na yon, Eduard?" tanong ko sa galit na rin na tinig. Pabalang na naman akong napasubsob sa malamig na sahig ng walang sabi-sabi na naman na binatawan ng pahagis ang buhok ko ng aking asawa. Alam kong hindi ko man nakikita ang mukha ko sa salamin ay siguradong umaagos na naman ang sariwa kong dugo sa ilong at gilid ng bibig. "Ang lakas talaga ng loob mong sumagot! Sinong pinagmamalaki mo, April? Ang lalaki mo na lantang gulay na? Ha?" Ayoko naman talaga na sumagot para hindi na humaba ang usapan ngunit sumosobra na si Eduard. Hindi man lang ba siya nakakaramdam ng simpatya para kay Darwin? Pinsan niya si Darwin kahit pa sabihing may hindi sila pagkakaunawaan. "Alam mong wala akong maipagmamalaki sayo pero kahit kailan ay walang katotohanan ang ibinibintang mong may relasyon kami ni Darwin. Madumi lang talaga ang utak mo!" hindi ko na talaga napigilan na humulas ang galit ko. Malaking kasalanan na ba ang dalawin sa ospital ang isang kaibigan? Ngunit muling tumabingi pakaliwa ang mukha ko sa pagdapo na naman ng palad ni Eduard. Ganito niya talaga ako saktan. Wala siyang awa dahil alam niyang hindi ako makaka-alis sa poder niya dahil wala naman akong ibang pupuntahan. Alam niyang hinding-hindi ako makakauwi sa mga magulang ko. Alam niyang wala akong mga kaibigan na pwedeng hingan ng tulong. Batid niyang magtitiis ako ng sakit kaysa ipaalam sa mga kapatid ko ang tunay na kalagayan ko dahil na rin sa takot ko na madamay sila. At isa pa, wala naman sila. Wala akong ideya kung nasaan ang mga kapatid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD