Panay ang tingin ko sa aking relo sa kaliwa kong bisig habang nakakaramdam na ako ng pagka-inip. Kanina pa ako rito sa labas ng building ng university kung saan nag-aaral si Makoy. Mabuti na lang at half-day lang ang pasok ko sa university kung saan naman ako nag-aaral kaya naman naisip ko na talagang puntahan na ang lalaking naging mailap na magpakita at magparamdam. Wala siya sa kanyang bahay kaya dito ko siya naisipan na sadyain. Alam ko kung gaano kahalaga kay Makoy ang kanyang pag-aaral. Malamang nga na baka kahit nahihimatay na siya sa taas ng lagnat ay hinding-hindi iyon mag-aabsent sa kahit anong subject niya. Kailangan ko siyang makausap ng personal tungkol sa natuklasan ni Mommy na pinaupahan na naman niya ang kanyang bahay. Wala talagang kadala-dala na baka takasan na naman

