"Erin, ano at inaaway mo na naman yata si Makoy?" tanong ko agad sa anak ko ng buksan ko ang gate ng bahay ng marinig ko na may nag door bell. Naririnig ko na panay ang salita ni Erin ngunit hindi naman sumasagot ang animo at pinapagalitan niyang si Makoy na mabuti ay kasama ng anak ko na umuwi ng bahay. Unang nagmano sa kanang kamay ko si Erin at sumunod ang anak-anakan ko. "Mabuti at magkasama kayong dalawa?" usisa ko. "Mom, half day lang po ang klase ko ngayong araw at tamang-tama at pumasok sa isip ko na puntahan si Makoy at abangan siya sa labas ng kanyang school para isama dito sa bahay at ng masermunan mo." Taas-kilay pang pahayag ng anak ko na pumasok na sa loob ng aming bakuran. "Pumasok na muna tayo sa bahay." Pag-aya ko na sa dalawang estudyante na kadarating lang. "Tita,

