Nabili ko na ang lahat ng mga sangkap na kailangan ko sa aking lulutin na mga kakanin dito sa palengke kung nasaan ako ngayon. Pero hindi ako makabalik agad dahil wala pang sasakyan na dumarating. Baka kasalukuyan pa na kumakain ng tanghalian ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan dahil nga mag-a-alas dose na ng tanghali. Pwede rin naman lakarin ngunit mabigat ang aking mga bitbit kaya kailangan kong maghintay ng tricycle para sakyan pauwi sa bahay. Tinanghali kasi akong mamili ng mga ingredients sa pagluluto ko dahil naglaba muna ako ng mga damit namin na marurumi. At dahil nga sinipag ako sa paglalaba ay isinama ko na ang mga maruruming kumot, mga punda at maging mga bedsheet namin na gamit sa bahay. Hindi ko na nga naisama ang mga kurtina dahil masyado na akong tatanghaliin

