Nahulog ako sa malalim na pag-iisip ng malaman ang ginawa ni Eduard sa taong nanakit sa anak namin na si Erin. Kaya ba may bahid ng kung anu-anong mantsa ang kanyang damit at iba ang kanyang amoy noong araw na binalikan niya kami ng anak namin sa ospital ay dahil dugo ng tao ang dumikit sa kanyang balat at natuyo na? Nangingilabot ako kapag iniisip ang eksena kung paano niya pinarusahan ang taong iyon. Bigla akong sinaniban ng takot at kaba na baka biglang makalabas ang mga taong iyon at balikan ang sinuman sa mag-ama ko. Paano rin kung tinuluyan ni Eduard ma patayin ang kriminal na yon? Paano kung siya ang nasaktan o napatay ng taong iyon? Kung hindi pa sinasadyang nasabi sa amin ni Dark ay hindi namin malalaman ang ginawa ni Eduard. "Mom, ang daming dala ni Uncle Dark. Nag-message

