Madaling araw na ngunit hindi pa rin nakakabalik ang sinuman kina Makoy at Abby. Nakabantay na ako sa harap ng gate at napatag ko na talaga ng husto ang sementadong sahig ng bakuran sa paroon at parito kong ginawang paglalakad. Naiinis pa rin ako ng maalala si Eduard. Sanay naman ako sa ugali niya pero iba kasi ang sitwasyon. Paano niya nagagawang isipin ang kahalayan ng utak niya habang nawawala ang kapatid ko at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi. Tumatawag siya pero pinapatay ko ang cellphone. Nag-aalala ak na baka hindi ako makontak ni Makoy o ni Abby dahil panay ang tawag ni Eduard kaya naman pansamantala kong binlock ang cellphone number ng asawa ko. Panay ang tingin ko sa labas ng bakuran maging sa orasan ng hawak kong cellphone. Sino ba ang taong kakatagpuin ni Abby at tal

