"Mommy, kung hindi lang talaga magtatampo sa akin ang buong angkan ni Daddy, hinding-hindi po ako a-attend ng reunion." Reklamo ni Erin habang tamad na tamad kumain ng almusal. Maya-maya ay aalis siya hindi dahil papasok sa school kung hindi dahil susunduin na siya ng kanyang mga pinsan para magpunta na sa venue kung gaganapin ang kanilang reunion. Doon na rin sila mag-aayos at magbibihis pero dahil naroon na rin mismo ang kanilang mga dapat isuot. Ngayon ang araw ng family reunion ng pamilya ng mother-in-law ko. Pinipilit akong sumama ni Erin pero talagang tigas na akong tumanggi. Hindi dahil sa ayokong makisalamuha sa mga kamag-anak ng anak ko kung hindi ayokong maging sanhi ng gulo dahil siguradong naroroon ang asawa ko. Dati pa naman na akong hindi nakaka-attend sa taon-taon na

