Episode 36 ERIN POV

2344 Words

Pagkarinig ng tanong ni Daddy ay nagmamadali akong kunin sa bag ang wallet ko at inilabas ang lahat ng mga cards na naroroon. Ang mga atm at mga credit cards. Kung ito lang ang habol ni Daddy ay malugod kong ibabalik sa kanya dahil hindi ko naman kailangan ang lahat ng mga ito gaya ng hindi na namin siya kailangan ni Mommy. "Hayan na ang mga hinihingi mo, Dad. Sayo na ang lahat ng mga yan dahil sayo naman talaga galing yan. Huwag ka na sanang muli pang magpakita pa sa amin ni Mommy," wika ko na madiin ang bawat bigkas ng aking mga kataga. "Wala akong balak na kunin sayo ang mga yan, anak. Gusto ko lang itanong kung bakit hindi mo na ginagamit ang mga yan? Anong pinagkukunan mo ng panggastos para sa mga kailangan mo sa araw-araw? Sa mga school projects mo? Sa pagkain mo?" tanong ni Daddy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD