Umaga na ng makatanggap ng tawag sa kanyang cellphone si Erin mula sa kanyang Auntie Abby na nagsasabing nasa ospital ito kasama si Lyndon. Bilin ng bunso kong kapatid na ihatid ko muna ang anak niya sa school nito bago ako tumuloy sa lugar kung nasaan sila ngayon ng kanyang dating asawa. Nagtataka man kaming dalawa ni Erin kung paanong nasa ospital si Lyndon gayong halos himatayin pa nga sa kakaiyak si Lyndsay kahapon ng umalis na ang kanyang Daddy patungo na naman sa Finland. Kaya malaking katanungan sa amin kung bakit wala sa flight niya si Lyndon at ano amg ginagawa nila ni Abby sa ospital. Masasagot siguro ang lahat sa oras na magkita kaming dalawa ng kapatid ko. Basta ang sabi niya sa akin ng magtanong ako kung ano ang nangyari ay sasabihin niya na lang kapag nakarating na ako sa

