Episode 22

2019 Words

"Marunong ka ba talagang magtinda? Mukhang sa kulay pa lamang ng isang balat at makinis mo na kutis ay hindi ka na sanay sa mabigat na trabaho? Baka naman wala pang kalahating oras ay mawala ka na lang sa paningin ko at umalis ng wala man lang paalam dahil hindi natagalan ang trabaho?" Nakataas pa ang isang kilay habang kinikilatis ako ng mabuti mula ulo hanggang paa ng isang ginang na nagmamay-ari ng tindahan ng mga gulay dito sa palengke na malapit lamang sa plasa kung saan ako nagpalipas ng magdamag kagabi. "Aling Tasya naman, maputi lang po talaga ang tiyahin ko dahil mestiza ang lahi namin." Pagsingit ni Makoy na siyang may kakilala sa Ginang. Marahil ay nasa singkwenta na ang edad ng may edad na babae. May katabaan ang kanyang katawan at may nakasuot sa kanyang baywang ang para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD