Episode 21

1793 Words

"Ako nga pala si Aprilyn pero tawagin mo na lang akong Tita April kung gusto mo." Pagpapakilala ko sa aking sarili sa mabait na binatilyong estranghero. Masyado ng mahaba ang naging araw ko at talagang gusto ko ng ilapat ang pagod na pagod kong katawan kahit saan. Kaya naman hindi na ako tumanggi pa ng ipilit ng binatilyo na ako na ang humiga sa kanyang higaan. Samantalang naglatag naman siya ng iba pang karton malapit sa hagdanan na isang dipa ang layo mula sa kung nasaan ako. Doon na lamang kasi ang natitirang espasyo ng stage na pwede pang gawin na pwesto para humiga. "Makoy naman po ang pangalan ko." Pagpapakilala naman niya sa akin habang nagsindi na ng katol m at maingat na inilagay sa bunganga ng isang nakabukas na babasaging bote ng alak. "Makoy, maraming salamat at pinahiram

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD