"Mag-ready na kayo kasi may gig tayo mamaya. Huwag n'yo na munang guluhin ang utak n'yo at baka hindi kayo makatugtog nang maayos," paalala ko sa kanila bago ipagpatuloy ang pagluluto.
Hindi pa rin sila bumabalik sa ayos at hanggang ngayon ay tulala pa rin sila. Ako ang may isyu tapos sila ang sobrang naapektuhan. Ang sarap talaga magkaroon ng katulad nilang kaibigan, ang sarap-sarap.
"Hey, gisingin n'yo 'yang kaluluwa n'yo," sambit ko kasabay ng pagpalakpak sa harapan ng kanilang mukha.
Bumuntong-hininga ako dahil hindi pa rin effective ang ginawa kong pagpalakpak nang napakalakas. Ano ba kasi ang nangyayari sa dalawang 'to? Para silang nasapian. Nakita lang nila 'yong picture na 'yon ay hindi na sila nakabalik sa katinuan.
"Hoy! Mga bingi ba kayo?!" sigaw ko sa kanila na halos yanigin na ang buong paligid ngunit hindi pa rin sila nagpatinag.
Sa sobrang inis ay pumunta na lang ako sa lamesa. Kumuha ako ng niluto kong hotdog, bacon at tinapay. Nag-umpisa akong kumain pero hindi ko magawa-gawang lunukin ang mga pagkaing isinusubo ko kaya napahinto na lang ako. Hindi ko na tinuloy pa ang pagkain.
"Guys, kumilos na tayo," sabi ko sa kanila.
Huminga ako nang malalim at nakahinga nang maluwag nang makita kong bumalik na sila sa ayos. Mabuti naman dahil para na akong mababaliw nang dahil sa kanila.
"Sorry, Hell. Parang ang sakit ng ulo ko," ani Heaven habang nakahawak sa kaniyang ulo.
Dali-dali akong lumapit sa kaniya at hinipo ang kaniyang leeg at noo upang masiguro kung may lagnat siya. Hindi naman siya mainit at mukha naman siyang maayos ang kaso, baka dahil sa nag-inuman kami. Baka may hangover din siya.
"Okay, I guess you two need a rest. I'll go alone at Chilltop," nakangiti kong sambit na ikinabigla nila.
"No! You're not going alone! We're ellipsis at kulang ka kapag wala kami, remember?" ani Paradise na napatayo pa sa upuan niya.
Napabuntong-hininga ako. Ano naman ang magagawa nila sa sitwasyon na 'to? Kailangan naming tumugtog dahil kung hindi, mawawalan kami ng chance. Malaking bagay ang gig sa nag-uumpisang banda.
"I thought masakit ang ulo ni Heaven at naisip ko baka ikaw rin gano'n kaya buong umaga na kayong nakatulala simula nang makita n'yo ang litrato ng tatlong lalaking 'yon. So, it's better kung mag-isa na lang ako at kayo, magpahinga kayo." I smiled at them.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Paradise habang napahawak naman si Heaven sa kaniyang ulo na halatang kanina pa sumasakit.
"No, sasama ako. Hindi ko lang talaga makalimutan si Rain..." She stopped for a minute, reminscing something. "... He's a drummer sa bandang Metal Angels."
Naagawa ni Paradise ang atenstyon ko dahil sa sinabi niya. Coincidence lang ba ang mga ito? Bakit tila nagkakaroon ako ng isa masamang ideya sa isipan ko?
"And you? What's wrong with you?" tanong ko kay Heaven dahilan para mapahinto siya sa ginagawang paghimas sa kaniyang sintido.
Binigyan niya ako ng isang naguguluhang tingin kaya napasinghal ako. Napakainosente niyang talaga kaya hindi ko alam kung ano ang inililihim niya sa amin — sa akin.
"I guess his name is Light, the guitarist of the band you two are talking about—" I stopped her.
"What's with him?" seryoso kong tanong sa kaniya.
Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin at pilit niyang iniiwasan na magtagpo ang aming mga mata.
"I met him... noong rakfest. Busy kayong dalawa ni Paradise kakanuod kaya naisipan kong maglakad-lakad and then... 'yon na. Ang bilis ng pangyayari, nagising na lang ako na kasama ko na siya—" Hindi niya muling naituloy ang sasabihin nang sumingit ulit ako.
"Wait... wait, are you saying na may nangyari sa inyo? Jesus! Paano mo 'yon nagawa sa isang lalaking hindi mo pa gaano kakilala? Ano 'yon? Basta one night stand? Oh God! Why didn't you use your mind?" sunod-sunod kong sermon sa kaniya dahil higit sa lahat, siya ang pinakainosente sa aming tatlo.
Napasapo siya sa kaniyang ulo at napapikit nang mariin.
"Wait, is that true?" tanong ni Paradise na nakatitig nang diretso kay Heaven na para bang hindi makapaniwala.
"Ano ba, walang nangyari sa amin at isa pa, buong gabi kaming nagkuwentuhan hanggang sa matapos na ang rakfest at bumalik na ako sa inyo. Don't overreact, please. Napapaisip lang ako kasi I met him again when I bought a cake yesterday and then, I greeted him but he just ignored me as if he didn't know me. I mean, yes, he didn't know my name pero nag-usap kami!" mahabang paliwanag niya pagkatapos ay iniuntog niya ang sarili sa pader.
"I hate this! Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Nasaktan ak nang gawin niya 'yon," dugtong niya pa.
Napatingin ako sa kaniya at nakita ko sa kaniyang mga mata na nalulungkot nga siya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit silang tatlo pa ang nakilala namin ng sabay-sabay ng araw na 'yon?
"Nakita ko rin 'yong lalaki noong bumili ako ng red wine and champagne. Gaya ng ginawa sa 'yo ng Light na 'yon, tinitigan niya lang din ako na para bang hindi niya ako tinabihan at kinausap noong rakfest. Nakakainis 'yong lalaking 'yon!" inis na sabi ni Paradise.
Napakunot ang aking noo. Coincidence lang ba talaga ang lahat ng ito? I smell something fishy. Pakiramdam ko, may mali. Pakiramdam ko rin may itinatago pa si Heaven bukod sa sinabi niya ngayon.
"Omg! Is this coincidence?"
Lumaki ang mata ni Paradise nang sabihin niya 'yon. Sabay kaming napatingin sa kaniya ni Heaven.
I guess, naisip niya na rin ang naiisip ko. Mukhang hindi lang ako ang nakahalata.
"Hell, nakilala mo si Fire noong rakfest at ikaw Heaven, nakilala mo naman si Light tapos ako, nakilala ko si Rain. Anong naiisip n'yo, huh?" aniya.
Nakita ko ang pag-iiba ng itsura ni Heaven, mas lalo pa itong naging malungkot. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Mukhang may nangyari sa kanila kaya hindi siya magawa-gawang alisin ni Heaven sa kaniyang isipan.
"Wait, I'll check their social media accounts."
Binuksan ni Paradise ang cellphone niya at may ni-research siya na kung ano hanggang sa magtaka ako nang lumaki ang kaniyang mga mata na animo'y nakakita ng multo.
"Hell," tawag ni Paradise sa pangalan ko dahilan para balutin ako ng kaba.
Bumilis ang t***k ng dibdib ko at kahit nakaupo lang, pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.
"May video kayo ni Fire noong araw na 'yon. Look."
Iniabot ni Paradise sa akin ang cellphone niya at nang makuha ko na 'yon ay pinanuod ko ang video na gusto niyang ipakita sa akin. Halos mangiyak-ngiyak ako sa nakita kong video.
Ang nilalaman niyon ay ang paghalik ko sa pisngi ni Fire at ang iba't ibang komento tungkol sa akin. Desperada raw ako na mahalikan ang bias nila.
"Nakakainis! Tangina! Hindi ako p****k! Hindi ako malandi! Hindi ako maharot!" sunod-sunod kong sigaw na ikinagulat nilang dalawa.
Natigilan sila at tinitigan lang nila ako na para bang nasapian ako ng isang walang awa na demonyo. Masisisi ba nila ako? Kung anu-ano ang nabasa kong maling paratang na tungkol sa akin, ni hindi ko nga alam na sikat pala 'yong lalaking 'yon. Edi sana, hindi na lang ako pumayag.
"May iba rin na shiniship kayo. Omg! May love team ba kayo!" kinikilig na sabi ni Paradise dahilan para mapasimangot ako.
Ano naman kaya ang nakakakilig sa bagay na 'yon? Ni minsan ay hindi ko pinangarap na i-ship sa kung sino, buti kung si Zild ang ibabagay nila sa akin. Wala akong sasabihin, hindi ako aangal.
"Alam na rin nila ang name mo." Tumawa si Paradise nang sobrang lakas.
Tinitigan ko siya nang masama dahil naasar na ako sa kaniya. Hindi ko alam kung iniinis niya ba akong talaga.
"Ang dami na ring nag-add sa akin," ani Heaven dahilan para mapatingin ako sa kaniya na hawak-hawak na ngayon ang kaniyang cellphone.
Kinuha ko 'yon at tiningnan kung ano ang mayro'n don. Tama siya, ang dami na nga niyang followers at marami rin ang nag-po-post sa timeline niya tungkol sa akin. Saan naman kaya nila nalaman ang pangalan ko?
"Sa akin din, ang dami na!" ani Paradise.
Kinuha ko ang cellphone ko at nabigla ako nang buksan ko ito. Libo-libong notification ang bumungad sa akin. Tiningnan ko ang i********: ko at nakita ko ang pagdagsa ng mga followers ko. Isinunod ko ang f*******: at nakita ko ang iba't ibang tagged post sa timeline ko.
Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Hindi ko alam ang gagawin. Ang dami na ring mensahe sa akin, halos tadtarin nila ako. Tinatanong nila kung saan ako nakitira.
"Teka, they are asking me kung saan ako nakatira kasi hinahanap daw ako ni..." I stopped for a seconds. Unti-unti kong nabitiwan ang aking cellphone. "... Hinahanap ako ni Fire?"
Halos bumagsak ako sa upuan nang mabasa ko 'yon. Ano naman kaya ang kailangan niya sa isang katulad ko? Wala siyang mapapala sa akin dahil hindi ako ang babaeng inaasahan niya. Hindi ako ang babaeng basta-basta niya lang makukuha.
Pero, bakit ganito? Bakit biglang gustong lumundag ng puso ko? Bakit parang gusto kong ngumiti nang napakalawak?
Ano ba itong nangyayari sa akin?