"Hell!" sigaw ni Paradise sa akin kaya halos mahulog ako sa aking higaan.
Parang lumindol sa sobrang lakas ng sigaw niya. Halos marindi ang tainga ko. Ngayon lang ako matutulog sa buong magdamag na nag-inuman kami. Naka-ilang round kami at halos mahilo ako dahil sa hangover. Ang sakit ng ulo tapos ang sasalubong sa akin ngayong umaga ay ang mukha ni Paradise na hindi ko maipaliwanag. What's wrong with her?
"Get out! I'm sleeping!" sigaw ko sa kaniya pagkatapos ay itinaklob ko sa aking mukha ang unan na kanina'y yakap-yakap ko.
Tumalikod ako sa kaniya pero pilit niya akong pinapaharap. Patuloy niyang inaalog ang katawan ko. Ayaw kong mainis sa kaniya dahil umagang-umaga at masakit ang ulo pero sa ginagawa niya, malapit nang mag-init ang dugo ko.
"I want to show you something. Come on, gumising ka na," aniya habang tinatanggal ang unan na nakataklob sa dalawa kong tainga.
"Can you show me that later? I'm tired at gusto kong magpahinga. I just want to rest for pete's sake," naiiritang sabi ko sa kaniya ngunit hindi pa rin siya nagpatinag, pinagpatuloy niya pa rin ang panggugulo sa akin.
"You have to see this. Grabe, sikat ka na," aniya dahilan para mapatayo ako nang biglaan.
"The hell are you talking?" gulat kong sabi sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero bigla akong kinabahan. Bakit ganito ang naging reaksyon ko? Biglang tumibok nang napakabilis ang puso ko.
"I thought you hate saying those words and yet-" I stopped her.
Mismong ako'y hindi makapaniwala na sinabi ko 'yon sa kaniya. Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ba naman kasi kailangan niya akong bigyan ng heart attack?
"Anyway, naalala mo noong rakfest? You've met a guy. If I'm not mistaken his name is..." Pansamantala siyang huminto at nag-isip. "... 'Yon! His name is Fire."
Napahawak ako nang mariin sa unan nang marinig ko ang pangalan ng lalaking 'yon. There's something about him that is making me feel this weird feeling that I can't name.
"What's with him?" I asked her.
"Look, because of him nakakuha ka ng sobrang daming atensyon galing sa mga fans nila and they are finding you for some reason. Pakiramdam ko dahil sa naka-duet mo siya," pagpapaliwanag niya na nagpakunot sa aking noo.
"So, what?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
I can't find any reason for them to find me. Wala naman akong ginawa sa lalaking 'yon.
"Huwag mo akong titigan nang ganiyan dahil wala akong ginawa sa lalaking 'yon-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumagi sa aking isipan ang paghalik ko sa kaniya.
"Oh f**k. Dahil ba ro'n?" tanong ko kay Paradise na tango lang ang naging sagot sa akin.
Lumaki ang aking mga mata at parang gusto ko na lang bumalik sa mahimbing kong tulog. Bakit ba kasi ako pumayag na halikan siya sa pisngi?
"Bakit ka ba kasi pumayag? Alam ko kasi man hatter ka. 'Di ba? Tama ba ako? Sabihin mo nga, aber!" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Napasapo na lang ako dahil tama siya.
"Teka, bakit nga ba? Right, dahil sa IV OF SPADES. Hinalikan mo siya dahil hiniling ng mga idol mo," dugtong niya pa.
Hindi ko alam kung kaibigan ko ba tagala siya dahil halos insultuhin niya ang pagka-adik ko sa bandang 'yon.
"Bakit ba kasi nila ako hinahanap bukod sa rason na 'yan. E, ano kung hinalikan ko 'yong Fire na 'yon, isa ba siyang gem?" Itinaas ko ang kaliwa kong kilay.
"Ewan, they say na bagay raw kayo at 'yong iba naman, they are saying bad words to you..." Napahinto siya at napangiwi. "... Malandi ka raw."
Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang sinabi ni Paradise sa akin. Malandi? Sino ako? Makikita nila.
"Hell, bakit nakangiti ka nang ganiyan? Bakit ang sama ng ngiti mo?" tanong ni Heaven nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng kuwarto ko.
"Hell?" matipid na tanong ni Paradise.
Tumawa ako nang malakas habang pumalakpak. Nakita ko ang pagtataka sa kanilang mukha dahil nagkatinginan pa sila at nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Malamang iniisip nila kung bakit naging ganito ang reaksyon ko.
"Malandi raw ako?" tanong ko kay Paradise habang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa.
Hindi sila umimik at tinitigan lang ako na para bang isa akong baliw na nakawala sa mental hospital.
"Sinong may sabi na malandi ako?!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong paligid.
Tumigil ako sa pagtawa at umayos ako ng upo. Napagmasdan ko kung paano sila lumunok nang mariin. Alam nilang galit na ako sa puntong ito. Ngayon na lang ulit ang unang beses na sumigaw ako nang sobrang lakas na halos mayanig ang buong paligid.
"Huminahon ka," ani Heaven habang itinataas-baba niya pa ang kaniyang mga kamay.
Huminga ako nang malalim at sinunod ko siya. Nagpakawala ako ng mabibigat na paghinga at nang gawin ko iyon ay medyo nawala ang galit na nararamdaman ko.
Paano ba naman kasing hindi ako magagalit, ni minsa'y walang nagsabi sa akin na malandi ako, wala ni isa kaya hindi ko inaakalang nang dahil lang sa lalaking 'yon ay masasabihan ako ng gano'ng klaseng salita.
"Paradise," tawag ko kay Paradise na ngayon ay nagngangatngat ng kuko.
Tumingin siya sa akin at ngumiti nang peke dahil alam kong kinakabahan siya. Bakit ba naman kasi ang daldal-daldal niya? Lahat na lang ng bagay alam niya daig niya pa ang isang taong tatakbo bilang mayor.
"Sa'n mo ba nakuha 'yang mga impormasyon na 'yan?" tanong ko sa kaniya.
Napakagat siya sa kaniyang labi bago ilabas ang kaniyang cellphone. May pinindot siya na kung ano, ipinakita niya ito sa akin at halos manlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat.
"Oh God. Who made that s**t?" gulat kong sabi nang makita ko ang larawan namin ni Fire na magkasama.
Halatang edited iyon at kahit na edited lang 'yon ay umani ako ng napakaraming panghuhusga galing sa mga nagkakandarapa sa lalaking hindi ko naman kilala kung sino. Nakakainis talaga 'tong mga nababasa ko, niyuyurakan ang pagkatao ko nang hindi inaalam.
"Sino ba kasi ang lalaking 'yon?" inis kong sabi habang binabasa ang mga komento tungkol sa akin.
"Kasi... kasama siya 'yong vocalist ng bandang Metal Angels," ani Paradise dahilan para maagaw niya ang atensyon ko.
"Metal Angels?" nagtatakang tanong ni Heaven sa kaniya.
Wala pa akong naririnig na kanta nila pero pamilyar sila sa akin. Napakapamilyar ng pangalang 'yon.
"Omg... 'yon ba 'yong sinisigaw ng mga tao? 'Yong nasa rakfest tayo, may narinig ako na sumisigaw ng Metal Angels best vocalist ever," ani Heaven kaya napasapo ako sa aking mukha.
Tama siya, 'yon nga 'yong naririnig ko ng araw na iyon. Bakit ba hindi kaagad pumasok sa isipan ko? Kung alam ko lang, hindi ko siya hahalikan. Alam kong makakasira 'to sa imahen ng grupo namin, hindi pa man din kami nag-uumpisa'y masisira kaagad kami nang dahil sa issue na 'yon.
"Oh God. Tama ka, Heaven..." Huminto ako sa pagsasalita at dali-dali kong itinuon ang atensyon sa cellphone ni Paradise. "... Metal Angels? Tama ba?"
"Oo, bakit?" tanong ni Paradise.
Ni-research ko ang banda nila at maraming lumabas na litrato, mga gigs at pictures na kasama nila ang fans. Mayro'n ding mga picture kasama ang mga sikat na ibang banda. Mukhang medyo sumisikat na nga sila.
Naagaw ng aking atensyon ang isang larawan. Tatlo sila at pare-pareho sila ng style ng buhok, mukhang music video ito ng isa sa kanta nila.
Hindi ko maipagkakaila na lahat sila'y may angkin na kaguwapuhan. Kaya siguro maraming nagkakandarapang babae sa kanila na halos patayin na ako nang dahil lang sa halik na 'yon.
"Patingin ako!" Inagaw ni Paradise ang cellphone sa akin at nang makita niya ang picture na tinitingnan ko kanina ay halos malaglag ang panga niya.
"Sabi na..." mahina niyang sambit na para bang hindi makapaniwala. "... Sabi na, kasama siya sa bandang Metal Angels."
Napakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Mukhang kakilala niya ang isa sa grupong 'yon.
"Ang tanga ko!" Inuntog-untog niya ang sarili sa pader at halos mapangiwi na lang ako dahil sa ginagawa niya.
"Akin na nga 'yan," ani Heaven habang kinukuha ang cellphone kay Paradise.
Gaya ni Paradise ay halos malaglag din ang panga niya. Natulala niya sa litrato na para bang nakakita ng multo.
"Siya 'yong naka-vir-" Napabalik siya sa reyalidad at hindi niya na naituloy ang sasabihin.
Nagtaka ako dahil sa sinabi niya dahil nagkaroon na ako bigla ng kutob. Sino kaya ang tinutukoy niya sa tatlo? Nakakaramdam na ako kung ano ang nangyari sa kaniya. Kung bakit siya palaging tulala.
"Heaven?" seryosong tawag ko sa pangalan niya dahilan para tumingin siya sa akin at mapalunok nang mariin.
"Wala akong kasalanan," aniya pagkatapos ay bumuntong hininga.
"Ano 'yong sinasabi mong siya 'yong naka? Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya.
Umiwas siya ng tingin at nakita ko kung paano mamula ang kaniyang pisngi. Ano ba kasi ang problema ng babaeng 'to? Hindi ko akalaing matutulad siya kay Paradise na araw-araw lutang at parang high, daig pa naka-drugs.
"Ang guwapo niya," ani Paradise na nasa gilid habang nakatanaw sa kung saan.
"Hindi kita tatanungin kung ayaw mo pang sabihin pero kung may isinisikreto ka sa amin. Pakiusap, sabihin mo kapag handa ka na. Mag-re-ready na ako ng foods." Ngumiti ako sa kaniya.
Tumayo ako sa higaan at iniwan ko silang nakatulala sa loob ng kuwarto ko.
Huminga ako nang malalim habang nakatapat sa harapan ng ref. Bakit hindi ko magawang alisin sa utak ko ang itsura ng lalaking 'yon? Hindi dapat ako nagpapaapekto nang ganito.
Kailangan kong ipagsawalang-bahala ang lahat, kailangan kong huwag patulan ang sinasabi ng mga fans niya sa akin dahil kung hindi, ako ang mapapahamak - kami ang mapapahamak.
Sa ngayon ay kailangan kong mag-isip nang matino at ayusin ang lahat sa pinakatamang proseso.